CHAPTER 22

20 7 0
                                    

《Ure》

Nagmadali kami papunta sa hideout ng bigla kaming tawagan ni Prof. T.
Kahit kailan talaga ang matandang yun.

Si Athena hinatid muna ni Wave. Habang tumatagal nag-iiba ang paningin ko sa babaeng yun, para bang nangangati ang kamay kong saktan siya. Pati rin ako hindi naiintindihan ang sarili ko.

"Asan si Wave?"

"I'm here." Sagot nito nandoon pa siya sa may pintuan.

"Sa susunod wag na kayong magdala ng kahit sino-sinong tao dito sa hideout." Napatingin kami kay Prof. T.

"Bakit? Di ba siya yung pinapahanap-"

"Nevermind." Walang emosyong sabi niya. Parang iba si Prof. T ngayon. Parang may hindi siya sinasabi sa'min.

"Anong problema? Prof. T?"

"Kaya ko kayo pinapunta dito dahil kay Sammy."

"Ano na namang ginawa ng babaeng yun?" Inis na hinila ko ang buhok ni Gi. Gagang 'to nanggigigil na ako a. Sinamaan niya ako ng tingin kay binilatan ko lang siya.

"For once, magseryoso nga kayo!" Malakas na sigaw ni Prof. T ang namayani. Napatahimik kaming lahat ng dahil don.

"Buhay ni Samantha ang nakataya rito!"

"A-anong ibig niyong sabihin?" Kinakabahan ako dahil sa sinabi niya. Parang may hindi magandang mangyayari.

"Habang kayo'y nandito at nakaupo! Si Samantha ayun nakikipaglaban na sa mga taong nakamasakara!"

"Prof. T, pwede bang ipaintindi niyo sa'min kung anong nangyayari?! Paanong nakikipaglaban si Samantha?" Nag-aalalang tanong ni Greek.

Napahilot ng sentido si Prof. T.

"Sinabi ko sa kanya ang kuta kung saan nagtatago ang mga taong nakamaskara." Sabay kaming napatayo sa aming kinauupuan.

"At hinayaan ko siya." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ano? Paano?

"Bakit mo siya hinayaan prof? Alam mo namang hindi niya kaya ang mga yun?!" Disappointed akong napatingin kay Prof. T. Paano niya nagawang hayaan si Samantha ng ganon na lang? Alam kong hindi pa kami bati ni Sammy at dahil yun sa babaeng si Gi. Sarap sakalin ng bruha hanggang sa mawalan ng hininga.

"Anong gagawin na'tin para matulungan si Sammy?" Natigilan lahat nang padabog na tumayo si Wave. Anyare don?

"Mag-iisip tayo ng plano kung paano matutulungan si Sammy." Biglaang sabi ni Prof. Tumango lang kami. Sana naman hindi pa bugbog sirado si Sammy ngayon.
•••

《Ure》

"Sigurado ka bang gagana 'to?" Paninigurado kong tanong kay Wave na nakatingin sa warehouse na parang inabandona ng maraming taon.

"Hindi ko alam." Natampal ko na lang ang aking noo dahil sa sagot niya. Ano 'to susugod kami na hindi sigurado kong makakalabas pa kami ng buhay diyan?

"Roy, asan ang bomba?"

"Nagdala ka ng bomba?" Tanong Greek. Gulat na gulat a.

"Hindi 'to bomba na sasabog. Usok ang lalabas dito." Sabi naman ni Roy sabay pakita sa hawak niya. Smoke bomb! Gusto ko ako ang unang makagamit niyan.

"Tara na." Naglakad kami papuntang warehouse. Nakatulong rin pala ang dilim para hindi kami makita.

Sandali nga parang pamilyar sa'min ang pigura ng babae na yun . Hindi ko lang sigurado kong siya nga ba talaga yun.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mapabilis ang paghahanap kay Samantha." Sabi ni Wave.

"Greek at Gi sa kaliwa kayong dalawa dumaan. At kayo namang dalawa don kayo sa kanan." Para siyang si Sammy a.

"Paano ka?" Sasagot yan na ako ng bahala.

"Ako ng bahala." See?

"Gamitin niyo na lang ang device ni Roy para makapagcommunicate tayo kung sino ang unang makakahanap kay Sammy."
"Ang kailangan lang na'ting gawin ay mahanap si Sammy."

"Let's go." Gaya ng napagplanohan. Sa kanan kaming dalawa ni Roy. Wala pang katao-tao pero hindi parin ako kampante.
•••

《Sammy》

Napahawak ako sa aking kanang braso masyado itong napuruhan dahil sa paghampas ng baseball bat. Mga bantay pa lang ang napatumba ko. Hindi pa ako nakakasigurado kung ilan silang lahat.

Nagtago ako sa likod ng pader ng marinig akong nag-uusap. Sapu-sapo ang kanang braso nakinig ako sa pinag-usapan nila.

"Kamusta na ang paggawa kay Z?"

"Malapit ng matapos, kunting-kunti na lang at pwede ng ibinta."

"Good." Natatawang sabi nito.

"Maganda ang magiging resulta pag-uminom ka ng Z. Bibilis ang pag-iisip mo, kumbaga kung hindi ka matalino ay tatalino ka na lang bigla. Pero malaking epekto nito kapag nasobrahan."

"Ano namang epekto non?"

"Drag, may nakapasok!"

"Bwesit! Hulihin niyo kung sino man ang mga yun!" Sigaw ng lalaking tinawag nilang Drag.

Narinig ang papalayo nilang yapak. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas sa aking pinagtataguan.

Naglakad ako sa madilim na pasilyo. Isa-isa at dahan-dahan kong binuksan ang mga pintuang madadaanan ko.

Walang tao sa loob nito, ngunit nakakuha ng atensiyon ko ang isang likidong kulay asul para siyang gatorade.

"Bakit mo hawak si Z?" Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko nang makita ang babaeng nasa aking harapan.

"A-athena?"

The Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon