CHAPTER 20

18 7 0
                                    


Matalim ang titig na pinukol ko sa kanya. Plano mo talagang sirain kaming anim? Ito na sirang-sira na kami. Damn you!

"Nirerespeto ka namin bilang leader ng grupo, Samantha. Pero sumusobra ka na!" Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat. Gusto kong umiyak hindi dahil pinagtutulungan nila ako. Gusto kong umiyak dahil sa galit at awa para sa sarili ko.

Sobra na pala ako, hindi ko man lang alam.

Natatawa akong tinitigan si Gi, Ure, Roy na kanina pa nandiyan at Wave. Konting konti na lang at lalandas na ang luha ko.

"Tutal pagkatapos nito aalis na rin naman ako sa grupo." Rinig ko ang pagsingahap nila. Nanlaki rin ang mata ni Gi na napatingin sa'kin. Hindi rin makapaniwala si Ure sa sinabi ko.

"Ngayon mo napatunayan na wala kang kwentang leader. Now, iiwan mo kaming mga member mo." Humalakhak ako dahil sa sinabi niya.

"Wag kang magdrama Gi, ikaw ang may gusto nito di ba?" Tinalikuran ko na sila at lumapit sa babaeng nagngangalang Athena. Ngumisi lang ako at bumaba ng konti para magkapantay ang aming mukha.

"Nanalo ka ngayon pero sa oras na makita ko ulit yang pagmumukha mo. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakauwi ng buhay." Ngumisi ako nang makita ko ang paglunok niya ng paulit-ulit.

"At isa pa. Maghanap na kayo ng bagong leader. Para masaya bakit hindi niyo isali si Athena sa grupo? Gawin niyo na ring leader. Tingnan na'tin kong maliligtas niya kayo pag may nangyari."

"Be a good girl, Athena kung ayaw mong paglamayan." Nagmartsa na ako palabas ng hideout.

Hindi pa dito natatapos ang lahat.
•••
《Sammy》

Minamasdan ko lang ang bahay namin. Nagdadalawang isip ako kung kailangan ko na bang pumasok.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag.

"Pasok na tayo." Dali-dali akong nagtago sa likod ng halaman. Pinagmamasdan ko lang si mama na nasa balcony ng bahay. Umalis kaagad ako ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Hindi ako babalik sa bahay na 'to hanggat hindi ko kasama si Athena."

Tuluyan na akong umalis, may parte sa'kin na gustong bumalik ng hideout pero hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Palakad-lakad ako sa harap ng isang tindahan kung saan ako huminto.

"Miss, nahihilo na ako sayo." Sabi nito habang nakatingin sa'kin. Kung hindi ka lang sa'kin nakatingin hindi ka sana mahihilo.

Ilang lugar pa ang pinuntahan ko para makapag-isip. Tsk, bwesit na pride kasi 'to e. Kasalanan ko pa kung napaniwala ng babaeng ang mga kasamahan ko.

Umupo muna ako sa isang bench na malapit lang sa hideout namin. Actually hindi naman talaga ito kalayuan sa hideout.

"Anong problema mo, ineng?" Tanong ng matandang katabi ko.

"Wala po."

"Alam kong nagsisinungaling ka. Basi palang sa itsura mo at sa kung paano ka magsalita alam kung nagsisinungaling ka."

"Meron po talaga, may kunting hindi pagkakaintindihan lang pong nangyari sa pagitan namin ng kaibigan ko." Pagsasabi ko ng totoo. Sa ngayon gusto ko lang ng may mapagsabihan ng problema ko. Marami na akong kinikimkim na problema, ayaw ko ng dagdagan pa.

"Mga kabataan nga naman." Napailing-iling ito na parang may naalala.
"Seryoso sigurong away yan. Hindi ka mamomoblema ng ganyan kong hindi seryoso."

"Parang ganon na nga po."Napaayos ako ng upo nang magsalita ito.

"Nong kabataan ko may naging kaibigan din ako. Pumasok sa pampublikong unibersidad. Naging bahagi ng isang gang." Tumatawa ito pinagsalikop ang kanyang mga palad. Hindi ko alam pero naging interesado ako sa kwento niya.

"Tapos po?" Nakangiti itong humarap sa'kin pero malungkot ang mga mata nito.

"May matalik akong kaibigan sa isang gang na sinalihan ko. Sa gulong pinapasukan ko lagi siyang kasali. Naalala ko pa ang sabi niya sa'kin noon, pag may kaaway ang isa kaaaway ng lahat." Pinahid nito ang kaliwang mata. Hindi ko sigurado kung umiiyak ba siya o hindi.
"Kaso may hindi inaasahang mangyari."

Humarap ito sa'kin.

"Ano po yun?"

"Hindi ko inaasahan na makakabangga ako ng gang na makapangyarihan. Nang dahil sa'kin napahamak ang mga kagrupo ko."
"Nang dahil sa gulong kinasangkutan ko nawala yung matalik kong kaibigan, kaya ikaw ineng." Hinawakan ako nito sa balikat.
"Wag mong hayaan masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa isang hindi pagkakaunawaan. Hindi na'tin alam kung hanggang kailan sila nasa tabi na'tin." Tumayo ito at nagpaalam muna sa'kin bago umalis.

Ngayon alam ko na kung anong gagawin.

The Gangsters (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon