CHAPTER 11

24 9 0
                                    

"Why did you run?" Tanong ni Wave na nakasunod pa rin sa'kin.

Hinanap ko nang aking mata yung taong nakita ko kanina.

"Wala ka bang nakita?"  Humarap ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot.

"Anong nakita?"

"Nothing." 

Nagpalinga-linga ako. Hinahanap pa rin ang taong nakita ko kanina.

Ba' t nakapasok sa university ang mga taong yun?

Sa pagkakaalam ko maraming bantay na security ang university na'to. Hindi ka basta-bastang makakapasok pag wala kang pass.

"Let's go." Sabi ni Wave at hinila ako pabalik.

Marami talagang tinatago ang paaralang 'to. Hindi ko pa alam sa ngayon pero sinisigurado kong malalaman ko rin.

"What did you see?"

Kararating lang namin sa hideout. Tanong agad ang bungad sa'min ni Ure.

Nakakunot ang noo kong napatingin kay Ure.

"How did you know?"

"Anong silbi ng mga inimbento ni Roy kung hindi gagamitin di ba?" Nginuso niya ang kwelyo ng uniform na suot ko.

Kaagad ko itong kinapa.

"Ano 'to?" Kinuha ko ang bagay na parang butones  pero hindi yun.

"Camera?" Pinakita sa'kin ni Roy ang laptop niya.

"Konektado lahat ng inimbento ko sa laptop na ito."

Kaya pala nandon ang mukha ko sa laptop niya. Nakaharap pala sa akin ang camera na parang butones.

"Anong nakita mo?"

"Ano bang purpose ng camera'ng 'to?" Tanong ko habang nilalaro sa kamay ko ang maliit na camera.
"Kung anong nakita ko dapat nakita niyo rin?" Nakangising sabi ko sa kanila.

"Kung hindi ka ba naman mala-cheetah kung tumakbo makikita sana namin." Nakasimangot na sabi ni Ure. Nagdadabog pa ito na parang bata.

"Ano nga kasing nakita mo?"

"Hindi pa ako sigurado sa nakita ko."

"Eehhh..."

"Hindi ka pa pala sigurado."

"Pagnasigurado ko na. Sasabihin ko agad sa inyo."

••

"Hello?" Dumating na naman ang magaling na si tanda. Pagkatapos mawawala na naman ito na parang bula.

"May ipapagawa ako sa inyo." Sa tono ng pananalita niya halatang hindi iyon maganda.

"Ano?" Ibinigay niya sa'min ang papel na may nakalagay na "Mathematics class." No way!

"Ano 'to Prof?" Napakamot si Ure ng ulo. Halatang hindi naintindihan ang nakasulat na nasa papel.

"May impormasyon ako sa class na yan. Pero hindi pa ako sigurado. Umattend kayo sa class na yan para makakuha kayo ng inpormasyon kung anong nangyayari sa loob ng klase. Pinipili lamg kasi kung sino ang ipapasok diyan." Pagpapaliwag ni tanda.

"Okay."

"Pwedeng dito na lang ako?" Napatingin naman sa'kin ang lahat. Oh, gosh I hate math.

"Hindi pwede, lahat kayo papasok sa class na yan." Wala na akong nagawa. Si tanda lang talaga ang nagbibigay ng problema.

"Goodluck." Nakangiting sabi nito.

"Prof. Bobo kami sa math paano yan?" Ikaw lang wag mo kaming idamay, Ure. Kahit hindi ko gusto ang math hindi ko naman hinahayaang bumaba ang grade sa subject na yun.

The Gangsters (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora