CHAPTER 9

24 10 0
                                    

(GI'S POV)

"Sabi ko naman kasi sa inyo masamang ideya yun."
"Kung ako si Sammy, magagalit din ako no."  Tumingin ako sa inosenteng bata na ginamit ni Prof. T. Hays, kaloka naman kasi e.
Ginagamot na ito nina Ure. Dulot ito sa dagger ni Sammy. Marahas talaga, walang sinasanto ang babaeng yun..

"Nangyari na."

"Si Sammy ang iniisip ko ngayon. Si prof naman kasi e."

"Let her be." Sagot naman ni prof. habang nakacross arms.

Natampal ko na lang ang aking noo. Tumulong  na lang ako sa paggamot doon sa limang lalaking  nakalaban ni Sammy.

Nasaan na kaya ang babaeng yun? Sana naman wala na ang galit niya sa'min bukas.
Hindi talaga ako sanay na may galit samin ang babaeng yun.

••

《Sammy》

'Anong ginagawa na'tin dito?' Tanong ko sa kanya.

'Basta maghintay ka lang.' Ilang minuto pa ang lumipas nang may dumating na hindi kilalang grupo.

'Nandito na sila, Sam.'

'Sino sila?' Hinawakan ko siya sa balikat at tinanong ng paulit-ulit kung sino ang grupong iyon.

'Suprise, Sam.' Nakangisi ito at tumakbo papalapit sa hindi kilalang grupo. Isa lang ang masasabi ko sa kanya traydor. Hindi lang ako kung hindi ang buong grupo.

'Nagulat ka ba?' Tanong niya habang nakapamewang pa.

'Sugurin niyo na.' Utos niya.

Pinalibutan nila akong lahat. Alam ko sa pagkakataong ito wala akong laban. Isa laban sa lahat.

Tinanggap ko bawat suntok at sipa nila. Gustuhin ko mang lumaban hindi ko kaya.

Huli ko na lang narinig ang pagtawag sa'kin ni Ure bago ako nawalan ng malay.

"Sammy, sorry na." Hindi ko pinansin ang dalawa na kanina pa sunod nang sunod sa'kin. Hanggang ngayon hindi parin nawala ang galit ko sa kanila.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat na parang walang narinig.

Mula classroom hanggang canteen hindi pa rin ako nilulubayan ng dalawa. Pinigilan ko na lang ang sarili kong sigawan sila.

The heck! Sino ba namang hindi maiinis? Pati ba naman sa cr sinusundan ako. Ano ko sila? Stalker? Pati sa pag-ihi ko nandon sila.

"Ano bang problema niyo?" Hindi ko na napigilang komprontahin silang dalawa. Naiirita na ako, kanina pa sila bunto nang buntot sa'kin. Ako lang ang napapagod sa mga pinanggagagawa nila.

"Sorry na nga kasi. Ayaw ko lang na magalit ka sa'min."

"Hindi naman talaga kami sang-ayon  sa sinabi ni prof."

"Ayaw mo yun nagamit mo ulit yung mga dagger na matagal mo nang hindi ginagamit." Isang batok ang natanggap ni Ure mula kay Gi.

"Seryoso na e. Nagawa mo pang magbiro."  Napaikot na lang ako ng mata. Ano bang nakita ko at naging kaibigan ko ang dalawang 'to.

"Bati na tayo?"

"Bati na?" Yumakap pa sa braso ko si Ure.

"Hmm." Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanila. The f!

"H-hindi ako makahinga."

"Sorry.." sabay na sabi nilang dalawa at sabay ring nagpeace sign. Ano pa bang magagawa ko?

•••

Wala pa ring progress sa misyon namin. Habang tumatagal wala na kaming ebidensyang nakakalap.

"Ano na?"

"Wala ng ebidensya. Yung limang estudyante sa 3rd year nawala na lang na parang bula." Imposibleng mawala na lang basta-basta ang mga estudyateng yun.

"Nakapagtataka lang. Sabay talaga silang nawala." Napasandal ako sa mesa habang malalim ang iniisip.

Weird.

Sigurado akong hindi lang sila nawala. Imposible namang nagplano talaga silang hindi na pumasok. Ano yun? Kung hindi papasok ang isa hindi papasok ang lahat. One for all , all for one?

Hindi susugod ang mga magulang ng mga estudyanteng yun dito sa school. Nawawala talaga silang lima, ang tanong saan sila nagpunta? Pwede rin namang namasyal lang pero hindi parin nakakabalik hanggang ngayon. May hindi tama.

O may dumukot sa kanila?

Sumasakit ang ulo ko sa misyong ito. Damn it!

Wala sa sariling nasipa ko nang malakas ang mesa ni prof.

"Kalma ka lang, Sammy."

"Kung sino man ang nasa likod nito ang galing niyang magplano a. Nilinis niya  talaga lahat."

Sa lahat ng crime scene may mga ebidensyang naiiwan.

Katulad rin dito. Imposibleng nalinis nila lahat ng ebidensyang kailangan namin.

"Wala nga tayong main suspect sa pagkawala nang  Athena'ng yun." Suspect?

"Meron."

"Sino?" Sabay nilang tanong.

••

"Sino bang hinahanap na'tin?" Tanong ni Greek.

"Manahimik ka na lang." Saway sa kanya ni Gi.

"Ang galing mo talaga pre, walang kupas."

"Ako pa."

"Sinong girlfriend mo ngayon?"

"Wala."

"Yung Athena ba?" Tanong ng isa sa mga kasamahan niya.

"Hm. Ang galing non." Natatawang sabi niya.

"Anong magaling?"

"Magaling gumiling." Damn you!

Lumabas na ako sa pinagtataguan namin at isang malakas na suntok ang binigay ko sa kanya. Magaling palang gumiling a!

"Ms. Ano bang problema mo?" Tinulungan siya ng dalawang kasamahan niyang tumayo. Isang sapak lang tumba na.

"Tinanong kita ng maayos noon. Alam mo ba kung nasan si Athena?!"

Tinulak ako ng isa sa kanila sa balikat kaya naman napaatras ako.

"Baliw ka na." Tinuro ang sarili ko.

"Ako baliw?"

"Oo, ikaw."

Hindi ko na napigilan ang galit ko at sinipa ko ang kayamanan niya.

"Baliw pala."

"Gago ka!" Aamba nang suntok ang isa pa.
Nang mabilis kong nahawakan ang kamay niya.

Sinikmuraan ko siya gamit ang aking siko.
Hindi ko parin binitiwan ang kamay niya.

"Sakit!" Angal nito.

Humarap ako sa kanilang tatlo.

"Ikaw ng bahala diyan pre." Sabi nang isa sa kanila at tumakbo na palayo.

"Paano ba yan? Ikaw na lang ang naiwan Mr. Vegas?" Hinila ko ang kanyang kwelyo at sininyasan sina Ure.

"Dalhin niya sa hideout. Hindi pa ako tapos sa lalaking yan." Seryosong sabi ko.

"Maghanda ka na boy." Pang-aasar ni Gi.

Nauna na silang maglakad habang hawak-hawak ang lalaki sa dalawang kamay.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Tanong ni Wave na nasa tabi ko. Hindi pala siya sumunod sa apat.

"Paaminin." Maikling sagot ko habang nakatingin sa kanya nang diretso.

Tingnan na'tin kung hindi ka pa aamin sa gagawin ko sayo. Be ready.

The Gangsters (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora