CHAPTER 23

17 7 0
                                    

"Umalis ka na, Sam." Para lang akong tuod na nakatayo sa harapan niya. May maliit na distanyang pumapagitna sa'min.

"A-athena?" Halo-halo ang nararamdaman ko. Tuwa, lungkot... hindi ko maintindihan.

"Sam, papunta na dito ang mga kaibigan mo kaya umalis ka na. Sabihin mo na lang kina mama na miss ko na sila. At miss na rin kita Ate Sam." Huling sabi niya bago ito tumakbo.

"Athena!" Sigaw ko at sinundan ito. Hindi alintana ang sakit at pasa sa katawan. Nasa harapan ko na siya pero hindi ko man lang nayakap ang kapatid ko.

Habang sinusundan siya, nagsimulang mangilid ang aking luha. Hindi ko na kayang mawala ulit siya.

Nakalabas na ako pero huli na nakasakay na siya ng sasakyan.

"Athena!" Hikbi na lang ang tangi kong naririnig habang minamasdan ang sasakyang sinakyan niya papalayo hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

"Sammy."
•••
"Anong nangyari sa kanya?" Tulala lang akong nakahiga habang nasa kama ng hospital. Hindi ko na maalala kung ano ang mga nangyari kagabi isa lang ang sigurado ako na buhay si Athena.

Buhay ang kapatid ko pero hindi ko man lang siya nahawakan.

Ano ang ginagawa niya don?

Maraming katanungan ang namumuo sa isipan ko pero ni isa walang sagot na nakuha.

"Sammy, ok ka lang ba?" Mahinahong tanong ni Ure. Hindi ko ako sumagot nakatitig lang ako sa kawalan habang inalala ang mukha ng kapatid ko.

"Magiging ayos din ang lahat, Sammy."

"Iwan na muna na'tin siya." Bumuhos ang luha ko ng marinig kong sumira ang pintuan hudyat na nakalabas na sila.

"Why, Athena?"

'Sabihin mo na lang kina mama na miss ko na sila. At miss na rin kita Ate Sam.' Bakit hindi ikaw ang magsabi? Bakit hindi ka sumama sa'kin paalis ng warehouse.

Napatingin ako sa pintuan ng bigla na lamang itong bumukas at iniluwa nito si Mama na napatakip sa kanyang bibig ng makita ako.

"Sam, anak." Lumapit ito sa'kin at hinagkan ako sa noo.
Para akong wala sa sarili. Nakatitig lang sa kisame walang pakialam sa paligid.

"Miss ka na ni Athena." Mas lalong napahagulgol si mama dahil sa sinabi ko.

"Ano bang nangayari sayo, Samantha?"

Maski ako hindi ko alam kong nangyayari sa'kin.

Napapikit na lamang ako at hinayaang pumatak ang luha sa gilid ng aking mata. Hinayaan ko na lang ito hanggang sa tuluyang maubos ang luha.

"Take a rest, sweetheart."
•••

Pinilit ako ni mama na umuwi muna sa bahay dahil kakalabas ko lang ng hospital. Pero tumutol ako, hinatid nila ako sa dorm. Wala naman silang magagawa.

Hindi pa masyadong magaling ang kaliwang braso ko. Pero nagagalaw ko na ito ng padahan-dahan.

Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw ng dorm. Walang pinagbago ang ayos. Nandon na parin ang uniform ko sa kinalalagyan nito.

Lalo lang lumalakas ang kutob ko na may isang taong nasa likod nito. Hindi ko alam kung sino pero aalamin ko.

I smirked.

Inihagis ko ang dagger sa board gamit ang aking kanang kamay.

Sapol ito sa litrato ni Dean.

First suspect.

Nagsisimula pa lang ang tunay na misyon.
•••
Dumaan ako sa hideout at ibinalik ang mga dagger. May bahid pa ako ng dugo at hindi ko pa ito nalilinis.

Pagbaba ko sa mula ikalawang palapag naabutan ko silang lahat na nakaupo sa kani-kanilang upuan. Nakatitig lang ito sa akin na parang pinag-aaralan ang bawat kilos ko.

"What are you looking at?" Sabay silang nag-iwas ng tingin. Nagdadalawang isip nga ako kung ako ba yung nabugbog o sila.

"Balik ka na ba sa grupo?" Nandito rin yung Athena. Nakaupo sa dati kong upuan at kailan niya pa ako pinalita?

"Alis." Mariing sabi ko. Nakakunot ang noo nila kung sino ang tinutukoy ko pero alam na ni Ure.

"Athena, upuan ni Sammy yan. Doon ka na lang sa isa pang upuan."

"Why? Bakit ako ang pinalilipat niyo?" It's obvious na naiirita siya sa sinabi ni Ure. Unti-unti na ring lumalabas ang tunay na ugali mo, bitch.

"Kasali na ba siya sa grupo?" Tanong ko sa kanila. Sabay silang tumango, how disappointed.

"So kailangan na pala na'ting magdagdag ng isang upuan. But sad to say." Tinapunan ko ito ng tingin.

"Ikaw ang maghahanap ng sarili mong upuan."

"Athena, please. Kung ayaw mo ng gulo, umupo ka na lang sa iba." Bigla na lang tumayo si Wave at inaya si Athena na umupo sa upuan niya. Sobrang bait a.

Napairap lang ako sa kawalan.

"Anong plano?"

"Walang gagawa nang plano hangga't hindi ko sinasabi." Hindi pa nila alam kong gaano kadami ang nakalaban ko ng gabing yun. Wala pa sa kalingkingan nila. For sure nag-iba na naman ng kuta ang mga yun.

"Why? Leader ka ba?" Napantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. At siya pa ang naglakas ng loob na kwestiyonin ako.

"Ikaw ba ang kausap ko. Boundary please. Tumahimik ka na lang diyan kung wala kang masasabing maganda. Kung ayaw mong mahampas ng baseball bat yang mukha mo." Hanggang kailan ba ako magtitimpi sa babaeng 'to.

"Athena, tumahimik ka na lang." Sabi ni Ure. Tumingin ako kay Gi at tinaasan siya ng kilay. Tingnan mo kung anong klaseng hayop yang pinagtatanggol mo.

"Samantha." Tumango lang sa kakarating na si Prof.

"So Samantha is back. At nagbalik na rin ang dating leader niyo." Hindi maipinta ang itsura ni Athena. Ngumiti lang sa'kin sina Roy.

I'm happy to be back. At ngayong nandito na'ko sisiguraduhin kong mahuhuli na ang taong nasa likod nito.

Wala lang kaming ginawa sa hideout kundi ang umupo. Nag-iisip kong ano ang sunod na gagawin. Sinabi rin ni tanda na hindi muna gagawa ng kahit na anumang hakbang. Leksyon na rin yung nangyari sa'kin. Ako pa talaga ang ginawang model.

Ayos a.

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong malinis ang dagger ko. Noong nasa hospital pa ako, tinago ni mama ang dagger ko. Kay papa pa ito galing kaya hindi niya magawang itapon.

Pinilit ko pa siyang ibalik niya sa'kin ang dagger pero sa isang kondisyon. Wag na akong sasali sa anumang klaseng gulo. Pero hindi ko parin maipapangako yun.

At alam na ni mama na hindi ko iyon matutupad.

"Hindi pa ba tayo aalis, Wave." Sa tuwing magsasalita ang babaeng 'to naiirita ako.
Pakiramdam ko sa bawat salita na manggagaling sa bibig niya parang bubuyog sa pandinig ko.

Nasa dagger ang atensiyon ko.

"Tara, gala tayo." Sabi ni Roy.

"Great idea." Pagsang-ayon naman ni Gi.

"Dito lang ako." Sabay na sabi ni Ure at Greek. Pareho yata ang iniisip ng dalawa.

Nagkatinginan pa silang dalawa.

"Don't be KJ, guys. Hindi ka sasama di ba? Sam." Dumaplis sa gilid ng mukha niya ang dagger na hawak ko. Tumayo ako at kinuha ang dagger na nakatarak sa kahoy na nasa likuran niya.

"Asintado pa rin ah." Natatawang sabi ni Ure habang nakatingin sa'kin.

"Oh? Di ba gagala pa kayo?" Nakangiting tanong ko. Nag iba yata ang mood ko ng makita ang pagkabalisa ni Athena.

"Go." Lumabas silang apat at naiwan sa tabi ko sina Ure at Greek.

"Anong plano?" Ngumisi lang ako sa tanong niya.

"Sasabihin ni tanda sa inyo."

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now