prologue

430 30 1
                                    

RU:2 KMUTR

PROLOGUE

'Basang basa na ako ng ulan. Habang tumatakbo pinalo na naman kasi ako ni tatay kasi daw lalambot lambot daw ako at babakla bakla

Sa pitong taong gulang ko sanay na ako sa palo.

Paano galit na galit sa akin si tatay dahil bakla, salot ako kung nandito sana si mama , edi sana di ako binubugbug ni tatay kasi ipag tatanggol ako nun.

Nasan kana kasi mama bat mo na lang kami nilayasan kami ni dandan at ni tatay.

Bat kasi di nyo kami sinama ng kapatid ko O kahit sya na lang kasi masyado pang bata si dandan.

Sabagay diko naman kayo masisi kung bakit kayo umalis sawa na kayo sa ugali ng butihin kong ama, Ika ko sa aking isip

Huminto ako sa pagtakbo

Gusto ko sanang sumilong kaso gusto kong dampian ng tubig ulan ang mga sugat ko

At para sabayan ang langit sa pag iyak para di rin nila mahalata ng iba na umiiyak ako ayaw ko na maging mahina ako sa paningin nila

Kasabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng aking mga luha

Nakayuko lang akong pinag mamasdan ang pag bagsak ng ulan sa lupa, ulan na nahahaluan ng aking mga luha

Ilang saglit pa ay tulala na akong nakatingin kung saan iniisip kung bakit ako ginaganito ni tatay bakit niya ako sinasaktan ng ganito?

Namalayan ko na lang na tumila na ang ulan.

Tumingin ako sa paligid pero umuulan parin.

Tumingin ako sa taas payong may payong.

Tumingin ako sa likod ko nakita ko ang isang batang lalaki na pinapayungan ako sa tansya ko kasing edad ko lang ito.

"Bakit hindi ka sumisilong?" may pagkairita't awa na tanong nito.

"Gusto ko kasing mag pa ulan at sabayan ang langit sa pag iyak!"  Sagot ko naman

"Bakit mo naman sinasabayan ang langit sa pag iyak?"  nalilitong tanong nito at saka bahagya ulit lumapit sa akin para mag kasya kami sa dala niyang payong

"Simple lang para hindi nila mahalata na umiiyak ako at para na rin hindi nila makita na mahina ako ayaw ko rin na kaawaan ako ng lahat" Malungkot kung saad

"Ahhh!" ika nito na bahagyang tumango

"Bakit nga pala may mga sugat ka?" Tanong nito na nakatingin sa dalawa kung braso na may lamat ng mga sugat

"Ahh ito? nadapa kasi ako kanina" Pag sisinungaling na sagot ko para hindi niya  ako kaawaan at para hindi na sya mag tanong pa

"Bakit ako pag nadadapa hindi ganyan?" Tanong nito sa akin

Bahagya naman akong napailing at saka sinabi ang totoo na pinalo ako ni tatay dahil ayaw ko rin ng lagi akong tinatanong

"Kawawa ka naman!" ika nito sa akin pag katapos kung ikwento sa kanya ang lahat

"Ah ahh Alam ko na ang gagawin ko" biglang sabi nito na ikanagulat ko, binaba niya kasi yung payong dahilan para mabasa kaming pareho, di ko namalayan na nakadikit na pala ang labi niya sa labi ko, napakabilis ng pangyayari

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako at saka muling tinaas ang payong

Ako naman na natiling tulala dahil ngayon lang may nakahalik sa mga labi ko miski si dandan ay hindi ko hinahalikan sa labi, dahil pag hahalikan ko ito ay sa pinge lang O minsan ay sa kanyang braso, yun kasi ang utos ng tatay na wag kung hahalikan ang kapatid ko sa labi dahil daw bakla ako

"Bakla ka?"  wala sa sariling tanong ko

"Bakla ka?"  Gulat na tanong nito

"Oo"  Nahihiya kung sagot, bata pa lang ako alam ko na talagang bakla ako dahil sa pagiging malambot ko nga, bakla ang laging tawag sa akin ni tatay kaya na sanay na rin ako at tinanggap na bakla nga ako

"Bat mo nga pala ako hinalikan? ulit na tanong ko.

"Yun kasi ang ginagawa sa akin ni mommy pag umiiyak ako" Sagot nito sa akin

"Hinahalikan ka ng mommy mo?" Naiinget na tanong ko

"Oo dito oh!" Sagot nito sa akin sabay turo sa dalawa nyang pisnge

"Pero bat sa labi mo ako hinalikan?" Tanong ko

"Wala lang basta boyfriend mo na ako mula ngayon at promise pagmalaki na ko Ipagtatangol kita kong Sino man ang mananakit Sayo!"

Mahabang nitong saad

"Promise?" Tanong ko

"Oo" sagot nito sabay halik sa pisngi ko

Sa totoo lang nakaka rami na talaga ang batang to kanina pang halik ng halik

"Ano pala pangalan mo?" Tanong nito!

"Ahhh Lanlan!" sagot ko dito nickname ko iyun nakuha sa pangalan ko na Rain na ang tagalog ay ulan kaya lanlan may land din ako sa pangalan ko

"Ahhh lanlan katunog ng ulan" sabi nito naikinatango ko

"Ahhh sige na baby ko una na ko!" Paalam nito

Aalis na sana ito ng bigla ulit itong bumalik may hinubad ito sa kanyang katawan

Isa itong singsing at kuwintas sinunot niya yung singsing sa kwintas na medyo malaki sa kanya, napaka yaman siguro ng batang kaharap ko

"Iyo na yan! Isout ko yung singsing sa kwintas para di mawala pag malaki na tayo hahanapin ko yan sayo!" Sagot nito at saka humalik ulit sa labi ko

Nakaka rami na talaga ang batang ito

At dahil tulala ako hindi ko na naramdaman ang pag sugod nito sa ulan, iniwan niya yung payong nya na sa halip na gamitin niya ay binigay niya sa akin

Nawala sya sa paningin ko na hindi ko man lang nalaman o natanong ang kanyang pangalan

Napatingin ako sa binigay niyang singsing at kwintas tulad ng utos niya nilagay ko yung singsing sa kwintas

Napatako ako sa pendant na naka lagay sa kanyang kwintas talawang letra lang ito R.j

Bangit ko sa dalawang letra na naka lagay sa kanyang kwintas

Agad ko itong tinago sa aking short para di makita ni tatay baka kasi kuhain nito at isangla pang bili ng kanyang alak o ipang sugal

A/n: matagal na 'to pero hindi ko pa rin natatapos, actually ito yung unang story ko na aking sinulat, mas na una pa ito sa MBFH at MBH. Kaya alam nyo na kung jeje 'yung dalawang story na tapos na mas jeje ito.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now