CHAPTER 7

25 11 0
                                    

"Walang suspect ang umaamin kaagad sa krimen na ginawa niya. At pag nalaman kong may kinalaman kayo sa pagkawala ng kap- ni Athena, sisiguraduhin kong sa kulungan kayo pupuluting lima." Huling sabi ko bago sila iniwan.

Wala rin naman akong napala. Nang away pa ako ng bata. Gosh!
•••

"Sinira mo ang plano!" Sigaw sa'kin ni Wave. I hate myself, bakit para akong maamong tupa? Dapat ay sinisigawan ko rin siya. Hindi ko na lang ginawa. Baka lumaki pa ang gulo.

Hinayaan ko na lang siya at umupo sa tabi na parang walang naririnig.

"Dammit!" Napapikit ako dahil sa malakas na kalabog na ginawa niya. Galit na galit?

Agad akong nilapitan ni Ure at Gi.
Ano bang kinagagalit niya?! Dammit?! Dammit niya rin!

"Sammy, may tinatago ka ba sa'min?" Mahinahong tanong ni Gi. At umupo sa tabi ko. Paano ba ako magpapaliwanag?

"Wala."

"Bakit hindi ka sumunod sa plano?"

Iniba ko ng direksiyon ang aking paningin. Tumahimik na lang ako. Pagsumagot ako magtatanong rin naman sila ulit.

'So, what's the plan?'  Tanong ko kay Wave. Tumayo ito at tumabi sa'kin.

'Hindi muna na'tin sila kokomprontahin. Magmamanman muna tayo kung may kahinahinala sa bawat kilos nila.'

'Agree ako sa plano ni Wave. Kung magtatanong lang tayo, hindi tayo sigurado kung makakatulong yung mga sagot na ibibigay nila.' Sabat naman ni Greek habang sabay naman na tumango sina Ure, Gi at Roy.

'It settle then.'

It's  all my fault. Gusto ko lang matapos ang misyong 'to.

••

"Sorry." Hindi ito umimik. Ako pa talaga ang nanunuyo. For the first time, may sinuyo akong lalaki.
"Sorry."

"For what?" Malamig na tugon niya.

"Hindi ko sinunod yung napag-usapan. Gusto ko lang matapos ang lahat ng 'to."

"Pero hindi gumana ang ginawa mong plano."

"I know, sorry." Para akong bata!

"Forgiven. Next time-"

"Susunod na ako sa plano."

"Kanina ko lang nalaman ang full name mo. Kaano-ano mo si Athena Imperial?" Napalingon ako sa kanya. Natahimik lang ako ng ilang saglit  pero hindi ko parin sinagot ang tanong niya.

"Kung hindi ka pa handa wag mo munang sagutin." Pilit akong ngumiti sa kanya.

Akala ko madaling magtago ng sekreto. Pero ang hirap pala.

Hindi mo alam kung hanggang kailan mo dadalhin ang sekretong tinatago mo.

Ang hirap ding magtiwala sa taong nagpapakita ng mabuti sayo pero may tinatago rin palang kasamaan na ikakapahamak mo.

Gustuhin ko mang magtiwala ulit. Hindi ko magawa. Kung magtitiwala ako ulit sisiguraduhin kong mapupunta sa tamang tao ang tiwalang iyon.

"Are you ok?"

"Oo."
"Mauna na'ko." Paalam ko sa kanya.

"Take care." Tumango ako bago siya iniwan.

Paano niya nalaman ang surname ko? Hindi nga alam nila Gi, ang totoong pangalan ko. Tf!

•••

Sa hideout na ako nagpalipas ng gabi. Mas gugustuhin ko na lang na dito tumira.

"Ang aga mo a." Bungad sa'kin ni Greek nakakapasok lang ng hideout.

The Gangsters (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें