CHAPTER 21

19 8 0
                                    

Maaga akong pumasok. Himala nga e at naisipan ko pang pumasok ng maaga. Kadalasan kasi patapos na ang first subject nang makarating ako.

"Bestfriend, ang aga na'tin a. Miss na kita sa hideout." Sabi ni Greek ng magkasalubong kami sa hallway. Walang emosyon ko siyang binalingan ng tiningin.

"Pumunta ka na sa classroom niyo, Greek." Sabi ko at nilagpasan siya. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kahit sino. Ako na lang ang magpapatuloy ng misyon, mabuti na rin yun para walang mapahamak sa kanila.

"Sige, bestfriend." Tango lang ang ginawa ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang aking hikbi ang hirap iwasan ang mga kaibigan mo na nakasama mo ng matagal. Kahit ilang araw ko lang silang nakilala, hindi ko itatangging may tiwala ng namumuo.

Gaya ng kwento sa'kin ng matandang nakasalubong ko. Kung malaki mang tao ang nasa likod nito mas gugustuhin ko na lang na mag-isa ako sa misyon.

Pinahid ko ang luha sa aking mata.

Huminga muna ako ng malalim bago tinakbo ang papuntang classroom. Wala pang estudyante ang narito. Ako pa lang mag-isa.

Magkikita kaming anim sa mathematics class, mamaya. At wala akong ediya kung ano man ang mangyayari.
•••

Nasa loob ako ng cubicle, nag-cr muna ako bago dumeritso sa mathematics club.
Hind muna ako lumabas ng marinig kong bumukas ang pinto.

"Mas gusto ka ba kay Wave, Athena?" Kay Gi ang boses na yun sa pagkakaalam ko.

"Bakit?" Marinig ko lang ang boses niya kumukulo na ang dugo ko.

"Kasi pansin ko lang na close na kayo." Narinig ko itong mahinang natawa.

Nagpasyahan ko nang lumabas ng cubicle naghugas muna ako ng kamay at di pinansin ang mga titig nila.

"Sa-." Lumabas na ako ng banyo. Ramdam ko pa ang pagsunod ng titig ng impostora.

Walang pansinan sa classroom at ngayon naman wala paring imikan sa mathematics class. At ang isa sa mga pinakaiinisan ko ay isinali pa nila si Athena dito.

Napailing na lang akong mag-isa.

"Nagbabalik. So, meron na naman akong bagong pasasagutan sa inyo." Nakangiting sabi nito. Ang saya ah.

Isa-isa niyang ibinigay sa'min ang mga test paper. Wala pa siyang sinabi na sagutan na pero nauna na ako.

"Done." Sabi ko at inilapag sa table niya ang test paper.

"Umupo ka muna ulit, hintayin na muna na'tin silang matapos." Irap lang ang sagot.

Kinapa ko ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Prof. T ano naman kayang kailangan niya? Alam niya naman siguro na hindi na ako pumupunta sa hideout.

"Lalabas muna ako." Paalam ko sa babaeng apat ang mata.

•••••
Naiinis na talaga ako sa tandang yun. Pinabyahe pa ako.

"Samantha." Tawag niya agad sa pangalan ko. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa gildi.

"Ano 'to? Bagong hideout?" Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan nito bago humarap sa'kin.

"Probably."
"Alam ko kung anong nangyari sa inyo."
"Samantha, hindi ngayon ang panahon para mag-away kayo. Lalo pa't alam ko na kung saan ang kuta ng mga taong nakamaskara." Literal na napatingin ako sa kanya.

"Saan?"

"Samantha, alam ko ang iniisip mo."
"At hindi kita papayagan." Kahit ano pang sabihin ni tanda hindi niya ako mapipigilan sa gagawin ko.

"Sabihin mo na lang sa'kin prof. T." Lumungkot ang kanyang mga matang napatingin sa'kin.

"Kailangan mo sila, Samantha."

"Hindi ko rin sila kayang mapahamak." Tumango lang si tanda. Alam kong naiintindihan niya ang gusto kong iparating.
••
Umuwi ako sa dorm na tinitirhan ko. Nakaharap ako sa salamin at tiningnan ng maigi ang repleksiyon ko. Naisip ko lang pagkatapos ba ng gabi na'to makikita ko pa ang sarili ko?

Hinubad ko ang aking uniform at sinout ang at isinuot ang itim na fitted sando, black fitted jeans.

Isinout ko rin ang leather jacket na matagal ko na ring hindi sinusuot. At ang boots ko. Inipit ko dito ang apat na dagger dalawa sa kaliwa at dalawa naman sa kanan.

Minessy bun ko ang aking buhok. Handa.

Lumabas kaagad ako sa dorm at kinuha sa garahe ang motor ko.

Hindi ko alam kong makakauwi pa ako dito. Ang gusto ko lang mahanap si Athena.

The Gangsters (Completed)Where stories live. Discover now