24

139 21 2
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 24

RAIN 'S POV

Kasalukuyan ako ngayong nag lalakad papunta sa classroom, pina una na kasi ako ni Richard dahil may nakalimutan daw siya sa loob ng kotse niya.

Ayaw ko man ay pumayag na lang din ako.

"Rain" tawag sa akin nang kung sino sa likuran ko, agad naman akong humarap dito si Tristan pala

"Tristan" saad ko sa kanya, ng makalapit siya sa akin ay inakbayan niya ako

"Good morning" bati niya sa akin sabay ngiti, umiwas ako ng tingin sa kanya, na iilang ako sa kanya ng malaman ko na hindi talaga siya bakla, nag papanggap lamang siya para daw maiwasan ang pag lapit at pag paparamdam ng mga babae sa kanya, naiintindihan ko naman siya hindi ko naman maitatanging may itsura siya

"Good morning, si Laila?" balik na bati ko sa kanya

"Nasa classroom na" sagot niya sa akin hindi niya pa rin tinatanggal ang pag kaka akbay sa akin

Saglit siyang tumingin sa kanyang relo sabay tingin sa akin

"Maaga pa, tara kape muna?" aya niya sa akin, tatanggi pa sana ako ng muli siyang nag salita

"Sige na, hindi ako naka pag almusal sa bahay e, samahan muna 'ko" naka puot niya saad sa akin

"Sige" sagot ko na lang sa kanya, minsan lang naman mag aya ang taong ito at saka tinuturi ko na itong kaibigan

Nag iba kami nang deriksyon, sabi niya sa akin ay sa labas daw kami mag kakape may alam daw siyang coffee shop na masarap mag timpla, hindi na ako tumangi libre naman niya.

Palabas na kami ng madaanan namin ang parking lot, nilibot ko ang aking paningin baka kasi makasalubong namin si Richard para maaya ko rin ito mas kampante kasi ako kapag kasama ko siya

Saglit akong nag paalam kay Tristan

"Ahm, Tristan! may naka limutan ako sa kotse, puntahan ko lang" pag sisinungaling ko sa kanya, ang totoo e gusto kung puntahan si Richard gusto ko siyang tingnan kung andun pa rin siya, gusto ko siyang isama.

"Samahan na kita" alok niya sa akin, na agad ko naman tinanggihan

nginitian ko lang siya nang maka alis na ako sa puwesto niya, tinungo ko ang daan papunta sa kotse ni Richard, ilang hakbang na lang ako sa kotse niya ay makakalapit na ako, napangiti ako ng makita ko siya pero agad ding nag laho 'yun ng makita ko na may kasama siya, si Skyline

Hindi lamang sila basta mag kasama, nag hahalikan pa sila, parang tinusok ang puso ko, unti unti kung naramdaman ang pag tulo ng luha ko sa aking pisnge. Ang sakit.

Unti unti kung inatras ang aking sarili palayo sa lugar na 'yun, hindi pa naman ako tuluyang nakaka layo ng mabunggo ang aking likod sa kotseng naka parada dahilan para tumunog ito, nakatingin pa rin ako sa pwesto nilang dalawa, nakita ko kung paano napabitaw si Richard sa kanilang pag hahalikan, sabay tulak sa taong kahalikan niya. Sabay tingin sa akin nag tama ang aming mga mata

Pansin ko ang kaba at lungkot sa kanyang mukha ng makita ako, ilang saglit lang ay napalitan ito nang isang matamis na ngiti, umiling ako sabay talikod, narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin bago ko narinig ang pag tawag ni Skyline sa pangalan niya, wala akong naramdaman na presinsya niya sa likod ko, akala ko ay hahabulin niya ako, bakit pa nga ba ako umasa? sino ba naman ako, e ako lang naman ang nililigawan niya ng mahigit tatlong linggo na, payak akong napangiti ng mapakla ng malala ko ang mga ginawa niyang panliligaw sa akin, naisip ko kung totoo ba ang lahat ng iyon?

Noong una alam ko sa sarili ko na totoo at malinis ang intensyon niya sa akin dahil sa mga magulang ko mismo siya nag sabi, pero ngayon sa nakita ko, hindi ko na alam, napa pikit ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Naramdaman ko ang pag bagsak ng ulan, na naging dahilan para mas lalo akong napa iyak, pakiramdam ko ay nag iisa lamang ako sa gitna ng daan.

I stay alone under the Rain hoping and waiting to get relieved of my pains

Natigilan ako ng may biglang yumugyog sa akin, dahilan para mapamulat ako, doon ko nakita si Richard, na nag alalang naka tingin sa akin. Hahawakan niya sana ako ng bigla akong umiwas at saka ko siya sinampal sa kanyang mukha, gulat naman siyang napatingin sa akin, nilibot ko ang aking sarili nasa loob pa rin ako ng kotse ni Richard, hindi rin ako basa, napa isip ako pananginip lang ba ang lahat ng 'yun?

"Ano bang nag yayare sayo?" tanong niya sa akin, bakas ang pag aalala sa kanyang mukha, lumapit siya sa akin at saka niya pinunasan ang aking luha sa pisnge ko

Dahilan para lalong mag labasan ang mga luha ko, agad naman niya akong niyakap

"Kung ano man 'yang masamang napanaginipan mo, promise ko sayo hinding hindi mag yayari 'yun okay?" saad niya sa akin sabay halik sa noo ko

unti unti na rin akong tumahan sa aking pag iyak. tinanong naman niya sa akin kung ano daw ba ang napanaginipan ko.

Kaya naman wala na akong nagawa pa at kinuwento ko na sa kanya ang lahat, pag katapos kung maikwento sa kanya ang lahat narinig ko ang mahinang pag tawa niya dahilan para mapalo ko siya sa kanyang braso.

"Masyado ka kasing nag o-overthing e, 'yan tuloy kung ano ano napapanaginipan mo, listen okay? Ako at si Skyline ay Mag pinsan, anak siya ng kapatid ni Mama, pinsan namin siya nang kaibigan mong si Nicole" paliwanag niya sa akin, at doon ko na alala na minsan ko ng nakita sila Nicole at Skyline na mag kasama

"Nicole Velasco, Skyline Velasco, Richard Velasco Julbertson" saad ko sa aking isipan

mag ka apilyedo nga sila, bakit hindi ko nga ba iyun na isip siguro tama nga si Richard masyado lang talaga akong nag overthink

"At saka hindi ako mag luluko sayo okay? Kung gusto mo papakasalan kita ngayon din para maipakita sayo na seryoso ako sayo" saad pa niya sa akin, natigilan ako

"Wala akong ibang minahal ikaw lang talaga mula pa noon" saad niya sa akin, ilang saglit lang ay kumalas siya sa pag kaka yakap sa akin. May kinuha siya sa kanyang bulsa, nagulat ako ng makita ko ito. Isa itong kwentas, 'yung kwentas ni Rj

Ngumiti siya sa akin, at saka niya ito sinout sa aking leeg

"Natutuwa ako at iningatan mo ang kwentas na ito, galing pa ito kay Mommy" saad niya sa akin, natigilan ako hindi ko alam kung anong aking gagawin at sasabihin

"Hindi ko alam kung bakit pa kita nililigawan..." saad niya sa akin dahil para mag taka ako at tingnan ko siya ng masama

"Bakit pa nga ba kita nililigawan hindi ba't tayo na naman noon pa?" saad niya sa akin

"Pero liligawan pa rin kita, araw araw kitang liligawan kahit na tayo na" dagdag pa niya

"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya sa akin, ng mapansin ang pagiging tahimik ko

"Nanaginip pa rin ba ako?" tanong ko sa kanya para muli kung marinig ang mahina niyang pag tawa

umuling siya bago muling mag salita

"Totoo na 'to, hindi ka nanaginip totoo itong nararamdaman ko sayo, totoong ako si Rj, totoong ako ang batang nag bigay sayo noon ng kwintas" saad niya sa akin

"Paanong naging ikaw?" tanong ko sa kanya, gusto kung pagalitan ang aking sarili sa pagiging tanga ko sa aking tanong

"Hindi mo ba naisip RJ, Richard Julbertson" saad niya sa akin, pilit na ipinapaliwanag ang isang bagay

"Pinagawa pa 'yan ni mom noong nasa sinasapupunan pa lang niya ako, kaya naman napagalitan ako nang hindi niya iyang makita na sout ko nun, sinabi ko lamang sa kanya na ang kwintas na iyan ay nasa taong aking papakasalan pag laki ko, kaya naman natutuwa ako at iningatan mo ito para sa akin" sagot niya sa akin, napatango na lamang ako, lutang na lutang ang aking isip dahil sa masamang panaginip, tapos dumagdag pa na si Rj at Richard ay iisa.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon