CHAPTER 13

22 9 0
                                    

Pinuntahan ko ang kinaroroonan ni Wave.
Walang katao-tao ang lugar na ito. Asan na ba 'yun?

"Wave, nandito na ako."

Kanina pa ako salita nang salita pero hindi na ito sumagot. Muntik na ako mapasigaw ng biglang may tumakip ng aking bibig.

"It's me."

"What's wrong with you?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang nantatakip ng bibig. Akala mo malinis ang kamay niya. The heck!

"There." Turo niya sa lalaking pinasundan ko sa kanya kanina.

"What is he doing here?" Wala sa sariling tanong ko.

"Yan rin ang pinagtataka ko?" Nakamasid lang kami sa lalaki ng may isang grupong nakamaskara ang sumalubong sa kanya.

May pinag-uusapan ang mga ito. Hindi ko marinig ng malinaw dahil malayo ang kinaroroonan namin.

"What are they talking about?"

Kailangan kong malaman kung anong pinag-uusapan nila. Kung nandito lang si Ure mabilis makakalap ng chismis yun.

May binigay sa kanya ang lalaking nakamaskara.

"Drugs." Biglang sabi ni Wave na siyang ikinagulat ko. Paanong nakapasok ang ganyang bagay dito sa loob ng university?

"Drugs?" Binalik ko ang aking tingin sa grupo ng nakamaskara.

"Sammy, may problema." Sabi ni Greek sa kabilang linya.

"What is it?"

"Pinamanmanan na tayo ni Dean. Narinig kong kausap niya ang SSG President kanina. Pinababantayan na niya ang grupo na'tin." Sinasabi ko na nga ba tama ang narinig ko kagabi kausap niya sina Camp at Hiking.

"Umakto lang kayo ng normal pag nandiyan ang SSG President. Wag kayong magpapahalata." Kinalabit ako ni Wave na siyang ikinalingon ko sa kanya.

"Let's go." Sabi niya at sinundan ang lalaki kung saan man ito patungo.

"SAMMY,HINAHANAP NA KAYO SA EVENT!" Natatarantang sabi ni Ure.

"Hindi pa kami pwedeng bumalik."

"Anong gagawin na'tin?"

"Ikaw na ang bahala Ure. May kailangan pa kaming sundan." Sabi ko habang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. Nagkalitsi-litsi na!

Once na mawala ito sa paningin ko. Hindi ko alam kung may paraan pa para maresolba itong misyon na ito.

Bago pa makalayo ang sinusundan namin agad ko na itong hinarangan para hindi na makatakbo.

"Anong binigay sayo nong lalaki?"

"Sinong lalaki?" Pagmamaang-maangan nito. Akala niya siguro hindi namin nakita.

"Wave." Hinawakan niya ito sa dalawang kamay para hindi makapalag. Agad kong kinuha kung ano man ang laman ng kanyang bulsa. Parang candy.

"Drugs nga."

"Kanino 'to galing?"

"Hindi ko kilala." Napatingin ito sa likuran namin. Bwesit! Sa di kalayuan naaninag ko si Camp.

"CAMP!" Sigaw nito.

ANG SSG PRESIDENT! Binabantayan na talaga kami.

"Wave, tara na!" Tumakbo na kaming dalawa bago pa kami maabutan ng Camp na yun. Tumakbo rin ito papunta sa'min.

May tinatago talaga kayo.

"Sammy, may sinundan din kami. May nakita kaming puting bagay sa kanila."

"Kunin niyo. Papunta na kami sa event." Sabi ko. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Wave.

Mas lalo na talagang naging komplikado ang lahat. May nagbabantay na amin. Hindi na kami makakakilos ng maayos nito.

Bwesit!

Nakarating kami sa event maraming estudyante ang naroon. Hinanap ko pa sina Ure dahil hindi ko sila makita kahit saan.

"Sammy, dito." Kumaway si Ure sa'kin.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila.

"Kanina pa may nagbabantay sa'min dito.
Kaya hindi kami nakaalis." Sabi niya agad sa'kin habang nakatingin sa vice president ng ssg na ang talim kung makatingin sa'min.

Binabantayan talaga nila bawat kilos namin. Naninigurado talaga sila na hindi kami makikisawsaw sa kung ano mang pinplano nila.

Sigurado na ako na may tinatago talaga kayo.

I swear malalantad rin yan ang baho sa kung sino man ang may pasimuno ng lahat ng ito.
•••
Saan kami magpunta, ramdam kong may sumusunod sa'min. Hindi talaga sila napapagod sa kakasunod. Parang mga aso na sunod na sunod sa amo. Wag mong sasabihin na baka sa cr susundan rin nila kami. Hindi pa nila alam ang salitang privacy?

"Paano na yan? Limitado na lang ang bawat galaw na'tin dito sa loob ng campus." Kanina pa natapos ang event pero ang ssg hindi pa tapos sa kakasunod sa'min. Kung pwede lang patulugin ang mga yan, nagawa ko na.

"Sa hideout na na'tin yan pag-usapan." Sabi ko. Kung saan ako lumingon hindi mawawala ang bantay. Sa kaliwa man o sa kanan, meron.

Didiretso na kami sa classroom para kunin ang mga gamit naming naiwan.

Wala na akong balita kina Wave. Simula nong nakarating kami sa event hindi ko na nakita ang tatlong lalaki na yun.

Binilisan ko ang aking kilos sa pagkuha ng aking gamit. Hindi naman sila uutusan ni Dean na bantayan kami kung wala silang tinatago sa'min. Sigurado na ako, na may nililihim talaga sila.

"Tara na." Papalabas na kami ng classroom nang bigla na lang kaming harangan ni Camp ang SSG President.

"What do you need?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Sinulyapan niya sina Ure at Gi na nasa aking likuran.

"Let's Go." Tumingin muna ako sa kanya bago siya nilagpasan.

Hindi ko pag-aaksayahan ang taong kagaya mo. Walang kwenta. Ano namang mapapala nila sa pagbabantay sa'min.

"Naiinis na ako sa Camp na yun a. Daig niya pa ang guard sa pagbabantay sa'tin."

"Ano naman ang mapapala niya sa pagbabantay sa'tin?" Yan din ang tanong ko.

"Bilisan niyo. Para makarating na tayo sa hideout."

••

Bumungad agad sa'min si Prof. T nang makarating kami ng hideout.

Seryoso itong nakatitig sa'min. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

"Prof."

Umupo ito sa dati niyang upuan. Nandito na rin pala sina Greek.

"Here." Inihagis ko sa mesa niya ang nakuha namin ni Wave sa lalaki kanina.

"Yan din ang nakuha namin sa lalaking sinundan namin kanina." Inilabas rin Gi ang bagay na mula sa kanyang bulsa.

Para candy talaga.

"Ano 'to?" Tanong ni Greek habang pinagmamasdan ang bagay na nasa mesa.

"Drugs, probably."

"Drugs? Parang candy ang mga 'to."

"Imbes na gamitin nila ang normal drugs. Iniba nila ang estilo para hindi mahalata." Sabi ni Roy. Nakatingin parin ito sa laptop niya.

May point si Roy. Hindi malalaman ng kung sino kung drugs ba ang bagay na'to. Kung pagbabasihan ang itsura. Masasabi mo talagang normal na candy lang ito.

"Good job." Biglaang sabi ni prof.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now