CHAPTER 1

114 15 0
                                    

Naglalakad ako sa kahabaan ng hallway halos wala ng estudyante ang dumadaan. Unusual i'm always late. At wala namang magbabago kung malalate ako o hindi.

Lahat ng classroom na madadaan ko may mga prof na naglelecture.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ng may naramdaman akong sumusunod sa'kin. The heck! Pati ba naman dito?!

Let's see!

Kahit kailan hindi ako tinatantanan ng mga stalker ko?

Tinakbo ko na ang patungong classroom. Nang may biglaang humawak sa balikat ko.

"Tsk, mas mabilis parin ako sayo." Nagyayabang na sabi niya. Kala mo naman kung sino. Tingnan na'tin ang kaya mo.

"If you say so." Hinawakan ko ang kamay niya at pinalipit patalikod. Namimilipit ito sa sakit dahil sa pagkakahawak ko.

" Isang maling galaw, I swear hindi mo na magagamit ang kamay na'to." I said.

"Tsk, hanggang ngayon wala paring tatalo sa bilis mo, Sammy." Tinulak ko siya bago binitiwan. Tumatawa lang ito, akala mo naman may nakakatawa. Tsk.

"Ano na namang pumasok sa kukuti mo?" Hinimas niya muna ang kamay na muntik ko nang mabali kanina.

"Ang sakit non a." Inirapan ko lang siya at inayos ang uniform ko. Medyo nagusot ng kunti ang blouse niya. It's not my fault.

"Kasalanan mo rin yun. The fact na ikaw ang unang sumugod."

Napatigil kaming dalawa sa pag-uusap ng may dalawang pares ng sapatos ang nasa aming harapan. Tsk, kahit kailan panira talaga ng mood.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Late na nga kayo nakuha niyo pang mag-tsikahan. Go!"

"Yes, sir." Mabilis kaming tumakbo papuntang classroom.

Guidance councelor lang naman namin yun. Mabuti na lang at hindi pricipal ang nakahuli sa'min. By the fact, na palaging mainit ang ulo ng prinicipal namin sa mga laging late. Kasalanan ko bang late na tumunog ang alarm clock ko?

Pumasok kami sa classroom na parang walang mga pakialam. Padabog kung nilapag ang bag sa ibabaw nang mesa bago umupo. Wala namang laman ang bag ko kundi isang notebook at ballpen lang. What's the point? Tamad naman akong magsulat ng mga notes.

"Ehem." Tumikhim bigla ang prof namin na nasa harap. Nandiyan pala siya.

"Ay, prof. Nandiyan ka pala. Goodmorning." Nangiting bati ni Ure. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to

Siya pala yung kasama ko kanina. Yung babaeng muntik na mabali ang kamay.

"Oo, nandito ako. Kanina pa! Late na naman kayong dalawa! Malapit ng matapos ang oras at naisipan niyo pa talagang pumasok! Lumabas kayong dalawa. Hanggang sa mapag-isipan niyong pumasok ng maaga!" Salamat naman.

Siya lang ang prof na may ganyan kalakas na boses and I hate it. Ayaw ko sa maiingay. Ang sakit kaya sa tainga. Parang mababasag eardrums ko.

"Prof naman kararating lang-"

"Thank you prof. Maaga kaming makakakain." Sabi ko bago lumabas. Pinalabas niya kami eh.

"Anong kakain?! Sabi ko dito lang kayo sa labas ng classroom!" Kumaway lang ako sa kanya at tumakbo palabas.

Ako lang sana mag-isa ang pupunta ng canteen kung hindi sumunod si Ure.

"Sammy, sammy, sammy."

"Isang sammy mo pa, sisiguraduhin kong hindi ka na magigising." Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakairita.

"Ok, ok."
"Hindi parin talaga nagbabago ang ugali mo. Noong first year, may pinaiyak kang prof natin. Second year, may pinawalk out ka. Third year, may pinaresign ka. At ngayon anong plano mo ha?" Inirapan ko lang siya. Hindi ko naman kasalanan kung gano'n na lang kalaki ang galit ng prof namin sa akin.

"Wala."

Papasok palang kami sa cafeteria pero para ng palengke. Maingay, magulo and I hate it.

"Kung gawin na lang kaya nila tong palengke? Ano?" Sabi ni Ure na nasa tabi ko lang.

Humanap ako ng pwesto na mauupuan namin ni Ure. Meron pa namang bakante sa may gilid.

"Upo na tayo, nangangalay na ang binti ko e." Lumapit kami sa pwestong nakita ko kanina. Akmang uupo na sana kami ng may lumapag ng tray ng pagkain sa harap ko.

"Sorry, miss. Pero ako ang nauna."

"I don't care." Sabi ko at umupo katapat niya.

"Sammy, sa iba na lang tayo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ure. Wala akong pake kung sino ang nahuli o nauna.

"Miss, ayaw ko ng gulo. At may kasama pa ako. Kaya kung maaari lumipat na lang kayo ng table." Kalmadong saad nito.

Tinitigan ko lang ang lalaking nasa harapan ko. Ayaw ko rin ng gulo. Pero kung ipipilit mo pa ang gusto mo. Magkakagulo talaga tayo.

"Kung ayaw mo ng gulo ikaw na lang ang lumipat." Wala sa sariling sabi ko. Kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. Hindi ko alam pero parang gusto ko ang nangyayari.

"Miss, kinakausap kita ng maayos."

"At bakit ako hindi?"

"Talaga naman!" Inis na sambit ng lalaki. Sige mainis ka lang. Tingnan na'tin.
"Miss, kung ayaw mo ng gulo pumayag ka na lang sa gusto ko."

Hindi pa rin ako nakinig sa kanya. Pake ba nila. Yun na lang ang available seats.

"What's happening here?" Sabay kaming napalingon sa matiponong boses na nagsalita. At sino naman 'to?

"Wave." Umatras ang lalaking nakasagutan ko. At tumabi sa lalaking kararating lang. Ano 'to? Back up?

Tsk, at may nakikisawsaw pa. Mas masaya nga 'to e.

The more the merrier.

"Sammy, alis na tayo." Pagpipilit ni Ure.

Nakatuon lang ang atensiyon ko sa lalaking nagngangalang Wave.
Wala akong masabi sa kanya, almost perfect e. Tall, handome.But his not my type.

At bakit ko ba siya dinidescribe?

Halatang hindi ngumingiti ang isang 'to. Parang karga niya lahat ng problema sa mundo.

"Pinaalis ko lang ang babaeng yan." Turo niya sa'kin at tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagsumbong pa talaga.

Tinapunan ako ng tingin yung sinabi niyang Wave na ang talim ng tingin sa'kin. I'm scared.

Tinitigan ko lang ito. Magtititigan lang ba tayo dito? Or what? Ang unang kumurap talo?

Oh boy! Gutom na gutom na ako. Pwede namang pagkatapos namin kumain sila ang sumunod. Matatapos na lang ang break time hindi parin kami nakakakain.

Tumalim ang tingin ni Wave ng makita niya akong nakangisi.

Do you want war? Then I'll give you a war.

To be continued...

The Gangsters (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя