CHAPTER 26

19 7 0
                                    

Nakikinig lang ako kina Ure na pinipilit si Athena na sabihin kung ano pa ang hindi nila nalalaman. Kailangan ko pang bumalik sa university. Hanggang hindi pa sila nakakalabas dito sa hospital ako muna mag-isa ang gagawa ng plano. Sasabihin ko rin naman sa kanila kaagad kong anong gagawin ko.

"Babalik muna ako sa university." Pang-iistorbo ko sa kanila. Hindi ko sula hinintay na makapagsalita.

Pinuntahan ko muna si tanda para makapagpaalam.

"Aalis na ako." Nginitian ko lang sina Greek na nakaupo sa kanya-kanya nilang mga kama.

"Paggaling kayo."

Humanda talaga sa'kin ang babaeng may apat na mata. Hindi lahat maloloko niya.

Pinaiimbistigahan rin sina Ure. Dahil sa pag-aakala ng mga pulis na gumagamit sila ng drugs dahil narin nakita iyon sa kanilang katawan.

"Sorry, Ms." Sabi ng nakabangga ko. Akang lalagpasan ako nito pero mabilis kong nahawakan ang braso niya.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa hood nito.

Mabilis niyang winaksi ang kamay ko pero nahila ko ang hood niya na siyang dahilan kong bakit kitang-kita ko ang mukha niya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang hood at hindi hinyaang umalis. Matagal na panahon na ring hindi tayo nagkita, Henz.
•••
Dati sampu kaming magkakasama sa grupo ako ang leader. Kasama ko sina Ure, Gi, Henz at ang pito pang natira.
Sa lahat ng misyon na pinapaggawa ni tanda magkakasama kaming tatlo.

"Anong susunod?" Tanong ni Henz habang nasa tabi ko.

"Wala pa akong naisip." Sagot ko naman habang nilalaro ang dagger.
Mas close ako kay Henz kaysa kina Ure dahil narin siguro na matagal ko na siyang kilala simula palang nong binuo pa ang Titan. Siya ang unang sumali sa grupo. Mas tumatag lalo ang tiwala namin sa isa't isa. Pero dahil sa isang pangyayari nagbago ang lahat.

"Henz, naman!"
"Kung gagawa ka ng gulo wag mo kaming idamay!" Sigaw ko sa kanya. May nakabangga siyang isang malaking grupo at pati nadamay dahil sa ginagawa niya. Hindi lang siya ang inaalala ko pati na rin ang iba. Paano na lang kung isa sa kanila ang mapahamak?

Hindi ito umimik at nakayuko lang.

Ang dating samahan namin unti-unti ng naglaho. May ibang tumiwalag sa grupo dahil kami ang pinagbubuntunan ng grupong nakalaban ni Henz ayaw nilang mapahamak.

"Kailangan na natin ng mga bagong member." Nag-aalalang sabi ni Gi.

"Kung hindi lang dahil kay Henz hindi sana mangyayari 'to. Makapangyarihan pa talaga ang binangga niya. Kaya pati tuloy tayo damay.

"Hayss." Wala akong ideya na nakikinig pala siya sa usapan namin.

Dahil narin siguro na siya ang sinisisi ng lahat.

"Anong ginagawa na'tin dito?" Tanong ko sa kanya. Dinala niya ako sa madilim na bahagi ng court.

Lumayo siya ng kunti sa'kin ng may lumabas na isang grupo mula sa kanyang likuran.

"Anong ibig sabihin nito?!" Ngumisi lang siya at lumapit sa grupo. May binulong pa ito.

"Surprise, Sam." Naglakad palapit sa'kin ang grupo na siyang ikinaatras ko. Wala na akong matatakbuhan dahil na rin sa bakod na nakapaligid sa court.

"Traydor ka!" Sigaw ko.

Napaluhod na ako sa sakit ng may humapas ng kung anong bagay sa aking binti.

Wala akong kaalam-alam na kasapi pala siya ng grupong nakalaban niya.
Kasali na pala siya sa grupong iyon at sumali pa siya sa grupo namin kaya kaming lahat ang nadamay.

Walang kwenta.

Nakuyom ang kamao ko dahil nagtiwala ako sa isang traydor.

"Pasensya na Sam. Gusto nilang tumiwalag ako sa grupo niyo pero hindi ko ginawa. Kaya ngayon ikaw 'tong nasasaktan." Natatawang sabi niya.

"Pero bumalik na ako sa kanila."

Pinilit kong tumayo at binigyan siya ng isang malakas na suntok. Kahit pagewang-gewang na ako atleast na suntok ko siya. Dumura siya sa tabi dahil nagkasugat ang gilid ng labi niya. Kahit bugbog na nakuha ko paring matawa.

"Malakas pala ang pagkakasuntok ko?"
"Mabuti nga sayo."

Tuluyan na akong natumba ng isa kanila ang pumalo sa'kin sa ulo. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula rito.

"Sa o-oras na makita kita, s-sisiguraduhin k-kong pagbabayaran m-mo'to." Huling salitang nasambit ko bago nawalan ng malay.
•••

"Long time no see." Nakangising sabi ko at hinila siya palabas ng clinic. Binalaan na kita dati na wag magpapakita sa'kin. Pero malas mo lang at nakita ko yang pagmumukha mo.

"Sam."

"Wag mo akong tawagin sa ganyang pangalan!" Iritadong sabi ko sa kanya.

Tinulak ko siya sa pader na nasa gilid ng hospital sinigurado kong walang tao ang makakakita sa'min.

"Anong gagawin mo?"

"Gagawin ko kung ano ang ginawa mo sa'kin noon."

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now