CHAPTER 6

37 12 0
                                    

"Swerte tayo ngayon dahil may meeting ang lahat ng prof." Bulong ni Greek. Nagtatago kami ngayon sa likod ng puno habang nagmamasid sa 3rd year building.
Para kaming mga spy. Kulang na lang magcustome kami ng pangdetective.

"Hindi tayo basta makakatapak sa building na yan. Sa uniform palang na'tin mahahalatang 4th year na tayo." Hindi kami basta-basta makakapasok sa 3rd year building. Hindi ko nga alam kong bakit mahigpit ang security ng building na yan. Hindi gaya ng amin na maraming nakakapasok. Unfair.

Ang komplikado. Akala ko madali lang. Pupuntahan lang namin ang mga 3rd year students na yun at tatanungin pero ang hirap pala. Kailangan pala nagplano kami ng maayos. Paano ba kasi puro katarantaduhan ang pinaggagagawa nila. Parang mga tanga.

《Flashback》

"Nakikinig ba kayo?" Parang may mga sariling mundo ang mga 'to.

"Anong tawag sa hayop na babae?" Tanong ni Gi. Mahigpit na ang hawak ko sa ballpen. Ano ba talaga ang plano ng mga 'to?

"Ano?"

"Ure!" Sigaw ni Gi sabay palakpak ng malakas.

"Ano namang tawag sa babaeng pusit?"

"Ano?"

"Gi!" Banat ni Ure.

Ibinagsak ko sa mesa ang aking dalawang kamay.

"Hindi ito ang oras para sa mga walang kwenta niyong banat!" Inis na sabi ko.

"Ano naman ang tawag sa babaeng dragon?" Natatawang sabi ni Ure. Siniko siya ni Gi para patahimikin.

"Ano?"

"Sa-" hindi niya natuloy ang sasabihin ng lumipad ang dagger ko at dumaan lang sa gilid ng ulo niya.

"Ituloy mo." Napaayos siya ng upo.

"Sabi ko nga makikinig na."

《End of flashback》

"Sam, sumama ka sa'kin." Nakatitig lang ako sa mga estudyanteng nasa field.

"Sammy." Tawag ni Gi.
"Wave, bakit mo siya tinawag sa-"

Bago pa matapos ni Gi ang sasabihin niya tumakbo na ako palayo. Curse that name.

Sammy ang pangalan ko hindi Sam!

••

《Ure's Pov》

"Sam, sumama ka sa'kin." Paktay kang bata ka!

"Sammy."
"Wave, bakit mo siya tinawag na-"

Hindi na natapos ni Gi ang sasabihin niya dahil tumakbo na si Sammy palayo. Nalintikan na! Hayyss, laking gulo 'to.

"Anong nangyari don?" Nagtatakang tanong ni Greek. Habang nakasandal sa puno.

"Hayaan niyo na lang muna siya." Sabi ni Gi.

Napalingon ako kay Wave na nakatingin sa daan kung saan tumakbo si Sammy.

"Weird."

"Tayo na lang muna mag-aasikaso don sa mga estudyante."

Sammy, hindi ka parin nakakalimot sa kanya?
Ikaw lang ang masasaktan pag-inaalala mo pa yung traydor na yun.

"Guys, tingnan niyo." Tinuro ni Roy ang grupo ng mga estudyante na nagkakatuwaan.

"Ang saya nila a." Sabi ko.

Nang bigla na lang sumulpot sa harap nila si..

"Sammy?"

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now