20: Kiss Me Under The Rain

172 23 2
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 20

RAIN 'S POV

"Richard" saad ko sa kanila nang makalapit na silang dalawa sa gawi namin ni Jhiro

Naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Jhiro, pero hindi ko na lamang pinansin iyun.

"Ahm, Rain si Skyline pala. Skyline si Rain kaibigan ko" pag papakilala sa akin ni Richard ngumiti ako ng ngumiti sa akin ang babae

"Hi" bati nito sa akin, at saka niya inabot sa akin ang kanyang kamay

"Hello" balik na bati ko dito at saka ko inabot ang kamay niya, tinanggal ko pa nga ang pag kaka akbay ni Jhiro sa akin

ng bawiin na niya ang kamay niya ay napatingin siya sa gawi ni Jhiro na walang imik.

"Si Jhiro nga pala ka--" hindi ko na natapos ang pag papakilala ko kay Jhiro ng sumingit ito sa pag sasalita ko

"I'm Jhiro, boyfriend ni Rain" saad niya at saka niya ako muling inakbayan, mag sasalita na sana ako pero muli na namang sumingit si Jhiro

"Una na kami ng Boyfriend ko" saad niya sa dalawa, diniinan pa niya ang salitang boyfriend

Ng makalayo na kaming dalawa sa pwesto ng dalawa ay dalian kung pinikot sa tainga ang aking kapatid

"Ikaw talaga." gigil na saad ko sa kanya na ikinatawa na lamang niya

ng makapasok kami sa classroom, may ilang tumingin sa amin, siguro dahil napansin nila nitong mga naka raang araw na hindi naming pag papansinan ni Jhiro.

Napatingin ako sa gawi ni Nicole, kung saan doon nag tungo si Jhiro, nag paalam naman ito sa akin, ako naman ay nag tungo sa aking upuan na kung saan napag gigitnaan ako nila Tristan at Laila at sa likod ko naman ay ang upuan nila Richard at ang mga kaibigan nito na sa Josh at Xander.

Ilang minuto ang lumipas pumasok na din si Richard kasama si Skyline, base sa mga narinig ko sa mga kaklase ko ay transfer daw ito galing sa ibang school dito rin sa pilipinas

Umupo si Richard sa upuan niya which is sa may likuran ko habang si Skyline naman ay umupo sa unahang upuan.

"Psst" tawag sa akin ni Richard, kinuhit pa ako nito, binalingan ko siya ng tingin

"Bakit?" tanong ko sa kanya at saka ako muling tumingin sa harapan ko, hindi ko alam pero nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Mag boyfriend na ba talaga kayo nun?" tanong niya sa akin. Hindi 'ko alam pero na pangiti ako, hindi ko man kasi siya kita pero alam kung naka nguso siya, hindi ko tuloy maimagine kung ano ang itsura niya

Napa iling ako, minsan hindi ko talaga maintindihan si Richard, may pag ka - childish siya minsan, minsan naman ay seryoso at matured kung mag isip

"Hoyy, ano?" muling tanong niya sa akin, humarap ako muli sa kanya at saka ako nag salita

"Chismoso" pigil na ngiting saad ko sa kanya at saka ako muling bumaling sa harapan sakto naman ang pag dating ng aming guro. Ni congrats pa nga ako nito sa pag ka first runner up ko sa natapos na pagent kaya naman nakigaya na rin 'yung iba kung kaklase, nag pasalamat naman ako sa kanila

Mahigit apat ang oras ang lumipas, sa wakas ay natapos na ang aming klase, kasalukuyan akong ngayong naka sakay sa kotse ni Richard, dapat  kay Jhiro ako sasabay ngunit itong epal na lalaking 'to, hinila ba naman ako papunta sa kotse niya

Kaya naman hanggang ngayon ay naka kunot pa rin ang aking noo, at hindi ko siya iniimikan

Nag papasalamat naman ako at hindi rin  siya nag salita, tanging sa daan lamang ako naka tingin, alam kung hindi ito ang daan patungo sa may amin, pero hindi na ako kumontra pa alam ko rin naman kasi kung saan kami pupunta sa tabing dagat, kung saan kami naging mag kaibigan

Nang maka rating kami sa tabing dagat tinabi niya lang ang kanyang kotse malapit sa puno ng  talisay, at saka siya bumaba at pinag buksan ako ng pintuan.

Walang imik imik akong bumaba sa kotse niya at saka ako sumunod kung saan siya pupunta.

Tahimik akong umupo sa katabing upuan na inupuan niya, hindi pa rin niya ako iniimikan, naka tingin lamang siya sa dagat na tahimik na umaalon

Bumuntong hininga ako, umiral na naman kasi ang pagiging isip bata nitong kasama ko, hindi ko siya minsan maintindihan,

"Bakit tayo  nandito?" hindi ko alam kung gaano ako kaengot sa tanong ko, hindi ko na kasi matiis ang katahimikan, ayaw ko ring tumagal na walang imik, babaho pa ang hininga ko at matutuyuan ako ng laway

"Nothing, gusto ko lang ng kasama" saad niya sa akin, kasalukuyan siya ngayong namumulot ng mga bato para ihagis sa dagat

mas lumapit pa ako sa pwesto niya, at saka ako muling nag salita

"May problema ka?" pag kakuwan ay tanong ko sa kanya, agad naman siyang tumingin sa akin, bakas sa kanyang mata ang lungkot ramdam ko din na may dinadala siyang problema

narinig ko naman ang malalim na pag buntong hininga niya bago siya nag iwas ng tingin sa akin.

"Uuwi si mom" tugon niya sa tanong ko, muli akong tumingin sa kanya, bakit parang malungkot pa siya, hindi ba siya masaya sa pag dating ng mommy niya.

"Oh, bakit parang problemado ka, hindi ka ba masaya?" tanong ko sa kanya

muli siyang tumingin sa akin at saka siya muling umiling

"Hindi" diretsong sagot niya sa akin

hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para pa gaanin ang kanyang nararamdaman

Kaya naman inakbay ko na lamang siya, para ipakita sa kanya na andito ako na kaibigan niya na handang makinig sa kanya

Ilang minuto din kami sa ganung pwesto ng biglang hinarap niya ako sa kanya at saka niya ako niyakap, nagulat naman ako sa kanyang ginawa pero hinyaan ko na lamang siya.

Ilang segundo lamang ang lumipas siya namang biglaang pag bagsak ng ulan, nagulat pa nga ako sa biglang pag batak nito, tatayo na sana ako ng biglang hinigpitan ni Richard ang pag yakap niya sa akin, kaya saglit akong natigilan, ng maka bawi ako tumingala na lamang ako at saka ko pinikit ang aking mga mata, bata pa lamang ako gustong gusto na talaga ang ulan, muli ko na namang tuloy na alala si Rj, kumusta kaya siya, natatandaan pa kaya niya ako, kilala pa kaya niya ako, na wala ako sa aking pag iisip ng maramdam ko ang pag lapat ng isang malambot na bagay sa aking labi, kaya naman mabilis kung minulat ang aking mata, at doon ko nakita ang naka pikit na nga mata ni Richard, dahil sa gulat ay natigilan ako hanggang sa  naramdaman ko ang banayad na pag hawak sa aking ulo ni Richard, dahilan para hindi ko lalong ma alis ang aking labi sa labi niya, napa pikit ako same senaryo, gantong ganto kami ng batang si Rj noon, hinalikan niya ako sa ilalim ng ulan,

Pag mulat ng aking mata nakita ko ang pag tubig ng pisnge ni Richard hindi ko alam kung tubig ulan ba ito o luha.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now