CHAPTER 18

19 7 0
                                    

Nakaupo silang lima sa kani-kanilang upuan. Nakatayo lang ako habang matiim na tinititigan ang babaeng tahimik lang ding nakaupo sa gilid.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa babaeng 'to. I don't know baka nag-iimagine lang ako ng kung ano-ano pero hindi ito. Nakaramdam na ako ng ganitong pakiramdam noon at hindi ko na ito babalewalain ngayon.

"So what's the next plan?" Pagbanggit ni Ure ng salitang yun kaagad nag-angat ng tingin ang babae. Nagtama ang tingin naming dalawa siya na ang unang umiwas.
Ang ipinagtataka ko lang bakit hindi pa ito umuwi sa kanila? Malakas na naman siya at kaya ng maglakad mag-isa.

"Wala." Sagot ko.

"Wala? Anong ginagawa na'tin dito? Uupo lang?"

"Kung yan ang gusto mo. Why not?" Hindi ko gustong maging sarkastiko pero lumalabas talaga ang pagkamainitin ng ulo ko at hindi ko na yun mapipigilan.

"Samm-"

"Pupunta lang ako sa itaas." Tinapunan ko muna ng tingin ang babae bago ko sila talikuran.

Pumwesto ako sa harap ng bintana habang nakamasid sa paligid. Kung ako ang masusunod gusto kong kalimutan ang lahat ng ito.
Gusto kong maging normal na estudyante ng university yung walang misyon na gumugulo sa isip mo. Yung pag-aaral lang ang aatupagin mo.

Hindi ko na mababago ang lahat. Nandito na'to, hindi na ako pwedeng umatras.

Nasa malalim akong pag-iisip ng may matanaw ako sa di kalayuan. Limang taong nakasuot ng maskara nakatingin ito sa direksiyon ko.

May nagbabantay rin pala sa hideout.

Tumakbo ako pababa. Lahat sila napalingon sa'kin pero wala na akong oras para diyan.

Ano bang meron sila at ganon na lang sila kabilis mawala?

Wala na akong nadatnan pagkarating ko don. Marami ng nakakaalam sa hideout na'to. Hindi na kami ligtas sa lugar na'to.

Wala akong ideya kung may kalahi ba sila ni Flash. Sa isang iglap lang nawala na sila kaagad sa paningin ko.
Napasuklay na lang ako ng aking sariling buhok. Bukas may magbabantay na naman sa'min sa university.

Napailing na lang ako dahil sa mga problemang dala ng misyon na'to. At isa pa sa mga pinoproblema ko si Prof. T na bigla na lang susulpot na parang kabuti at maglalaho na parang bula.

Umupo muna ako sa lupa medyo malayo-layo rin ang tinakbo ko.

Kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa ng bigla na lang itong magring. Ayaw ko sanang sagutin..

"Hello?"

"Saan ka na?!"

"Pwede ba Greek?! Ang lakas ng boses mo!"

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Sorry, bigla ka na lang kasing tumakbo. Sinundan ka namin pero ang bilis mong nawala."

"Nagpapahangin lang-" Nahinto ko sa pagsasalita ng may taong nakapalibot sa'kin. Wala sa sariling napangisi ako. Akala ko talaga tuluyan na silang nawala.

"Hello? Sammy?"
"Nandiyan ka pa ba?"

"I call you later." Sabi ko at binaba ang tawag.

Hindi na nila ako hinintay na makatayo. Isang suntok kaagad sa sikmura ang natanggap ko.

"The f*ck!" Napaubo ako dahil don. Ang lakas non a.

Tumayo ako pero isang sapak naman ang natanggap ko mula sa isa sa kanila. Napahawak ako sa gilid ng aking labi ng may malasahan akong dugo mula rito.

5 vs. 1, not bad.

Lumapit ang isa sa kanila sa akin. Isang sipa sa tiyan ang binigay ko dito. Matagal na ring hindi ako nakatanggap ng suntok galing sa ibang tao.

Napaupo ang taong nasipa ko sa tiyan.

Pero tumayo ito ulit na parang walang nangyari.

The game begin.

••

May pasa rin ako sa mukha dulot ng pagkakasuntok sa'kin ng tatlong tao na nasa harapan ko ngayon.

Tumba na ang dalawa, tatlo na lang ang kailangan kong patumbahin. Nagtataka nga rin ako kung bakit walang nagsasalita sa kanila.

"Who's next?" Tanong ko. Nagkatinginan pa silang tatlo at sabay akong sinugod.

Nahuli ko ang kamay ng dalawa at pinaikot ito sa kanila likuran. Napa-aray ito dahil sa ginawa ko.

Isang sipa ang binigay ko sa ikatlong lalaki habang hindi binibitawan ang kamay ng dalawa na nakaluhod na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanilang kamay. Kulang nalang mababali na ang braso ng mga to.

"Anong ginagagawa niyo dito? At bakit kayo nakabantay sa hideout namin?"

"Wala kang makukuhang sagot sa'min." Itong dalawa na lang ang may malay ang tatlo mahimbing ng natutulog.

"Ganon ba?" Mas pinilipit ko ang kamay nila. Sigaw lang nila ang tangi kong naririnig.

"Ayaw niyo pang magsalita?"

"Wala kaming sasabihin." Malakas na batok ang natanggap ng isang lalaki mula sa'kin. Nakatulog ito kaagad. Weak.

"Tsk."
"Ikaw?" Baling ko sa lalaking nag-iisa na lang may malay.
"Ayaw mo rin akong sagutin?"
"O gusto mong matulad sa mga kasamahan mong wala ng malay?"

Sinusuri nito ang mga kasamahan niya na mahimbing na natutulog.

"Magsasalita na ko."

"Good." Masunurin ka pala.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now