CHAPTER 19

18 7 0
                                    


Marami akong tinanong sa kanya. At nasagot naman niya ito. Pero pinatulog ko rin siya kagaya ng iba.
Tama nga ang hinala ko hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng yun. Akala niya maloloko niya ako dahil sa maamo niyang mukha.

Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay ang mga traydor.

Bumalik ako sa hideout habang hawak hawak ang aking pisngi. May sugat pa ako sa gilid ng labi.
Wala pa ito sa kalingkingan ng pasa na natanggap ko noon.

Kagaya ng kanina napatingin ulit sila sa'kin. Dumiretso ako sa mesa ni prof para kunkunin ang first aid.

"Anong nangyari Sammy?" Tanong ni Greek.

Simula ng malaman niya na magkababata kami noon. Naging palatanong na ang lalaking 'to. At yun ang pinakaayaw ko. Sa susunod babalik na naman kami sa mathematics class. Tsk!

"Wala."

"Wala? Ang dami mong pasa."

"Can you zip your mouth, Greek?" Tumahimik ito at hindi na nagsalita pa.

Umupo ako sa ibabaw ng mesa ni prof. At ginamot ang sariling sugat.

"Ako-" Tinuro ko ang upuan na nasa gilid at minuhestrang umupo siya don.

"Kaya ko na."

"Ano ba kasing nangyari? 'bestfriend?." Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang 'bestfriend'.

Hindi ko sinagot ang tanong niy ata isa pa masakit ang gilid ng labi ko. Ayaw ko munang magsalita nakakatamad.

Idiniin ko ang bulak na may betadine sa gilid ng aking labi.

"Sammy, anong nangyari?" Kanina pa ako nandito pero ngayon niyo pa naisipang magtanong. Mga uto-uto nga naman.

Si Greek nga nagtanong hindi ko sinagot. Paano na lang kaya siya? Masakit ang bibig ko at tinatamad akong magkwento.

"Wala."

"Wag ka ng magtanong, Ure. Tinatamad yang magkwento." Sabi ni Greek.

"Pinasamahan ko muna kay Wave si Athena.Hindi namin siya pwedeng iwan hangga't hindi pa nakakabalik si Prof. T. Baka mawala na naman si Athena." Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

"Ang haba ng sinabi mo." Yan na lang ang nasabi ko. Pinangangatawanan niya talaga ang pagiging Athena.
Impostora.

"Ako na nga ang gagamot. Kanina ka pa jan e." Sabi ni Ure at inagaw sa'kin ang bulak na nasa kamay ko.
Ang bigat ng kamay ni Ure . Mas lumala lang ang sakit ng mukha ko.

"Tama na nga."

"May nakita kaming limang tao don na nakatali sa puno."

"Patay na ba?"

"Wala lang malay."

"Sammy, ikaw ba ang may gawa non?" Tanong ni Gi na kararating lang kasama si Roy. Nagkibit lang ako ng balikat. Sabing ayaw ko munang magsalita e.

"Lima? Isa laban sa lima. Astig mo, Sammy." Humahangang sabi ni Greek. Batok ang natanggap niya mula sa'kin buti at mahina lang hindi ko ginawa yung ginawa ko kanina.

"Ano bang problema mo?" Tanong ulit nito. Ano bang problema ng babaeng 'to? Siya ang unang gumagawa ng gulo. Pag hindi talaga ako nakapagtimpi. God!

Binalik ko na ang first aid kit sa kinalalagyan nito. Mas gugustuhin ko na lang na magapahinga kaysa makinig sa mga sinasabi ng isang 'to. Alam mo yun , nakakarindi sa pandinig.

"Sammy, nagkakaganyan ka ba dahil sa babae yung?"
"O dahil kay Wave?" At paano naman nasali si Wave sa usapan? Maissue din ang babaeng 'to e. Imbento.
Ano namang kinalaman ni Wave dito?

Hindi ako umimik dahil wala namang katuturan ang mga pinagsasabi niya. Pag ang pasensya ko naubos, ilayo niyo na sakin ang babaeng yan. Once na magdilim ang paningin ko. Wala na akong pakialam kung sino ang kinakalaban k0 kaibigan ko man o hindi.

"Ano bang problema mo kay Athena? Naiinggit ka ba dahil mas malapit na sila ni Wave sa isa't isa o may iba pang dahilan? Samantha?" Humarap ako sa kanya na may nakaukit na ngisi sa labi.

"Tapos ka na?" Hindi nito inaasahan ang tanong ko.
"Alam mo Gi, wala akong pakialam kina Wave at don sa Athena'ng yun. Ano naman ngayon kung naging malapit sila sa isa't isa?"
"At isa pa, wala ka ng pakialam kung bakit ganito ang kinikilos ko." Tatalikuran ko na sana sila ng muli itong magsalita.

"Ano bang problema mo kay Athena, huh?"

"Hindi mo na gugustuhing malaman. At sa susunod na dalhin mo pa siya dito sa hideout, pasensyahan na lang tayo dahil hindi na ako kumikilala ng kaibigan." Lumabas na ako ng hideout dala ang mga naiwan kung gamit.

Wala akong kaide-ideya na nakasunod pala sa'kin ang mokong na si Greek at si Ure.

"Sammy!" Tawag sa'kin ni Ure. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kanya. What's next?

"What?"

"Ano bang problema?"

"Wala akong problema baka si Gi meron. Siya lang naman ang gumagawa ng gulo."

"Anong ako?" Here we go again. Sumunod rin pala ang isa. Ayaw ko ng makipagtalo. I'm tired, ok? Physically and emotionally. Baka pwedeng magpahinga muna.

"Pagod ako, mamaya na lang." Tumalikod ako sa kanila ng may mahigpit na humawak sa braso at pinaharap ako ulit sa kanila.

Wave.

Nakatitig lang ito sa'kin habang mahigpit paring nakahawak sa kamay ko.

"Tell me, what's your problem with Athena?" Bakit ba pilit nilang sinasali ang pangalang yan sa usapan? Gusto niyo talagang malaman.

Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap sila ulit.

"Guys, wag muna ngayon." Hinila na ako ni Greek pero hindi ako nagpahila sa kanya.

"Baka himatayin ka kapag nalaman mo." Hindi nawala ang ngisi sa aking labi. Kumaway lang ako sa kanila bago naglakad palayo. Sa oras na matiyambahan ko ang babaeng yun. Ako mismo ang magpapahirap sayo.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now