CHAPTER 24

17 7 0
                                    

"Ang saya non. Lalo na yung mga arcade." Pagkekwentuhan nina Roy at Gi. Nasa gilid lang kami nina Greek habang nakikiniga sa mga pinag-uusapan nila. Lalo lang tuloy akong inaantok.

"Ang saya di ba sayang hindi sumama si Ure at Greek." Parinig na sabi ni Athena.

"Ayos lang may pinag-usapan rin naman kami na." Nakatingin sina Greek at Ure sa'kin. Nakangiting napailing lang ako. Kalokohan talaga.

"Ano naman yun?" Namuo ang kuryusidad sa boses ni Gi.

"Sekretong malupit."

"Pwede pabulong?" Sinabayan naman ni Greek ang kalokohan ni Ure.

Tumikhim si Wave kaya naman napatingin ako sa kanya. Ang talim ng tingin nito sa'kin na parang ginawa akong malaking kasalanan.

"What?" Umiling lang ito. Gago ba siya?
Natahimik si Athena ng umiba na ang usapan. Nakakahiya naman makisabat ka sa usapan na wala ka namang kaideideya kong ano yun.

"Sabihin mo na kasi Ure." Pangungulit ni Gi kay Ure.

"Bawal nga kasi." Napasimangot si Gi ng hindi niya napilit si Ure. Nangulit na naman ito kay Greek gaya ni Ure tumanggi rin ito.

"Tsk, sana pala hindi na lang ako sumama." Bumaling ito sa'kin.
"Hindi mo rin naman sasabihin sa'kin." Mahina lang akong natawa. Paniwalang-paniwala talaga sila sa kalokohan nila Greek at Ure.

《Flashback》

"Anong plano prof?" Pangungilit ng dalawa sa kakarating na si tanda.

"Hindi muna tayo gagawa ng plano." Nakabusangot ang dalawa.

"Ang sabi ni Sammy." Sabay silang napatingin sa'kin. Nagpeace sign lang ako. Malay ko bang uto-uto ang dalawang 'to.

"Sammy! Paasa!" Sigaw ni Greek.

"Kasalanan ko bang ang dali niyong mapaniwala?" Napakamot lang ng ulo si Greek samantalang si Ure naman ang sama ng tingin sa'kin.

"Para makabawi kayo pagtripan niyo rin yung apat." Sumilay ang mapanglarong ngiti sa labi nilang dalawa.

"Nice."

《End of flashback》

Umakyat ako sa second floor ng hideout.
Di ko lang maiisip kong bakit kailangan pa niyang gamitin ang pangalan ng kapatid ko?
Ano bang pinaplano niya.

"Oh, you're here."

"Anong kailangan mo?"

Malayo siya sa'kin. Hindi ko na inabalang lingunin siya.

"Bakit ka pa bumalik?"

"Di ba uso sa vocabulary mo ang salitang "comeback"? Sumandal ako sa bintana at humarap sa kanya.

"Bakit ka nagpanggap na si Athena?" Panahon na siguro para komprontahin siya.
•••
"W-what are you talking about?" Ang hirap kasi sa kanila kung magpapanggap narin lang, yun sanang hindi halata.

"Nevermind. Alam ko na kung sino ka."
"Sabihin mo nga sa'kin anong plano mo?"
"Bakit ka sumali sa grupo?" Ilang beses ko siyang napansing napalunok. Halatang kabado dahil sa pamumuo ng pawis sa kanyang noo.

"None of your business." Iritadong sabi niya. Umikot ako at humarap ulit sa labas.

"Hindi kita papangunahan mas mabuti pang ikaw mismo ang magsabi sa kanila kong sino ka talaga. Kung papatagalin mo pa ang panlolokong ginagawa mo.."
"Mas mabuti pang umalis ka na lang sa grupo." Sabi ko sa kanya. Alam ko kung ani ang kinalalabasan nito.

Narinig ko na lang ang pagsira ng pinto. Bukas sisimulan ko na ang paggawa ng plano. Ayaw ko ng patagalin 'to. Gusto ko ng pagbayarin ang taong nasa likod nito.
•••
"Nandito na pala kayo." Sabi ng babaeng apat ang mata. Ikalawang sesyon na namin 'to. Pero ganon parin walang pinagbago. Nanghihinala na ako sa isang to a.

"Ito, ipasa niyo na lang sa iba."

"Kami lang ba ang estudyanteng umaattend sa klase mo?" Bigla kong tanong. Akala ko may iba pang estudyante ang sumali sa mathematics class na'to.

"Meron pero nauna na sila sa inyo." Sagot niya.

Napatango lang ako pero hindi parin ako kumbindsido.

"Bakit habang tumatagal lalong humihirap ang mga tanong?" Magkatabi sila Greek at Gi. Si Roy naman at Ure magkatabi rin, katabi naman ni Wave si Athena halatang problemado sila.

Nasa likod lang ako habang nakamasid sa babaeng apat ang mata. Naglakad ito sa may ref na nasa gilid ng bintana. Ngayon lang ako nakakita ng ref dito a.

Nong unang session namin wala naman yan dito.

"Here. Drink it." Napatuwid ako ng upo habang hindi inaalis ang tingin sa asul na likidong nasa mesa.

"Ano 'to?"

"Z ang tawag namin diyan. Don't worry hindi yan nakakalason. Actually, makakatulong yan para masagutan niyo yang mga questionnaire."

'Maganda ang magiging resulta pag-uminom ka ng Z. Bibilis ang pag-iisip mo, kumbaga kung hindi ka matalino ay tatalino ka na lang bigla. Pero malaking epekto nito kapag nasobrahan.'

'Bakit mo hawak si Z?'

Imposible!

Napaawang ang labi ko ng isa-isa na silang uminom ng inuming yun. Idiot!

"Inom ka na rin, Sammy."

"Hindi ako nauuhaw."

"Sus, sige na isa lang." Pamimilit ni Ure. Ininom ko ang isa. Ngumiti ang babaeng apat na mata na para bang nagtagumpay sa plano niya.

Hindi ako tanga.

Nang nakatalikod na ito. Lumapit ako sa paso sa tabi ng bintana at dinura ang likidong ininom ko.

"Pwede pa isa?" Sabi ni Roy. Mga gago talaga. Ano na namang katangahan 'to?

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi niya. Nagtama ang tingin namin.

"Ako din pahingi." Nakangiting sabi ko na siyang ikinalawak ng ngisi niya. Tsk.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now