CHAPTER 10

26 10 0
                                    

"Pakawalan niyo ko!" Nagpupumiglas pa ito. Mahigpit ang ginawang pagkakatali nina Ure sa kanya. Kaya imposibleng makawala ang isang 'to.

"Tatanungin kita sa pangalawang pagkakataon." Yumuko ako nang kaunti para magkapantay ang mukha naming dalawa.

"Kilala mo ba si Athena Imperial?"

"Kahit paulit-ulit mo pa yang itanong. Ganon parin ang isasagot ko sayo!" Sigaw niya habang pilit kumakawala sa tali na nakagapos sa kanyang kamay at paa.

"Wrong answer, hindi yan  ang sagot na gusto kong marinig!" Isang malakas na suntok ang binigay ko sa kanya.

"Kilala mo ba si Athena?!"

"W-wala kang makukuha-" hindi ko na siya pinatapos at walang sabi-sabing sinikmuraan siya. Hindi ako mapapagod na suntukin ang lalaking 'to hangga't wala akong nakukuhang matinong sagot.

"Hangga't wala kang sagot na mabibigay sa'kin. Tingnan na'tin kung makakauwi ka pa ng buhay. Gago!"

"Magsalita ka na kung ayaw mong mahirapan pa." Sabi sa kanya ni Gi.

"Wala akong sasabihin."

"Fine!"
"Mamili ka apoy o tubig?" Tanong ko sa kanya. Kumunot pa ang noo nito na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Lilinawin ko para maintindihan mo." Pumunta ako sa likuran niya at bumulong sa kanyang tainga.

"Susunugin kita o lulunurin?" Kitang kita ko ang paglunok niya ng paulit-ulit.

"Wag mong sabihin  na hindi mo rin masasagot ang tanong na yun? Mamimili ka lang."

"Sagot!" Hinila ko ang kwelyo niya.

"Sammy." Tawag sa'kin ni Ure.

"Magsasalita ka ba o hindi?!" Kinuha ko ang dagger na nasa mesa at itatarak na sana sa kanyang binti.

"Oo na, magsasalita na ako!"

••

"Paano siya nasali sa isang fraternity? Ginagago mo ba ako?!" Susugurin ko ulit sana siya ng hawakan ako ni Ure sa braso.

"Huminahon ka."

"T-totoo. Nong una hindi ako naniwala pero nong nakita nang dalawang mata ko, napatunayan ko na kabilang siya sa isang frat."

Napahilot ako ng aking sentido. Mas lalo lang naging komplikado ang lahat.

"Kung ako sa inyo wag niyo nang ituloy kung anuman ang binabalak niyo." Napatitig ako sa kanya dahil bigla na lang itong nagsalita. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"Bakit?" Tanong ni Ure.

"Malaking grupo ang kinakalaban niyo."

"Mas koneksyon ba sila sa loob ng university?" Nagulat na lang ako ng biglang may tumulong luha sa kaliwa niyang mata.

Seryoso niya kaming tinitigan isa-isa.

"Magugulat na lang kayo kung sino."

Who?
•••

"Sinong patay?"

"Hindi pa patay. Si Marcus Vegas, nabaril."

"Buti na lang may nakakita sa kanya." 

"Mabuti na lang at hindi siya gaanong napuruhan." Rinig kong bulung-bulungan ng mga estudyante pagkadaan ko sa hallway.

Marcus Vegas.

Mabilis kong tinakbo ang papunta ng classroom.

"Alam mo ba ang nangyari kay Vegas?" Tanong agad ni Ure. Nakikichismis rin pala ang bruha.

"Ngayon ko lang nabalitaan." Sagot ko at umupo sa aking upuan.

"Sumusobra na sila."  Napakuyom ako ng aking kamao.

"Sammy." Napatingin ako sa pintuan ng classroom namin ng may tumawag sa pangalan ko.

Anong ginagawa ng tatlong lalaki dito?

"Bakit?"

"Tingnan mo'to." Natuon ang atensiyon ko kay Vegas na hinarangan ng tatlong nakamaskara.

Ito yung suot niya kahapon.

May pinag-uusapan sila na hindi ko malaman kung ano.

Nanlaki ang mata nang bumunot ng baril ang isa sa kanila at itinutok ito kay Vegas.

Huli kong nakita sa video ang nakabulagtang si Marcus Vegas.

"Saan mo yan nakuha?" Tanong ni Gi.

"Nong pinaalis na na'tin siya nagkabit ako ng camera sa suot niyang polo."

"God." Napatakip ng bibig si Ure dahil sa videong nakita.

"Mamaya sa hideout, doon natin pag-uusapan delikadong baka may makarinig sa'tin dito."

"Sammy pinapatawag ka sa principal's office."

Ito na nga bang sinasabi ko.

"I'll come." Sabi ni Wave. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Lumabas ako nang classroom kasama si Wave.

Dumiretso agad kami sa principal's office.
Nadatnan namin don ang mga magulang ni Marcus.

"Tita Mayit?" Humarap sa'kin ang ginang na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Samantha, hija? Ikaw na ba yan?" Naglakad ako papalapit rito at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Ang laki mo na."

"Ms. Imperial."  Sabay kaming napalingon ni Mrs. Vegas sa principal.

"Ms. Imperial?" Lumingon sa'kin si Tita.
"Did you change your last name, hija? If I can still remember, Claverio ang gamit mo."

"Yes, tita. Mama change it."

"I understand."

"About the shooting incident of Marcus Vegas. May kinalaman ka ba dito? Ms. Imperial?" Diretsong tanong ni Principal Yo.

"It's a serious accusations. Anak ko si Marcus, pero para pagbintangan ang batang 'to."
"Hindi yun magagawa ni Samantha, hindi siya pinalaki ni Harry ng ganon." Mahabang salaysay ni Tita Mayit.
Pinagtatanggol niya ba ako?

"Sorry, Ms. Vegas. Nakita kasi siya ng isa sa mga teacher na binubugbog ang anak mo nitong si Ms. Imperial."

"Is that true, hija?"

"Yes tita. But humingi na ako ng tawad sa kanya. May hindi lang kami pagkakaunawaan." Sabi ko habang nagko-cross finger sa likod.

Narinig kong mahinang natawa si Wave na nasa likuran ko lang pala. Tsk, pwede bang sumabay na lang siya. Nahihirapan na nga akong magsinungaling dito.

"It's ok."

"You can leave now, Ms. Imperial. May pag-uusapan lang kami ni Mrs.Vegas." Yumakap muna ako kay Tita Mayit bago lumabas sa opisina.

"Humingi pala ng tawad, huh? Liar." Hinarap ko si Wave na nakangiti. Parang na tutuwa pa siya sa nakikita niya.

"Shut up."

"But humingi na ako ng tawad sa kanya." Panggagaya niya sa sinabi ko kanina.

"Hindi ka ba talaga titigil?" Tinanggal ko ang isa kong sapatos at handa ng ibato sa kanya nang may nakita ako na hindi ko inaasahang makikita ko.

Sabihin mong namamalikmata lang ako.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now