CHAPTER 6

1K 70 2
                                    

ZYRIA'S POV

Napangiwi ako habang pinagmamasdan si Aldrake na nakatingin sa kapatid n'ya. He was looking at her unbelievable, pa'no ba naman nagwawala ito na parang bata dahil ayaw s'ya palabasin ni Aldrake.

“GUSTO KO LUMABAS!!!” sigaw ni Ferra habang nagmamartsa sa harap namin. I can't help my self to not laugh. Isip bata!

“You're not going anywhere Ferra unless I'm with you” protective kuya naman pala. Mas lalong nagdabog si Ferra kaya mas lalo ko ding pinagbuti ang pagpipigil ng tawa ko.

“NO!!!!” inis na sabi nito. Hay nako buti nalang hindi ako spoiled brat kahit ako ang bunso.

“Anong no? Hoy baka hindi mo alam na nasabi na sa'kin ni mommy ang dahilan kung bakit ka umuwi dito!” nang dahil sa sinabi ni Aldrake natigilan si Ferra at napasimangot. “Kaya wag mo ng tangkain Ferra alam mo na kung anong mangyayari” diko gets pero base sa pinaguusapan nila parang mabigat.

“I-I just—” hindi na pinatapos ni Aldrake kung ano mang gustong sabihin ni Ferra.

“I don't care. Ikaw naman stupidang chismosa kanina kapa nakikinig!” ako nanaman?! Hello sa harap ko kaya sila naguusap natural maririnig at makikinig ako.

“Kasalanan ko bang sa harapan ko kayo naguusap MASTER? Ako lang naman po kasi yung TAO dito kanina di'ba?” sarcastic na sabi ko sa kan'ya. Pinanliitan n'ya ako ng mata dahil sa inasal ko, wala naman akong pake kahit manlaki pa mata n'ya.

“Ibili mo nalang ako ng beer sa labas” utos n'ya. Nauna pang tumayo sa'kin si Ferra, hm parang alam ko na to.

“Sama ako!” sabi ko na nga ba e wala akong sinabi.

“No” agad namang sumimangot si Ferra. Napa-iling nalang ako bago ibaling ang tingin ko kay Aldrake.

“Akina po yung pera MASTER” wala na akong pera para bilhan s'ya ng ako yung nagbabayad. Agad naman itong dumukot sa wallet n'ya saka nag-abot sa'kin ng pera.

“Alis na!” pagtutulak nito. Syempre sumunod nalang ako. Bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto sinulyapan ko ulit yung magkapatid, yung isa nakasimangot habang yung isa seryoso.

Medyo malayo dito yung bilihan ng beer. Habang naglalakad ako napasulyap naman ako sa kwarto ni Hiro, kamusta na kaya s'ya? Kahapon kasi ang emotional n'ya tapos halatang sad s'ya. Kahapon ko lang din nalaman na behind those precious smile e sobrang lalang karanasan. Hindi ko naman maiwasang mapa-isip kung sino yung babaeng tinutukoy n'ya.

Bakit ko nga ba inaalam kahit naman makilala ko yon wala din naman akong pake. Sa sobrang lutang ko may bigla nanaman akong nabangga akala ko pader kasi matigas pero base sa nakikita ko sa semento may sapatos. Agad akong nag-angat ng tingin, si Kuya lang pala.

“S-Sorry kuya” paumanhin ko bago umalis sa harap n'ya.

“Sa susunod wag kang tatanga-tanga” napa-pout nalang ako sa sinabi n'ya habang s'ya dumeretso na sa paglalakad.

Pinagmasdan ko pa si kuya habang naglalakad s'ya. I miss kuya Blake, wala kasi silang pinagkaiba ni kuya pagdating sa pananamit at paglalakad. Yung tindig, postora at lalo na yung ngiti parehong-pareho. They're not identical twin kasi si kuya Blake mas may hawig kay mom while kuya Kreus naman is kay dad.

Yung ugali ni Kuya Blake siguro minana n'ya din kay mom tapos si kuya Kreus naman kay dad. Naalala ko dati nag-away silang dalawa tapos kinampihan ni mom at dad si kuya Blake. Sabi ni kuya noon palagi nalang daw si kuya Blake yung kinakampihan nila without hearing his explanation. Siguro ayon yung reason kaya ayaw n'ya kay mom at dad pati nadin kay kuya Blake.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon