CHAPTER 2

57 12 0
                                    


“Muntik na tayong mapaaway kanina. Ikaw naman kasi e!” Sermon sa'kin ni Ure. Pasok sa kaliwang tainga labas sa kabila. Wala akong panahon makinig sa sermon niya. Kung hindi ako nakipagtalo sa lalaking yun edi hanggang ngayon hindi parin kami nakakakain.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Sabi ko nga titigil na. Pero infairness ang gwapo nong Wave bagay-kam, kayo.” Sa'n ang gwapo do'n?

"Tsk, hindi ko siya gusto." Diretsong sabi ko.  His not my type. At wala pa sa isip ko ang bagay na yan. May importante pa akong gagawin na dapat kong pagtuunan ng pansin.

"Hindi raw." Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Umupo ako sa bench na nasa gilid lang ng canteen. In short naghanap lang kami ng ibang mauupuan. Wala na bang iinit pa sa panahon?

"Ang init ah. Ano 'to free trial sa impyerno?" Humahalakhak na sabi ni Ure. Napaharap ako sa kanya at muling ibinaling ang paningin sa harap.

"Change topic. May balita ka na ba kay Prof. T?" Nagpalinga-linga ako para siguraduhin na walang nakakarinig sa mga pinag-uusapan namin. Ang bunganga talaga ng babaeng 'to.

"Manahimik ka nga baka may makarinig sa'tin." Saway ko sa kanya.

"Anong makakarinig e wala ngang tao dito. Tayong dalawa lang." Namimilosopo pa talaga.

"Tsk, wala pa akong balita. Hindi ko alam kung saan napadpad ang prof na'ting yun." Hindi ko nga alam kung saang lupalop nagtatago ang tandang yun. Tsk, kahit kailan talaga. Kung saan may importante kaming pag-uusapan tsaka pa nawala na parang bula.

Sabay kaming napaupo ng maayos ni Ure ng may mabigat na kamay ang nakapatong sa aming balikat. Alam ko na kung sino 'to.

"Hindi niyo man lang ako tinawag. Sabay sana tayo." She said. Paano namin siya masasabay, pinalabas kami ng prof ni Ure.

"Gi!"

Aamba sana kami nang suntok ni Ure ng mabilis itong makatakbo palayo.

"Hindi naman kayo mabiro!" Sigaw niya at naglakad pabalik sa amin. Tsk, akala ko kung sino.

"Siraulo karin e noh. Akala namin yung guidance counselor na naman." Napakamot ng ulo si Ure habang umupo naman si Gi sa tabi niya. Ayaw ko talagang makita yung guidance counselor, aside sa principa namin. Mainit rin ang ulo no'n sa'min. I don't know why? Akala mo naman may malaki kaming ginawang kasalanan.

"Ano na? Matagal na akong walang ginagawa  'e. Kailan na naman ang sunod na misyon na'tin?"  Sabi ni Gi habang pinaikot ang mga kamao. Lahat kami nabobored na kailangan na ng insayo.

"Quite please." Saway ko sa kanila. Mas mabuti na yung nag-iingat.

"Mamaya sa hide-out." Bulong  ni Ure. Saan pa ba kami pupunta? We have no place to go.

Umalis na kami sa canteen bago pa magsidatingan ang ibang estudyante. Iingay na naman 'to na parang nasa palengke.

Tumambay muna kami sa likod ng building. Dito na kami  laging tumatambay pag wala kaming ginagawa. Late rin naman pumapasok ang mga prof namin. Kaya mas marami kaming oras para makapag-usap.

"Si Prof. T talaga kung saan-saan napapadpad!" Reklamo ni Gi. Sinipa niya pa ang bato malapit sa'kin. Imbes na ang bato ang sipain sapatos ko pa talaga.

"Baka busy lang yun."

Sumandal ako sa pader na nasa likuran ko.

Gusto kong malaman dahil sa biglaang pagkawala ni Prof. T. Wala man lang pasabi. Ni text or call. Wala rin.

Nawala nalang, kami na walang kaalam-alam. Naghihintay kung kailan siya makikita? Tsk, iisipin ko na tuloy na wala na siyang pakialam sa'min.

"Lalim na naman ng iniisip mo. Wag nga kayong mag-alala magpaparamdan din si prof." Pagnakita ko lang talaga ang matandang yun.

Pagkasabi niya yun bigla na lang nagring ang cellphone ko na nasa aking bulsa.

:kamusta na?

Tanong nang nasa kabilang linya.

Niloud speaker ko para makarinig ang dalawa.

"Nagparamdam ka na rin Prof. T. Musta ka na? May asawa ka na ba? Itatanong ko sana kung patay ka na kaso obvious naman na buhay ka.

:hindi ka parin nagbabago, Ure.

"Prof. T naman."

:mamaya sa hideout. I'll wait.

Sabi nito bago pinatay ang linya. Bakit parang nagmamadali ang lalaking yun? May tinatakbuhan na naman ba'to?

"See? Hindi kasi kayo naniniwala sa'kin."
Pagmamayabang ni Ure. Umirap lang ako bago umalis.

"Hoy, wait for us." Sambit nilang dalawa bago sumunod.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now