KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]Chapter 29
RAIN' S POV
Ilang linggo ang lumipas simula ng may nag yari muli sa amin ni Richard, noong una ay natatakot talaga ako na baka matulad ako sa iba na kapag nakuha na ng lalaki ang gusto ay bigla na lang iiwan ang kapareha, swerte ko na lang at hindi ganun si Richard, minsan ko na ring natanong ang bagay na 'yun kay Richard natatandaan ko pa nga na inaway ko pa siya ng araw na 'yun. sinabi ko sa kanya kung bakit hindi nya pa ako iniiiwan tutal ay nakuha na niya ang gusto niya sa akin, natawa lamang siya sa akin noon sa tanong ko, at saka niya sinabi sa akin na wag ko daw siyang igaya sa iba, medyo napahiya tuloy ako pansin ko rin kasi ang lungkot niya sa kanyang pag tawa, sinabi pa niya sa akin na hindi na naman daw kami mga bata kaya wag daw akong mag alala at hindi daw niya ako iiwan at hindi siya mag luluko
"Rain?" biglang tawag sa akin ng kung sino, kaya naman agad kung nilingon kung sino ito si Tristian pala
bahagya akong ngumiti sa kanya at saka ko siya binati "hi" saad ko ng makalapit siya sa may puwesto ko
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at saka umupo sa upuan na aking inuupuan
"Nag papahangin lang" sagot ko sa kanya at saka ako tumingin sa paligid, kasalukuyan akong naka upo dito sa isa sa mga upuan dito sa may Rooftop ng grade 12
tumango siya sa akin at saka siya tumingin sa paligid
"Malapit na ang time, wala ka naman sigurong balak mag cutting class no?" tanong niya sa akin na mabilis ko namang ikinailing
"Wala no" saad ko sa kanyang natatawa
"So tara na?" aya niya sa akin at saka siya mabilis na tumayo mula sa pag kaka upo at saka niya nilahad ang kamay niya para makatayo ako mula sa pag kaka upo ko, agad ko namang pina unlakan ang kanyang pag aanyaya dahil mabilis kong inabot ang kanyang kamay
"So, kumusta kayo ni Richard" biglang tanong niya sa akin, natigilan naman ako sa naging katanungan niya sa akin pero ilang saglit lang ay bahagya akong tumawa
"Ito strong pa rin" natatawa kong saad sa kanya na ikinangiti niya
"Good 'yan" sagot na lamang niya sa akin, baba na kami mula sa hagdan sakto naman na nakasalubong namin si Richard
Ngumiti ito sa akin ilang saglit lang ay napatingin siya sa kamay namin ni Tristian na ngayon pala ay mag kahawak pa rin, hindi ko man lang kasi namalayan dahil na aliw ako sa aming pag kukuwentuhan, handa na sana akong mag paliwanag kay Richard ng makita ko na ngumiti siya sa akin hudyat na okay lamang
"Kanina pa kita hinahanap, akala ko ay napa ano ka na" saad niya sa akin na medyo may pag alala sa kanyang boses, agad ko namang binitawan ang kamay ni Tristian at saka ko hinakbang ang aking paa pababa sa hagdan para mag kalapit kami
"Nag pahangin lamang ako dito sa Rooftop" nakangiting saad ko sa kanya na ginantihan niya rin naman ng isang magandang ngiti
"Pre!" saad niya kay Tristian sabay tapik sa balikat nito
"salamat sa pag sama sa Girlfriend ko" saad niya kay Tristian na medyo ikinapula ng pisnge ko, girlfriend kasi ang tawag niya sa akin, girlfriend niya rin ako kung tratohin, medyo napayuko rin ako kasi hindi ko alam kung sarcastic ba 'yun pero hindi naman ganun ang pag kakasabi ni Richard
BINABASA MO ANG
KISS ME UNDER THE RAIN × On-Hold
RomanceBata pa lamang si Richard at Rain nang silang dalawa'y nag kakilala sa gitna ng ulan, bata pa lamang sila ngunit natuto na agad silang mag mahal. Pinangako ni Richard sa kanyang sarili na kung pag tatagpuin sila muli ng tadhana ni Rain ay hindi na n...