KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]Chapter 18
RAIN' S POV
"Mag kapatid tayo" paulit ulit kung naririnig kahit na naka higa na ako ngayon sa aking kama
Hindi ko alam sa aking sarili kung paano pa ako naka uwi dito sa bahay, nablako ang utak ko mula nang marinig ko ang sinabi ni Jhiro.
Alam ko sa simula pa lang ay may dahilan siya kung bakit niya ako iniiwasan pero hindi ko inaasahan ang naging dahilan niya, tinanong ko rin sa kanya kung bakit iniiwasan din ako ni Nicole, pero walang sinabi si Jhiro tungkol dito, ang sinabi nya lang sa akin ay "She have a reason" alam kung may dahilan din ang kaibigan kung iyun kung bakit din siya biglang umiwas sa akin, pero sana naman ay wala itong kaugnayan sa pag amin ni Jhiro na mag kapatid kami, mag kapatid kami sa ama.
pilit kung ipinikit ang aking mga mata, pilit na ngumiti, kahit andyan na si Jhiro hindi bilang kaibigan kundi bilang kapatid, kailangan ko pa rin hanapin 'yung kapatid kung si Daniel.
Kinabukasan, nagising ako sa ingay na nag mumula sa labas ng aking kwarto, sila moma Rodela pala at ang mga kaibigan nito
Muntikan ko ng makalimutan ang araw na ito, ito na nga pala ang araw kung saan gaganapin ang pagent sa schoolTulad pa rin kahapon, muli akong tinulungan ng mga kaibigan ni Moma Rodela at ni moma
Sila muli ang bahala sa aking susuotin, hindi ko na nga alam kung paano pa ako makakapag pasalamat sa kanila, si moma na ang laging nandyan para sa akin ng nawala ang aking kapatid
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakalwan. Ito na, nandito na ako kailangan kung palakasin ang aking loob
Halos sumabay sa sigawan ng mga tao ang lakas ng pag pintig ng aking puso dahil sa kaba
Nandito na kami sa likod ng stage kakagaling lang namin halos sa kanya kanyang classroom kung saan kami inayusan, ng pinasilip nga ako ni moma Rodela sa Salamin halos hindi ko na makilala ang aking sarili
Muli isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo
Narinig ko na kasi 'yung emcee na pinapapila na kami katulad nung sa pre- pagent na ginanap sa stage ng College
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao ng paunti unti na kaming rumarampa, walo kaming lahat at pang apat ako
Dahil sa Production number
lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Kaya naman muling naki sabay ang aking puso sa sigawan na daig mo pang may mga dagaTahimik naman akong nag pasalamat sa nasa itaas ng matapos akong rumampa, dahil hindi ako nadapa o natapilok, iyun kasi ang isa sa mga kinakatakutan ko, kasi isang malaking kahihiyaan iyun
Isang simple pag papakilala lamang ang ginawa ko ng rumampa na kami upang mag pa kilala
Ng tumunog ang music ay nag handa na kaming walo para sumayaw, buti na lang at kabisado ko ang mga step. Dahan dahan kaming sumasayaw habang dahan dahan din naming tinatanggal ang aming mga maskara. Lahat kami ay naka maskara, hindi ko nga alam kung bakit pa kailangan na naka maskara pa
Natigilan ako ng marinig ko ang mga bulungan pa ukol kay Kint na hindi daw nito tinanggal ang maskara, pero pinang sa bahala ko na lamang 'yun
"Baka naman natatakot na matalo kaya di tinanggal, sa bagay kinuha na lang sa ganda ng katawan!"
BINABASA MO ANG
KISS ME UNDER THE RAIN × On-Hold
RomanceBata pa lamang si Richard at Rain nang silang dalawa'y nag kakilala sa gitna ng ulan, bata pa lamang sila ngunit natuto na agad silang mag mahal. Pinangako ni Richard sa kanyang sarili na kung pag tatagpuin sila muli ng tadhana ni Rain ay hindi na n...