CHAPTER 17

19 8 0
                                    

《Ure》

Pinag-aralan ko ang babaeng nasa harapan ko. Mula ulo hanggang kuko. Nakakaramdam ako na mabait siya pero hindi 100% na gusto ko siyang nandito sa hideout.

Kung nandito lang si Sammy. Malakas na rin naman ang babaeng 'to kaya pwede na siguro siyang umalis.

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Gi nang makatabi sa'kin.

"Athena Imperial." Nakatangin sa'kin si Gi na hindi makapaniwala.

"May pagkakahawig siya nong nasa picture." Bulong nito. Sang-ayon ako sa kanya. May pagkakahawig nga ito sa picture na pinakita sa'min ni Prof. T.
Hindi ko kasi masyadong nakita yung litrato dahil bigla na lang kinuha ni Sammy.

"Kailangan 'tong malaman ni Sammy." Sabi ko at akmang aalis nang hawakan niya ako sa kamay.

"Para saan pa?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baka nakakalimutan mo Gin na siya parin ang leader ng grupo kung anong nalalaman na'tin kailangan niya ring malaman. Get it?" Inikutan lang niya ako ng mata. Malinaw pa rin ang pasa sa kaliwang pisngi niya.

Buti nga sayo.

••

《Sammy》

Malakas na sipa ang nabitawan ko sa punching bag na nasa aking harapan. Dalawang malalakas na magkabilang suntok.

Sabay-sabay sa pagtulo ang pawis na nasa aking noo.

"Hindi ka pa ba napapagod?"

"What are you doing here? Kung hindi mo gustong mabalian ng buto. Get out." Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang kung anumang ginagawa ko. Isang high kick ang ginawa ko. Kulang na lang matanggal ang punching bag sa kinalalagyan nito.

"Sabi ni Ure nakita na nila si Athena." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Yung babaeng dinala sa hideout. Yun si Athena." Nagpakawala ako ng isang suntok sa punching.

Anong karapatan nilang gamitin ang pangalan ng kapatid ko! Matagal ng nawawala si Athena pero tandang-tanda ko parin ang wangis ng mukha niya.

Sa punching bag ko na binungton lahat ng galit at inis ko sa taong nasa likod nito.

Magagamit niyo man ang pangalan ng kapatid ko pero hindi ang katauhan niya. Gusto niyong makipaglaro, sige. Let the game begin.

Maglaro tayo!

Hindi na kinaya ng punching bag at nalaglag ito sa kinalalagyan nito.

"Samahan mo ako papunta sa hideout, Greek."

"Naman, bestfriend." Inirapan ko siya bago kinuha ang gamit ko na nasa sahig.

Hapon na nang makarating kami sa hideout ni Greek. Tawanan agad ang bumungad sa'min papasok ng hideout.

Close na agad sila. Ang dali talagang magtiwala ng mga 'to. Hindi na ako magtataka kung ang dali nilang mapaikot.

Papasok na sana ako sa hideout nang harangan ni Greek ang daraanan ko.

"Bestfriend-"

"Sammy, Greek."

"Ok, Sammy. Kontrolin mo muna ang sarili mo."

"I know. Wag mo na akong pangaralan." Umalis ito sa harap ko at siya pa ang naunang pumasok ng hideout. Inunahan pa ako.

Natigil sila sa kanilang ginagawa ng maramadaman nila ang presensya namin.

Hindi ko na pinansin ang titig sa'kin ni Gi baka kumulo na naman ang dugo. Maikli lang ang pasensya ko. Hindi ko din alam kung paano kontrolin ang aking sarili.

"Sammy." Tinanguan ko lang si Ure at umakyat sa ikalawang palapag ng hideout.

Inayos ko ang mga naiwan kong gamit dito. Ayaw ko lang nang pakalat-kalat ang mga gamit ko sa kung saan. Baka akalain nilang burara ako.

"Athena huh? Athena my ass!" Walang sabi-sabing sinipa ko ang pinto dahilan na kumalabog ito ng malakas.
Naramdam ako ng galit nang maalala ko naman yung sinabi sa'kin ni Greek kahapon.

At paano nila nasisikmurang gumamit ng pangalan nang ibang tao? At ang pinakamalala pangalan pa ng kapatid ko.

"Sammy, anong nangyari?" Napatingin ito sa pinto na tumagilid na dahil sa pagsipa ko.

"Warm up."

The Gangsters (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu