CHAPTER 4

41 13 1
                                    


Sa mga nagdaang araw palagi na kaming nagkikita sa hideout kasama nong tatlong bagong member ng gang.

Halos hindi ako nakikihalubilo sa kanilang tatlo. Nasa gilid lang ako habang nilalaro ang dagger na nasa aking kamay. Tanging sila lang naman ang nagkakaintindihan. Para lang akong estatwa dito sa gilid.

"Titan!" Tawag ni Prof. T samin.

"Bakit prof?"

"New mission." Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi ni Prof. T.  Ito talaga ang pinakahihintay ko. Bigla ata akong nabuhayan ng loob.

"Sa wakas."

"Hahaha, maganda 'to." Tumabi ako kay prof. Binigay niya sa'kin ang isang folder. Hindi ko alam kung anong laman non. May kung anong pumipigil sa'kin na buksan 'to.

Binuklat ko parin  ito. May mga pictures ng kung ano. Napalunok ako ng paulit-ulit nang makita kong sino ang nasa picture. Namuo ang pawis sa aking noo.

"What is this?"

Name: Athena Imperial   Age: 19
Year: 2nd year
Course: Engineering

"Estudyante siya sa paaralang ito. At dito rin siya huling nakita ng mga nakakakilala sa kanya. Malakas ang kutob kung may kinalaman ang paaralang 'to sa pagkawala ng batang yan. Aside from that may mga previous student na rin ang nawala sa paaralang 'to."

Iniisa-isa ko ang mga litrato na nakaipit sa folder.

"Let me see." Biglang nagsalita ang lalaking nasa likuran ko. Binigay ko sa kanya ang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Athena. Pero hindi ko pinakita sa kanila ang picture. Mahirap na. Ayaw kung makita nila kung sino 'yun. Mas mabuti ng information lang tungkol kay Athena ang malaman nila.

"Pero prof. Wala naman tayong sapat na ibedensya na may kinalaman nga ang school namin diyan. At tsaka paano mo nasabi na may kinalaman nga ang school dito sa pagkawala ng mga estudyante?"  Tanong ni  Ure habang pinaikot-ikot ang ballpen sa kamay niya.

"Kaya nga nandito kayo ngayon. Kayo ang maghahanap ng ibedensya kung may kinalaman ba ang paaralang ito sa pagkawala ng batang yan. Matagal na akong may kutob na may tinatagong lihim ang paaralang 'to."

"Kailan pa'to? I know na matagal ng nawawala ang Athena na'to. Malakas rin ang kutob ko na may kinalaman ang school na'tin. Sa tinagal-tagal kong nag-aaral dito wala man lang naging bali-balita tungkol sa pagkawala ni Athena. Or else may malaking tao ang nagtatago sa likod ng pagkawala niya." Paliwanag ko sa kanila. Totoo naman na may nawawalang estudyante dito but ni isa sa mga magulang ng victims hindi man lang ito nagsumbong sa mg utoridad.

"I think so."

"Oo nga noh."

Nakangiting nakatingin sa'kin si Prof. T.

"Right, nawawala ang batang yan nong 3rd year palang kayo."

"Nireport ba ng pamilya ni Athena ang pagkawala niya?" Tanong ni Gi. Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang papel na nasa aking kamay. Calm yourself, Sammy.

"Don't stress yourself."  Hindi ko alam kung pinaglihi ba'to sa kabuti ang lalaking 'to. Bigla-bigla na lang sumusulpot. At ano naman ang ginagawa niya sa tabi ko?

At isang himala at kinausap ako ng lalaking 'to.

"Hmm." Tumango na lang ako bilang pagsagot.

"Guys, tingnan niyo." Nagsilapitan kaming lahat kay Ure.

"Ano 'to?" Tanong naman ni Gi habang kinuha ang bagay na nasa palad ni Ure.

"Ilagay mo sa tainga mo." Dahil masunurin si Gi. Sinunod niya ang utos ni Ure.

"Gi!"

"Tae ka, Ure! Ang lakas ng boses mo!" Sigaw ni Gi habang hinahanap si Ure. Asan na ang babaeng yun?"

"Nandito ako sa labas."

"Nandon daw sa labas ang babaeng yun." Sabi ni Gi. At nagsitakbuhan naman kaming lahat palabas.

"Ang galing di ba?" Nakangising sabi ni Roy.

New device huh?

"Ang cool nito."

" Gawa ni Roy."

"Wow."

"Akin na'to a." Sabi ni Ure.

"Marami pa naman ako niyan." Napaikot na lang ako ng mata. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yan
Lahat na lang ng bagay na makikita hinihingi.

Iniwan ko muna sila sa baba at umakyat sa ikalawang palapag ng hideout.

Kinuha ko ang dagger na nasa ibabaw ng mesa. Matagal ko na rin tong hindi nahahawakan.

Inihagis ko ito sa malaking kahoy na hindi kalayuan sa direksiyon ko.

Simula ng bata palang ako. Tinuruan na ako ni papa kung paano ang tamang paggamit ng mga sandata.

Tinuruan niya rin ako kung paano makipaglaban. Like, self-defense. Para kung  may hindi inaasahang pangyayari kaya kung ipangtanggol ang sarili ko.

And now, I know how to protect myself.

Kinuha ko ang isa pa na nakalagay sa pinakadulo ng mesa.

"Nice." Muntik ko na siyang matamaan sa dagger na naihagis ko.

At mabuti na lang mabilis siyang nakailag.

"Maswerte ka." Sabi ko at hinugot ang dagger na naihagis ko kanina na nakaturok sa kahoy na nasa likuran niya.

"Yeah."

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Nagkibit lang ito ng balikat.  Nakatingin lang ito sa'kin na parang pinag-aaralan ang bawat kilos ko.

"Sammy, halika dito!" Sigaw ni Ure mula sa baba.

"Coming."  Bumaba ako habang naiwan naman sa itaas si Wave.

"Why?"

"Kakausapin ka raw ni Prof. T." Tinapik niya ako sa balikat bago umalis sa tabi ko.

Wala dito si Roy, Greek, Gi at Ure. Kahit ako walang ideya kung nasaan sila.

"Have a seat." Sabi ni prof at tinuro ang upuan na nasa harapan niya.

"Anong pag-uusapan na'tin?"

Mariin niya akong tinitigan. At alam ko na kung ano ang pinapahiwatig ng mga titig na iyon.

••

"So, anong pinag-usapan niyo ni prof. kahapon? At kaming apat pinaalis niya." Tanong ni Ure habang puno pa ng pagkain ang bibig.

"Nothing important."

"Nothing important? Hindi kami papaalisin ni prof kung hindi importante. Sammy, sammy, sammy. You don't need to lie. Ano nga?"

"Kung gusto mo pang mabuhay, tumahimik ka na lang."

"Sabi ko nga." Sabi niya  at sinira ang bibig. Iniba ko ng direksiyon ang paningin. The heck Prof. T! Bakit ako pa ang inutusan mo?!

"Dito muna kayo, I'll be right back." Tumayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng canteen. Binigyan pa ako ng poproblemahin!

Pag ako talaga nainis sa matandang yun kakalbuhin ko talaga siya. Ay, hindi na pala kailangan kalbo na yun e.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now