CHAPTER 14

19 8 0
                                    

"Sure ba si Prof. T dito?"

"Tumahimik ka na lang." Saway ko sa kanya baka matulad na naman ito ng dati naming pagpuslit sa university na nahuli sila.

'May mga nangyayari talaga sa university na hindi na'tin alam.'

'At yun ang aalamin na'tin.' Tumayo ito sa harapan naming anim.

'Anong gagawin na'tin prof?'

'Pupuslit kayo ng university ngayong gabi.' Nanlumo sina Ure at Gi sa kanilang narinig. Natatakot siguro na mahuli sila ulit.

'Prof, wala na bang ibang paraan. Baka mahuli na naman kami.' Napahinto sa paglalakad si Prof. T at manghang nakatingin kay Ure. Ano namang nakakamangha don?

'Sinubukan niyong pumuslit, hindi ba?' Tumango si Ure bilang sagot kay prof.

Tahimik lang akong nakikinig sa gilid.

'Hena.' Tawag ko sa kanya. Mabilis niyang niligpit ang kanyang gamit na nakalatag sa kanyang kama.

'B-bakit?' Nauutal na sabi niya. Base sa kilos niya parang may hindi tama.

'Ayos ka lang ba?' Lumapit ako sa kanya at inilapat ang aking palad sa kanyang noo.

'Wala ka namang sakit. Ayos ka lang ba?'
Parang wala ito sa sarili. Naagaw ng atensyon ang candy na nasa ibabaw ng mesa niya.

'Pahingi nito.' Sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lang niya itong agawin sa'kin at tumakbo palabas ng kwarto.

Simula non, naninibago na ako kay Hena. Mula sa pag-uugali niya, ibang-iba na siya. Magagalit na lang bigla ng walang dahilan. Halos hindi ko na siya kilala.

"Sammy." Napakurap ako.

"What?"

"You're spacing out."

"Sorry." Ang nakita ko sa kwarto ni Hena at ang bagay na nandito sa harapan ko ngayon at sobrang magkatulad. Malakas ang kutob ko na konektado lahat ng nangyayari ngayon. Kung i-aanalyze mi ng mabuti. Pinadadagdagan ni Dean ang mga gwardiya. Sa gabi malayang nanagalaw ang mga nakamaskara sa univeristy. Mas lalo ko lang nagugustuhan ang misyon na'to.

"Pupuslit kayo ngayong gabi."

"Pwede bukas na lang prof, sa umaga na lang. Matutulog na ako e."

"Hindi tayo makakakilos ng maayos kung ipagpabukas pa na'tin. Maraming mga matang nakabantay sa bawat galaw na'tin. Mas maganda kung ngayon na na'tin gagawin." Natahimik sila saglit dahil sa sinabi ko.

"Sammy has a point. Limitado na lang ang bawat galaw na'tin sa loob ng university." Pag-sang ayon ni Greek sa sinabi ko.

"Be ready." Nakangiti si Prof. T at isa-isa kaming tinitigan.

Huminto ang tingin niya sa'kin at tumango. At alam ko na kung ano ang gusto niyang iparating.

••

"Sana wag ng maulit nangyari dati. Huwag kayong magpapahuli. Aalahanin niyo sana yung sinabi ni Dean sa inyo. Sa susunod na mahuli niya kayo o tayo. He's not letting us go." Sinuot ko ang cap na bigay sa'kin ni prof. Matagal ko na rin itong hindi ginagamit.

"Wag niyong iwawala ang mga gamit na ibinigay ko sa inyo." Nilipat ko ang aking paningin kay Roy.

"Ikaw ng bahala dito." Tumango ito at pumwesto sa gilid. Siya ang magmomonitor sa'ming lima. Sa kanya rin nakasalalay ang lahat.

"Goodluck, guys." Inunahan ko na ang pag-akyat ng pader.

Wala pang mga gwardiya na nakabantay sa paligid. Makakagalaw pa kami ng maayos ng walang sagabal.

"Maghiwahiwalay tayo."
"Ure, Wave. Doon kayo sa kaliwa."

"Gi, Greek. Sa kanan naman kayo." Ani ko sa kanila.

"Ikaw?"

"I can handle myself. Susubukan kong pumuslit sa opisina ni Dean."

"Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Ure.

Ngumisi lang ako sa kanya.

"Siguro."
"Malapit na." Sabi ko at nagtungo sa Dean's office. Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa.

Sinubukan kong macontact si Roy na nasa likod ng pader na nagbabantay sa bawat galaw naming lima.

Tinanggal ko ang maliit na bagay na nasa aking tainga.

"Bakit hindi ito gumagana?"

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now