CHAPTER 16

18 7 0
                                    


Hinintay lang naming dumatingsi Greek at Gi sila na lang dalawa ang kulang. Kararating lang ni Ure, pawisan rin ito parang nakikipaghabulan sa mga bantay.

"Wala pa ba sila?"

"Guys, tulong." Sabi nang nasa likod ng pader.

Nakatingala lang ako sa kanila. Unang umakyat si Gi. Sumunod ang hindi ko kilalang babae at si Greek ang huling umakyat.

"Kailangan na na'ting umalis." Sabi ko.

"Paano siya?" Turo ni Ure sa babaeng walang malay. Ngayon ko lang ito nakita.

"Hindi maganda ang kutob ko sa kanya." Wala sa sariling sabi ko.

"Sammy, naman. Wag mong sabihin na iiwan lang na'tin siya dito."

"Kayo ng bahala kung saan niyo siya gustong dalhin pero wag na wag niyo siyang dadalhin sa hideout." Huling salitang binitawan ko bago ko sila iwan.

Mahirap ng magtiwala sa taong ngayon mo lang nakilala.

Marami na akong problemang iniisip. Ilang araw na kaming nagpaplano pero wala parin kaming nakukuhang impormasyong kung nasaan si Athena. Wala akong ideya kung buhay pa ba siya o patay na.

Ang kailangan ko lang ay ang matapos ang misyon na'to. Yun lang.

Nagbihis kaagad ako pagkarating ko ng hideout. Basang-basa ang suot kong damit dahil narin siguro sa kakatakbo.

Hinubad ko ang suot kong boots, kinuha ko rin ang dagger na nakasuksok dito.

Napatingin ako sa pintuan ng hideout nang bumukas ito bigla.

"Dito niyo siya ilagay." Boses agad ni Gi ang narinig ko.

Lumabas kaagad ako para makita sila. Binuhat ni Wave ang babae at tinulungan naman siya nina Greek para mahiga ito.

"Bakit niyo siya dinala rito?"

"Alangan namang iwan namin siya don. Na walang malay."

"Iniwan niyo na lang sana siya kung saan niyo siya nakita." Nagtaas ng kilay sa'kin si Gi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bakit?

"Sammy."

"Paano mo nasasabi ang ganyang bagay?" Seryoso akong napatingin kay Gi. Sinigurado kong walang mababakas na emosyon sa aking mukha. Dahil ayaw kung magpakita ng kahit na anumang kahinaan.

"Dahil hindi ako ganon kadaling magtiwala. Ano na lang kung may pinaplano sa'tin ang babaeng yan? Ako na naman ang lilinis sa kalat na ginawa niyo." Hindi ko napigilan na mapagtaasan siya ng boses.

"Wag mo siyang itulad kay Henz."

"Gi!"

Sinabi niya ang pangalang matagal ko ng kinamumuhian. Ang pangalang matagal ko ng gustung kalimutan.

"Anong sabi mo?" Malamig na tanong ko sa kanya. Isang salita pa ang lumabas sa bibig mo at sisiguraduhin kong hindi ka na magigising.

"Sammy, kumalma ka." Pag-aawat sa'min ni Ure. Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Gi.
"Boys, pigilan niyo."

"Subukan niyo." Walang ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na pigilan ako.

"Ang sabi ko wag mo siyang itulad kay Hen-" Hindi na niya natuloy ang sinabi niya nang lumipad ang kamao ko sa pagmumukha niya. Napaawang ang mga labi nila dahil sa ginawa ko. Matagal na rin akong hindi nakakasuntok ng ganon kalakas at maswerte siya at sa kanya ko nagamit.

Tumagilid ang mukha niya dahil sa suntok ko.

"Sammy!" Sigaw sa'kin ni Ure.

Tinapunan ko rin siya ng tingin.

"Sa susunod na banggitin mo ang pangalan na yun. Kakalimutan kong naging magkaibigan tayo." Papalabas na sana ako ng hideout nang magsalita ito.

"Yan ang hirap sayo. Hindi mo parin ba nakakalimutan ang ginawa niya? Sammy, move on!"

"Paano ko makakalimutan ang ginawa niya kung muntik ko na yung ikamatay? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko sa tingin mo makakalimutan mo ang ginawa niya?!" Hindi na ako nag-aksaya ng oras para harapin sila.

Marahas kong pinahid ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. Mahina ka parin, Samantha.

Mahina ka pa rin.

Humakbang na ako palayo sa kanila. Paalis sa hideout.

Nagdadalawang isip na ako kung gugustuhin ko pa bang bumalik sa lugar na'to. Ang gusto ko lang mahanap na si Athena ang kapatid ko.

••
《Ure》

"Baliw ka kasi e!" Pangangaral ko kay Gi na tahimik lang nakaupo habang sapu-sapo ang pisngi na sinuntok ni Sammy.

Yan napala ng bruha. May parte sa'kin na naaawa kay Sammy.

Hindi ko alam ang buong istorya, kung bakit ganon lang niya kinamumuhian ang pangalang yun.

"Alam ko."

"Alam ko." Panggagaya ko sa boses niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Sarap sabunutan ng bruha.

"Ano? Tusukin ko yang mata mo ngayon e. Hindi na'tin alam kung babalik pa dito si Sammy. Pag yun di na bumalik, bahala ka sa buhay mo."
"Saan niyo ba nakita ang babaeng 'to?" Turo ko sa babaeng nakahiga.

"Sa likod ng 3rd year building. Wala siyang malay nang makita namin ni Greek. Hindi naman namin siya pwedeng iwan don."

"Halata naman e."

Tinalikuran ko na siya at pinuntahan ang babaeng kagigising lang.

"Anong pangalan mo?"

"Athena." Athena raw. Ang dami talagang pangalan na nagkakahawig no.

"Ok, pag malakas ka na umalis ka na dito. Nang dahil sayo nag-aaway away pa kami e." Rude na kyng rude pero y un ang totoo. Hindi naman namin siya kilala at tinulungan lang namin.

Tama nga si Sammy. Mahirap magtiwala lalo pa't hindi pa natatapos ang misyon namin.

The Gangsters (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin