CHAPTER 30

20 8 0
                                    

"Hays, ang tagal. Hindi ba kayo naiinip?" Kanina pa siya pinapapili pero hindi parin makapili. Nagtraydor na nga.

"Oo nga e, naiinip narin ako, Greek kuha mo'kong tubig." Kahit naiiyak nakuha pang magpatawa ni Gi.

"Mamaya lilibre kita ng holy water. Para malayo ka sa masasamang "ELEMENTO". Natatawang sabi ni Greek.

Tahimik lang ako sa gilid habang nakayuko. Napapikit na lang. Ako akala ko walang sasakit sa pagtatraydor meron pa pala.

"Z." Hindi ko nagawang mag-angat ng tingin.

"Good choice." Una siyang lumapit kay Roy. Hindi na umangal pa si Roy at nilunok na lang Z.

"Pray to me." Bulong sa'kin ni Greek. Pinainom siya ni Wave ng Z. Masamang tingin ang binigay niya kay Wave bago marahas na nilunok ang ipinainom sa kanya.

Sumunod naman sina Athena, Ure at Gi at ang pinakahuli ay ako.

Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa aking tainga at binulong ang tatlobg salita.

"I love you." Bago ipainom sa'kin ang Z.

Ngumiti lang ako. The game begin.
•••

Napatingin ako kay Roy na nangisay na sa sahig. Sumunod naman si Ure at Gi. Si Greek naman nakapikit lang pero nangingisay ang katawan. Oh gosh.

Nakaramdam narin ako ng hilo.

"Kalagan na yan. Mamatay rin naman ang mga yan." Wala ako sa sariling napangiti.

Naramdaman kong kinalagan ako sa isa sa kanila. Tinggal nito ang tali sa aking paa at sa kamay.

"Go!" Sa hudyat ko bumangon kaming anim. Ang galing ba naming artista?

"Gago!" Lumapit ako sa isa sa kanila at madaling pinatulog habang ang kasamahan ko naman ay abala sa iba pa.

"Let's go." Tinakbo namin ang mahabang pasilyo. Mabilis kaming nagtago ng makarinig kami ng putok sa labas.

"Tara." Maraming pintuan ang narito. Isa-isa namin itong binuksan at pinasukan.

"Pagsinuswerte ka nga naman. Nandito ka rin pala apat ang mata?" Naghahalo pa siya ng mga chemical para makabuo ng Z.

"Nandito ka rin pala. Pasensya na. But you're late." Nagsuot ito ng mask at may tinapon sa harapan ko. Bigla na lang itong naglabas ng usok.

Sunod-sunod ang pag-ubo ko dahil sa usok. Wala akong makita. Bwesit na babaeng yun nanggigigil na ako.

"Halika ka nga dito!" Sigaw ng isang boses sa di kalayuan. May humila sa'kin palabas. Nakita ko na lang si Luna na sinasabunutan ang babaeng may apat na mata.

"Nanggigigil na talaga ako sayo a. Sa classroom ka pang hayop ka." Sigaw lang ang narinig ko sa babaeng may apat na mata.

"Ngayon ikaw naman ang papainomin ko." Pilit niyang pinaaawang ang labi ng babae at ipinainom sa kanya ang Z.

"Rest in peace. Suma impyerno nawa ang kaluluwa mo." Napailing na lang ako sa kalokohan ni Luna. Nagpatuloy ang putukan at hindi ko na alam kung saan ang iba. Dinaanan ko ang nangingisay na babaeng may apat na mata. Tinakbo ang pasilyo.

Narinig ko ang iyak ni Ure sa di kalayuan.

Nang may dalawang nakamaskara ang biglang humarang sa akin. Sa tangkad pa lang nila alam ko kung sino ang mga ito.

"Pareng Hiking, musta?" Isang suntok ang binigay ko sa kanya sapol talaga sa mukha. Napasandal ito sa pader.

"Ang tigas pala ng pagmumukha mo."

Sumugod sa'kin si Camp, na may dalang maliit na patalim. Nailagan ko naman ang bawat sugod niya.

Nang makabawi ng lakas si Hiking sabay na nila akong sinugod. Pagtutulungan ako?

Yumuko ako at hinarang ang aking paa sa gitna nilang dalawa na siyang dahilan ng kanilang pagtumba. Kung hindi ba naman kasi tatanga ang mga ito.

Ipinuwesto ko ang aking kamao sa harapan. Handa na sa pagsugod.

"Magaling ka. Pero hindi sapat yun para patumbahin kaming dalawa." Napatitig ako sa kanilang dalawa. Kumakaway sa'kin si Greek habang iwinasiwas ang dagger sa hangin.

"Talaga ba?" Ngumisi ako.

Sumugod sila kasabay ng pagsunod nila ay ang paghagis ni Greek ng mga dagger ko papunta sa'kin. Bago pa nila ako maambahan ng suntok mabilis kong tinusok ang dagger na nakuha sa kanilang binti.

"Ba't di ko maigalaw ang binti ko?"

"Tsk, nilagyan ko yan ng Z. Hindi siguro alam ng boss niyo na pwede rin itong makaparalyze sa isang tao. Maraming side effect ang Z lalo na pag sa metal mo ginamit." Sabi ni Greek at umakbay pa sa'kin.

Natayo lang sila habang hindi maigalaw ang kanilang mga binti.

Wala na akong sinayang na oras at pumasok sa isang silid kung saan nanggagaling ang iyak ni Ure. Nakasunod sa'kin si Greek sa aking likuran.

"Anong nangyari?" Nanlaki ang mata kong nakita si Gi na may tama sa balikat. Agad naman itong dinaluhan ni Greek.Si Athena naman ay nasa tabi ni Wave.

"Anak, lumapit ka dito." Sabi ni Dean kay Athena pero kay Wave nakatutok ang baril.

"Hindi kita ama." Sigaw ni Athena sa kanya na siyang ikinagalit nito.

Lalapit na sana ako sa kanila ng bigla na lang nitong paputukan ang kinaroroonan ko.

Napalingon sila sa'kin. Muntikan na ako don.

"Ate." Ngumiti lang ako sa kapatid ko.

Sumeryoso ang mukha kong napatingin kay Dean.

Mabilis pa sa kidlat ng ibato ko sa kany ang dagger na siyang dahilan kong ba't nabitawan niya ang baril na nahulog sa sahig. Tumakbo ako palapit sa kanya kahit matanda na mabilis pa palang kumilos.

Nahawakan niya ang paa ko na sanhi ng aking pagkakatumba. Mabilis niyang kinuha ang baril at itinutok sa'kin.

Napaawang ang ang labi ko ng iputok niya ang baril isang beses.

"Sam/Ate." Sabay na sigaw nina Wave at Athena. Natamaan ako sa balikat. Hayop talaga ang lalaking 'to.

Nakatayo ito sa gitna ng habang ako ay nasa kanyang bandang likuran. Pasimple kong ginapang ang dagger para hindi niya ako mapansin. Nag-alalang napatingin sa'kin si Wave tinanguan ko lang siya.

Wala silang magagawa dahil mabilis ang kilos ng matandang 'to.

Nang mahawakan ko na ang dagger. Tumayo kaagad ako at mabilis itinarak iyon sa kanyang likuran. Agad itong napaharap sa'kin at ikanasa ang baril.

Tumakbo si Wave papunta sa direksiyon namin. Nag-agawan silang dalawa sa baril.

Pero sadyang malakas ang matandang 'to. Naitulak niya si Wave palayo. Wala pa dito sina Roy hindi ko rin alam kung saang lupalop yun napadpad.

"Yan ang napapala ng mga batang pakialamero. Alam niyo ba kong gaano kalaking pera ang nawala sa'kin ng dahil sa inyo."

"Pake namin sa pera mo?" Itinutok niya kay Ure ang baril na hawak niya lumipat iyon kay Wave na malapit lang sa kinaroroonan ko.

"Nagtraydor ka na sa'kin noon at pinatawad kita at ngayon nagtraydor ka ulit. At hinding-hindi na kita papatawarin."

Kinalabit nito ang gatilyo at handa ng iputok. Mabilis ang pangyayari ang huli kong natatandaan ay may narinig akong putok ng baril.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now