CHAPTER 27

21 8 0
                                    

Mabilis na nakalabas sina Ure sa hospital. Si Henz, matatawa na lang kayo kung anong ginawa ko sa kanya.

"Anong ginagawa niyan dito?" Tanong ni Ure nang makapasok sa hideout.

"Gusto ko lang makaganti. At isa pa may kutob ako na may alam siya sa mga nakamaskarang yun." Napatingin ako sa pisngi ni Henz may pilat siya sa kanyang kaliwang pisngi. Kung anong matulis na bagay ang dumaplis dito.

"Sabihin mo ikaw ba yung nakalaban ko nong gabing yun?" Ngumiti lang ito.

"Nahulaan mo rin." Isang suntok ang dumapo sa kanyang pisngi.
"At ako rin ang tumulong sayong makawala." Napakunot ang noo ko nang maalala yung araw na dinukot ako may isang lalaking tumulong sa'kin para makatakas.

"Bakit mo ako tinulungan?"

"Gusto ko lang makabawi, Sam."
"Malaki ang kasalanan ko sayo noo."
"A-at gusto kong humingi ng tawad." May luhang tumakas sa kanyang mata.

"Wag niyong kakalagan yan." Mariin na sabi ko at patakbong umakyat sa ikalawang palapag.

Mabilis kong kinuha ang dagger at inihagis ito sa kahoy na nasa aking harapan.

"Kung may nagawa akong kasalanan sayo papatawarin mo ba ako?"

"Depende sa kung anong kasalanan mo."

"Paano kong makakasakit ito sa'yo."

"Papatayin kita." Natawa ako dahil sa paglunok niya ng paulit-ulit.
Siniko ko siya ng mahina.

"Ito naman. Nagbibiro lang ako." Natatawang sabi ko dahil sobrang seryoso nito.

"AAAAHHHHH!" Sigaw ko at patuloy sa pahagis ng dagger hanggang sa mawalan ako ng lakas.

Ang hirap ng magtiwala. Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang aking kamay sa aking bibig. Ayaw kong marinig nila ang hikbi ko.

Ayaw ko ng maging mahina. Nag-uunahan sa pag-agos ang aking luha. Sobrang hirap ng ibalik ang tiwala na matagal ng nasira. Nagtiwala ako kay papa na hindi niya sasaktan si mama pero anong ginawa niya iniwan niya kaming dalawa ni mama, sinaktan niya si mama.

《Ure Pov》

"AAAAHHHHH!" Rinig naming sigaw sa taas. Galit akong napatingin kay Henz na napatingin rin sa ikalawang palapag.

"Bakit ka pa bumalik?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Kung hindi dahil sa'min ni Gi, wala na sana si Sammy ngayon. Nilagay mo sa piligro ang buhay niya. Anong klaseng kaibigan ka?!"
"Sa aming lahat ikaw ang higit na pinagkakatiwalaan ni Sammy pero anong ginawa mo? Ikaw pa mismo ang nagpahamak sa kanya porke't hindi niya masuklian ang pagmamahal na binigay mo sa kanya. Kaya mas ginusto mong mamatay siya!" Tumalikod ako at huminga muna ng malalim.

"Henz, hindi kami tanga para hindi mapansin na may pagtingin ka kay Sammy. Pero hindi ganon ang pagtingin niya sayo hanggang kaibigan ka lang niya na pinagkakatiwalaan niya ng lubos." Si Gi naman ang nagsalita ngayon.

Wala akong maramdaman ng makita namin si Sammy na walang malay puno ng pasa sa gitna ng court. Kahit kami lang dalawa ni Gi nagawa namin siyang isugod sa hospital. Na-commatose siya dahil lakas ng pagkakahampas sa ulo niya. Hindi 0a kami pinayagang ng mama niya na makalapit sa kanya. Kami ang sinisisi dahil sa nangyari kay Sammy.

Akala ko hindi na siya magigising, dahil ilang buwan rin siyang natutulog. Minsan nga pumupuslit pa kami ni Gi sa hospital kapag wala ang mama ni Sammy.

Nagulat kami ng bigla nalang umamba ng suntok si Greek.

"Gago pala ang hinayupak na'to e!" Aambahan pa sana niya ulit ng isa pang suntok ng pigilan siya ni Gi.

"Hindi ako nandito para manggulo."
"Tutulungan ko kayo kong paano mahanap si Athena, ang kapatid ni Sammy." Para akong naestatwa dahil sa sinabi niya.

Kapatid ni Sammy?

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now