CHAPTER 8

28 13 0
                                    

Sumugod sa'kin ang isa sa kanila. Kagaya nong una kong nakalaban wala pa ito sa bilis niya.

Nahawakan ko ang kamay niya at pinaikot ito sa likuran niya. Napa-aray siya dahil sa sakit. Pasalamat ako kay papa, kahit papaano may natutunan ako mula sa kanya.

2- down 3- to go.

Ako na ang unang sumugod. Ang kukupad e. Hindi man lang binilisan ang kilos.

"Hades!" Tawag niya sa isa sa mga kasamahan niya.

Pagtutulungan niyo ako. Fine!

Kinuha ko ang dalawang dagger at mabilis na inihagis sa direksiyon ng dalawa.

Isang tama sa balikat at isa sa paa.

"Anong kailangan niyo dito?"

"Sa tingin mo sasagutin ka namin." Mabilis na lumipad ang kamao ko sa pagmumukha ng pinakahuling lalaki.

Tumba!

Kinuha ko agad ang cellphone at tinawagan si Ure.

"Hideout! Now!"

Nakasandal lang ako sa gilid habang nakatingin sa limang nakatali sa upuan.

Wala pang ilang minuto dumating na ang lima.

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Gi sa'kin at lumipat ang tingin niya sa limang nakatali sa upuan.

"Nahuli ko silang naghahalughog sa hideout. Tinuruan ko lang ng leksyon." Lumapit ako sa kanila at isa-isang kinuha ang mga mask na nakatakip sa kanilang mukha.

"Sino sila?"

Kanina, ibang pangalan ang ginamit nila.

Hades, Artemis. Sinabi rin sa'kin ang pangalan ng tatlo.
Ares, Hestia at Aphrodite.

Lahat ng ginagamit nilang pangalan-

Mabilis pa sa kidlat napalingon agad ako kay Greek. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko.

Lahat ng pangalan na ginamit nila, lahat ng yun nanggaling sa greek mythology.

"Traydor!" Kaagad kong hinuli ang leeg niya at mahigpit itong sinakal.

"Sammy!"  Inawat nila ako pero hindi ko parin binitiwan ang kanyang leeg.

"Anong kinalaman mo dito?!"

"W-wala."

"Sammy, nahihirapan na siyang huminga!" Pag-awat ni Gi pero hindi ko siya pinakinggan. Sa lahat ng pinakaayaw ko yung traydor.

"Tatanungin kita ulit! Anong kinalaman mo dito?!"

"Magaling." Habol niya ang kanyang hininga ng mabitawan ko si Greek.

Napalingon kaming lahat kay Prof. T

"I'm so proud of you." Nakangiting naglakad palapit sa'min si prof.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Greek." Tawag ni prof.

"Muntik muna akong mapatay a." Natatawang sabi nito habang hawak-hawak ang kanyang leeg.

"Pagsubok lahat ng yun."

"Anong pagsubok?"

"Kinuntiyaba namin ang mga 'to."Nginuso niya ang limang nakatali na hanggang ngayon wala paring malay.

"Nong wala ka nag-usap kaming lima." Tinuro niya ang limang kasamahan ko.

"Kung sino ang magiging karapat-dapat na leader. Lahat sila ikaw ang pinili. Kaya binigyan kita ng pagsubok na kung karapat-dapat ka bang humawak sa grupo."
"At ngayon napagtagumpayan mo, Samantha."  Lahat sila nagpalakpakan na parang nasisiyahan sa nangyari.

"At sa tingin niyo masaya yun?!" Sigaw ko habang isa-isa silang tinitigan.

"Gumamit pa kayo ng mga inosente para sa lintik na pagsubok na yan?!"

"S-sammy."

"Don't talk to me!" Sigaw ko at lumabas ng hideout.

Akala nila laro lang ang lahat ng ito. Nag-aksaya pa ako ng oras dahil sa lintik na pagsubok na yan.

Pinalis ko ang luha sa aking mata. Ngayon, umiiyak na naman ako. Hindi ka ba nagsasawa?

'Kahit magkapatid lang tayo sa ina. Ate parin kita.'

Damn you.

Kahit kailan hindi ko pinangarap na mawala ka!
•••

《Gi》

"Sabi ko naman kasi sa inyo masamang ideya yun."
"Kung ako si Sammy, magagalit din ako no."  Tumingin ako sa inosenteng bata na ginamit ni Prof. T. Hays, kaloka naman kasi e.
Ginagamot na ito nina Ure. Dulot ito sa dagger ni Sammy. Marahas talaga, walang sinasanto ang babaeng yun..

"Nangyari na."

"Si Sammy ang iniisip ko ngayon. Si prof naman kasi e."

"Let her be." Sagot naman ni prof. habang nakacross arms.

Natampal ko na lang ang aking noo. Tumulong  na lang ako sa paggamot doon sa limang lalaking  nakalaban ni Sammy.

Nasaan na kaya ang babaeng yun? Sana naman wala na ang galit niya sa'min bukas.
Hindi talaga ako sanay na may galit samin ang babaeng yun.

••

《Sammy》

'Anong ginagawa na'tin dito?' Tanong ko sa kanya.

'Basta maghintay ka lang.' Ilang minuto pa ang lumipas nang may dumating na hindi kilalang grupo.

'Nandito na sila, Sam.'

'Sino sila?' Hinawakan ko siya sa balikat at tinanong ng paulit-ulit kung sino ang grupong iyon.

'Suprise, Sam.' Nakangisi ito at tumakbo papalapit sa hindi kilalang grupo. Isa lang ang masasabi ko sa kanya traydor. Hindi lang ako kung hindi ang buong grupo.

'Nagulat ka ba?' Tanong niya habang nakapamewang pa.

'Sugurin niyo na.' Utos niya.

Pinalibutan nila akong lahat. Alam ko sa pagkakataong ito wala akong laban. Isa laban sa lahat.

Tinanggap ko bawat suntok at sipa nila. Gustuhin ko mang lumaban hindi ko kaya.

Huli ko na lang narinig ang pagtawag sa'kin ni Ure bago ako nawalan ng malay.

"Sammy, sorry na." Hindi ko pinansin ang dalawa na kanina pa sunod nang sunod sa'kin. Hanggang ngayon hindi parin nawala ang galit ko sa kanila.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat na parang walang narinig.

Mula classroom hanggang canteen hindi pa rin ako nilulubayan ng dalawa. Pinigilan ko na lang ang sarili kong sigawan sila.

The heck! Sino ba namang hindi maiinis? Pati ba naman sa cr sinusundan ako. Ano ko sila? Stalker? Pati sa pag-ihi ko nandon sila.

"Ano bang problema niyo?" Hindi ko na napigilang komprontahin silang dalawa. Naiirita na ako, kanina pa sila bunto nang buntot sa'kin. Ako lang ang napapagod sa mga pinanggagagawa nila.

"Sorry na nga kasi. Ayaw ko lang na magalit ka sa'min."

"Hindi naman talaga kami sang-ayon  sa sinabi ni prof."

"Ayaw mo yun nagamit mo ulit yung mga dagger na matagal mo nang hindi ginagamit." Isang batok ang natanggap ni Ure mula kay Gi.

"Seryoso na e. Nagawa mo pang magbiro."  Napaikot na lang ako ng mata. Ano bang nakita ko at naging kaibigan ko ang dalawang 'to.

"Bati na tayo?"

"Bati na?" Yumakap pa sa braso ko si Ure.

"Hmm." Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanila. The f!

"H-hindi ako makahinga."

"Sorry.." sabay na sabi nilang dalawa at sabay ring nagpeace sign. Ano pa bang magagawa ko?

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now