CHAPTER 28

18 7 0
                                    

《Sammy》

Nakaupo lang ako sa gilid habang nakasandal sa dingding. Minsan napapaisip ako paano kung hindi nawala si Athena? Siguro normal ang buhay ko ngayon.

Nakatanaw lang ako sa labas ng maramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Feeling better?" Sa boses pa lang alam ko na kung sino.

"Naranasan mo na bang magtiwala sa isang tao tapos siya mismo ang sumira?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa labas.

"Yeah." Pagsagot niya non umagos ang luha sa aking mata.

"M-masakit di ba?"

Narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Hmm."
"When I was 10 years old, my mother left me. Nangako siyang babalikan niya 'ko. Nagtiwala ako na tutupad siya sa pangako niya."
"But I guess I was wrong, she broke her promise. Ngayon, may sarili na siyang pamilya. Hindi niya na ako binalikan at naiwan ako sa poder ni lolo."

"How about your dad?"

"My father passed away when I was 7." Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdadaanan niya. Wala na siyang magulang na malalapitan.

"I know how it feels." Nakangiting sabi niya na parang wala lang sa kanya ang pinagdaraanan niya. Sana ganyan din ako katapang.

Hindi ako nakagalaw ng biglang niya akong yakapin.

"Umiiyak ka lang." I'm thankful na nandito si Wave sa tabi ko. Kahit papaano may masasabihan ako.

Namayani ang hikbi ko sa pagitan naming dalawa. Marahan na hagod ang naramdaman ko mula sa aking likuran.

Sabay kaming bumaba ni Wave mula sa 2nd floor ng hideout. Nakaramdam agad ako ng kakaiba nang walang kahit anong ingay mula sa baba.

"Bakit mo nilihim sa'min, Sammy?" Tanong ni Ure. Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin.

"Bakit hindi mo sinabi sa'min na kapatid mo si Athena?" Bumaling ako kay Henz na katingin rin sa'kin.

"Sinabi mo sa kanila?!" Mariing sabi ko. Mas lalo lang nag-alab ang galit ko sa kanya. Sinong nagsabi na pangunahan niya ako?

Pero hindi ko na pwedeng itanggi. Alam na nila.

Yumuko lang ito na parang nagpapaawa. Tsk, hindi ako mahuhulog sa bitag mong hayop ka!

"Bakit hindi mo sinabi sa'min?"

"Sinabi ko!"

"Huh?" Nakakunot noong nakatingin sa'kin si Gi at Ure.

"Sinabi ko kay Prof. T." Nanlumo itong nakatingin sa'kin.

"Pero hindi na yun mahalaga kailangan na na'ting magplano." Lumapit ako kay Henz.

"Kung gusto mong makabawi. Sabihin mo sa'kin kung anong nalalaman mo."
•••

"Maraming kuta ang mga nakamaskara. Pero alam ko kung saan ang main hideout nila." Nakatayo lang kami sa harapan ni Henz habang pinapakinggan ang mga impormasyon na nalalaman niya.

"Paanong nasali si Athena sa mga yun?" Napatitig ito sa'kin na parang ayaw sabihin ang nalalaman tungkol sa kapatid ko.

"Nong hindi ka pa lumipat dito. Nagsimula ng gumamit si Athena ng candy pill." Matagal na ako sa grupo namin pero hindi ako dito noon nag-aaral.

"Anong candy pill?" Tanong ni Gi.

"Isang drugs pero candy ang itsura. Yan ang kadalasang binibili ng mga estudyante pag maraming silang pinoproblema. Katulad na lang ng pagbagsak sa mga quiz at exam. Pagnakagamit ka na ng candy pill bigla na lang tatalas ang memorya mo."

Kumuha na ako ng upuan at inilagay sa harapan niya.

"Si Athena?"

"Napilitang gumamit si Athena ng candy pill dahil minsan parang napipressure siya sa dahil magulang niyo. Hindi ko alam ang buong istorya pero yun ang sabi niya sa'kin." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa'kin.

"Ang ibig mong sabihin magkasama kayo ni Athena?" Tumango ito ng dalawang beses.

"Kaming dalawa ang tumutulong kay Drag para gumagawa ng Z." Hindi ako makapaniwala!
"Napilitan lang kami ni Athena na tulungan siya. May hawak si Drag na siyang dahilan na hindi kami makaalis ni Athena sa kuta."

"Gaya ng?"

"Tatakutin niya kami gagawin niyang pain ang mga pamilya namin para hindi kami makaalis at ikaw ang ginawa niyang pain, Sam. Kaya hindi kayang tumakas ni Athena. Nong gabing yun na nakita mo na si Athena. Gusto niyang sumama sayo peeo hindi niya magawa. Hindi mo lang napansin pero may nakatutok na, na snipper sayo." Napaawang labi ko dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

Wala akong kaalam-alam na sobra pa pala sa pinagdaraanan ko ang pinagdaraanan ni Athena.

Mabilis kong pinahid ang luhang tumakas mula sa aking mata.

"Para saan yung Z na ginawa nila?"

"Ibebenta nila yun. Ito ang liquid version ng candy pill pero mas malakas ito kaysa sa inaasahan. Pwede mong ikamatay kong nasobrahan. Maswerte kayo at nabuhay pa kayo dahil sa Z na nainom niyo." Sabi niya kina Ure.

"Huling tanong. Sino si Drag?" Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.

"Kahit matagal na kaming nandon sa kuta kahit kailan hindi namin nakita ang mukha niya. Palagi siyang nakasuot ng maskara sa tuwing lalabas at papasok siya sa hideout."

Tumango lang ako bago tumayo.

"Magsisimula na tayong magplano." Seryosong sabi ko.

"Hindi parin nawawala ang Sam. Na leader namin noon." Bulong ni Henz pero narinig ko.
•••

"Nandiyan ka pala apat ang mata." Nakasandal lang ako sa gilid ng pintaun habang nakatingin sa babaeng apat an mata. Nandito ako ngayon sa mathematics class. Ngayon na ang simula.

"Anong bang plano?" Tanong ni Luna na nagpanggap na si Athena. Kasali na rin siya sa grupo. Alam na ng lahat na impostora lang ang isang 'to. Alam niya daw na hinahanap namin si Athena. Kaya nagpanggap siya para mapalapit kay Wave. Para lang sa ganon?

"Uunahin na'tin yung babaeng may apat na mata na nagpainom sa inyo ng Z."

"Tama at para makabawi rin ako sa babaeng yun. Ipapainom ko rin sa kanya yung blue liquid na yun na parang gatorade!" Nanggigigil na sabi ni Luna.

Mabait naman pala ang isang 'to sadyang bitchy lang talaga.

"Samantha, right?"
"How can I help you?" Sa maamong mukha, hayop ka palang babae ka.

"Pwede makahinga pa ng asul na juice. Ang sarap kasi e. Parang gusto ko ring pabulain yang bibig mo." Halata ang gulat sa kanyang mukha pero mabilis rin itong nawala.

"Sorry, pero naubos na. Kung gusto mo magpapadeliver ako."

"Aww, sayang naman. Hindi ko mapapainom yun sayo. Gusto pa naman sana kitang makitang mangisay diyan sa kinatatayuan mo with matching bubble sa bibig." Nawala ang ngisi niya at tumingin sa'kin ng deretso.

"Alam kong may nalalaman ka na sa pananalita mo pa lang." Ngumisi lang ako.

Mabuti at alam mo, bitch!

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now