1. Mr. Chocolate.

451 30 2
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 1

RAIN'S POV

"Umuulan ba sa labas, Rain?" tanong ni Nicole ng makapasok ako sa classroom namin, napangiti naman ako sa kanya at saka tumango, basang basa na nga ako ng ulan nag tatanong pa, at saka hindi ba niya kita sa labas ng classroom na umuulan, sa bagay ang gilid ng classroom namin ay may malaking pader at sa likod noon ay grade 10 din, nahati kasi ang grade 10 sa campus 1 at 2 at kasalukuyan kaming nasa campus 2 dahil nasa lawer section kami

"Asaan sila?" tanong ko kay Nicole at saka ngumuso sa unahan para ipahiwatig na hinahanap ko yung mga kaklase ko

"Si Jhiro ba?" tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko, hindi naman si Jhiro ang hinahanap ko

"Naku! kung si Jhiro ang hinahanap mo, hindi pa dumadating ang tukmol na yun. teka! hindi ba siya nag text sayo?" tanong niya sa akin kaya umiling ako, kasi wala naman akong natanggap na text kanina sa kanya

"Asaan yung iba nating mga kaklase?" tanong ko sa kanya at saka ako umupo sa upuan na katabi niya

"Ahh sila ba? Nasa canteen sila, may libreng kape kasi doon, may lamay ata... Charot" dugtong niya ng samaan ko siya ng tingin

"Tara!" aya ko sa kanya ng marinig ko na may palibreng kape pala sa canteen

"Saan?" sagot niya na hindi na tumitingin sa akin, busy siya kakatitig sa kanyang cell phone, kinikilig pa ang gaga

"Sa canteen diba may libreng kape doon? gusto ko sanang mainitan yung katawan ko ang lamig kasi sa labas" reklamo ko, pero ang totoo ginusto ko talaga na mag pa ulan, kung tutuusin may payong naman akong dala sa bag ko

"Ikaw na lang" sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin, tutok pa rin siya sa kanyang cell phone, kinikilig pa rin ang gaga

"Bakit? samahan mo na kasi ako" sagot ko sa kanya at saka ngumuso, maawa ka please

"May kaChat pa ako ikaw na lang" sagot niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin

"Sino ba 'yan?" tanong ko sa kanya at saka sinilip pa yung cell phone niya, pero agad din naman niyang nilayo

"Si James Hiro Smith, sa Rp 'to" sagot niya sa akin at saka bahagya pa akong tinulak

"Sige na ikaw na lang, text na lang kita pag nandito na si ma'am, bilisan muna bahala ka baka maubusan ka ng libreng kape" pananaboy at pananakot niya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi lumabas na lamang ako at saka nag tungo sa canteen 6, ang daming canteen no? bukod pa yung canteen sa Senior high at sa college nun may sarili din silang mga Canteen, sa bagay malawak naman ang Raino University sa grade 10 pa lang dalawa na ang canteen,

nag malapit na ako sa canteen 6 naka salubong ko na ang mga kapwa ko studyante na may dalang kape, kaya na pangiti na lang ako, sana'y may kape pa

ng tuluyan akong naka pasok sa canteen 6 lalong lumawak ang ngiti ko dahil may libre pang kape, at ang maganda pa marami pang mga flavor na pag pipilian, pero sa kasamaang palad isang flavor na lang ang natitira ang chocolate flavor kaya naman nawala yung ngiti ko, pero wala akong nagawa at iyun na lang ang kinuha ko since libre lang naman ito kaya wag na akong mag inarte, lalo pang nawala ang ngiti ko ng medyo malamig pa yung chocolate, tinanong ko sa isa sa mga tao doon kung bakit malamig, ang sabi lang niya ay ganun daw talaga maligam gam since chocolate flavor lang naman, nag pasalamat na lang ako sa kanila bago ako umalis

pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng canteen ng may biglang tumapid sa akin dahilan para mahagis ko ang hawak ko at mapaluhod ako sa sahig na rinig ko na lang ang tawanan ng mga studyanteng nakatingin sa akin ngayon, pero agad din namang nawala ang tawanan nila na daig mo na may dumaang Anghel, kaya sinamantala ko ang mga oras na 'yun para silipin kung sino ang tumalapid sa akin, bahagyang napataas ang kilay ko ng makita ko ang tatlong stuyante na silang tumalapid sa akin, isang lalaki na may lipstik sa kanyang mga labi at may makapal din ang make up na hindi nag patalo sa kapal ng make up ng dalawang kasama niyang babae, inirapan lang nila ako ng makita nilang naka tingin ako sa kanila, nawala ang atensyon ko sa kanilang tatlo ng makarinig ako ng mga apak ng mga paa na palapit sa akin, kaya naman dahan dahan ulit akong humarap sa kanya, saktong pag harap ko nasa harapan ko na siya, at dahil sa baba ako naka tingin sapatos lang ang nakita ko, mukhang ang lalaki ito ang kinang ng kanyang sapatos na halatang mamahali, napapikit na lamang ako ito na ba ang simula ng love story ko? katulad ng mga nababasa ko? bububatin niya ako at bubog bugin niya ang mga dahilan ng pag kaka dapa ko? ipag tatanggol niya ako sa mga nambubully at nag aapi sa akin? nawala ako sa aking pag papantasya ng may biglang bumuhos sa aking ulo kaya agad akong napa mulat dahil may kainitan ito ng matapos ang pag buhos sa akin, agad akong nag angat ng tingin para makita kung sino ang may gawa noon sa akin, napa nganga pa ako ng makita ko ang isang gwapong lalaki na kulay brown ang kanyang kulay white na uniform, na amoy ko din na amoy chocolate siya o baka naman ako yun, brown na din kasi ang uniform ko, teka binuhusan ba ako ng lalaking ito? galit akong tumitig sa kanya, kaya naman ngumisi lang siya sa akin

"Bakit mo ako binuhusan?" na nginig ang boses ko sa tanong kung iyun

" 'e bat mo ako tinapunan ng chocolate?" galit niyang tanong sa akin kaya naman hindi ako maka tingin sa kanya, sa kanya pala na buhos ang chocolate na iinomin ko pa lang dapat, kasalanan din naman niya kung iniwasan niya sana edi hindi mababasa ang uniform niya, at saka kailangan pa ba talagang niya talaga akong buhusan? ganti lang ganun? at saka indi naman ako ang may kasalanan ah, kung hindi ako tinalapid edi sana hindi siya mabubuhusan ng chocolate

'1.. 2... 3..' pag bibilang ko sa isip ko sabay tayo tatakbo na sana ako ng agad niya akong hawakan sa kaliwang braso ko kasabay nito ang pag bulong niya sa tainga ko

"remember what i tell you gay, next time we meet again be ready...." saad niya at saka malalim na tumingin sa akin "because I'll eat you" dugtong niya at saka ngumisi sa akin kasabay noon ang pag bitaw niya sa braso ko dahilan para maka takbo ako palabas ng canteen

buwesit na lalaking yun tatakutin ba naman ako ng ganun, at saka ang kapal naman ng mukha niyang buhusan ako? kung may pera lang ako naireklamo ko na siya, alam ko kasi na mayaman ang lalaking iyun kaya hindi ako makapag sumbong o makakapag reklamo sa dean ng paaralang ito, ito ang nakaka asar sa paaralang ito parang legal ang pambubully lalo na sa mga mayayaman

kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang ako sa classroom na ganto ang itsuta ko para na akong basang sisiw

"Oh? eh! ba't ganyan ang itsura mo? kanina basa ka lang ng ulan tas ngayon nabasa ka naman ng chocolate, aba'y Rain Dale Dwayne Land Montecero Rothmoor hindi naman halata na gusto mo sa tubig" salubong sa akin ni Nicole ng naka upo na ako sa upuan na kalapit niya

hindi ko na lang siya pinasin sa halip pinansin ko na lamang ang lalaking nasa kaliwa ko ngumiti ito sa akin kaya naman nginitian ko na lang din siya, tinanggal niya ang headset niya sa tainga at saka nag tanong sa akin

"Ang yare sayo?" nag aalala niyang tanong sa akin ng mapansin ang damit ko na kulay brown

"Wala nadapa lang ako tas sa akin bumuhos yung dala kung chocolate" pag sisinungaling kung sagot

"Hindi ka kasi nag iingat" sermon niya sa akin at saka tumalikod at hilalwat ang kanyang bag

"Oh mag palit ka ng damit, baka mag ka sakit ka nyan" saad niya sa akin na kita sa kanyang mata ang pag alala, kaya agad naman akong tumayo at nag tungo sa palikuran namin dito sa loob ng classroom namin para mag palit ng damit, na agad din naman akong nakapag palit kaya agad din akong bumalik sa upuan ko at bumaling kay Jhiro para makapag pasalamat sa pag papahiram niya sa akin ng damit

"Salamat Jhiro dito sa dami──Shit" saad ko at saka agad na yumakap kay Jhiro ng mapatingin ako sa may pintuan, nakita ko kasi yung lalaki kanina na nabuhusan ko ng chocolate, natakot ako sa banta niya, what if tutuhanin niya yun?

ng mapansin ko na umupo na siya kasama yung dalawa pang lalaki na kasama niya agad akong bumitaw sa pag kakayakap ko sa kanya, ayaw ko pa sana dahil nag eenjoy pa ako sa pag amoy sa mabangong damit niya at sa matigas niyang dibdib kaso narinig ko ang pag peking ubo ni NicoleCharot

bumaling ako kay Jhiro napansin ko ang pag kabigla niya kaya tinapik ko ang balikat niya

"hehehe sorry" nahihiya kung sabi sa kanya, na ikina tango naman niya, napa dako ang tingin ko kay Nicole pansin ko ang pag simangot niya

Ilang saglit pa dumating na ang guro namin para sa unang asignatura sa araw na iyun, pero dahil first day mag iistart na naman sa pag papakilala, lagi naman ganito sampung taon na akong nag aaral puro na lang pag papakilala ang start, 'e yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ang mag pakilala sa unahan dahil sa bukod sa mahaba ang pangalan ko tinatamad pa akong tumayo sa unahan dahil sa hiya

SUNDAN.....

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now