26 [SPG]

192 26 13
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 26

Warning: Matured Content // SPG : Bed Scene

RAIN 'S POV

Ilang araw ang lumipas, ganun pa rin ang pag mamahal na pinaparamdam sa akin ni Richard, napa sweet niya minsan ay napaka clincé naman, ganun pala mag mahal ang isang Richard.

Muli akong napatingin sa aking salamin, sinuri kung mabuti ang aking mukha, ngayong araw kasi ay muli kaming mag da-date ni Richard susunduin niya na lamang daw ako dito

Isang tingin pa ang ginawi ko sa salamin bago ko kunin ang cell phone ko, umupo ako sa aking kama para tingnan kung nag text na ba si Richard, isang ngiti ang pinakalwan ko ng makita kung may text ito sa akin agad ko naman itong binasa

"Labas ka na sa kuwarto mo, andito na ako" basa ko sa text niya, agad naman akong napabalikwas at saka ako lumabas, agad ko naman itong nakita na naka upo at nakikipag kwentohan kay mama

"Andito ka na pala" puna ni mama ng mapansin ako, agad namang ngumiti si Richard sa akin.

"Kanina ka pa inaantay nyan" dagdag pa ni mama sabay turo kay Richard na ngayon ay palapit na sa akin

Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang hinawakan ang aking kamay at saka ako hinalikan sa pisnge

"let's go" aya niya sa akin ngumiti naman ako sa kanya at saka ngumiti

"Aalis na po kami Nay" paalam ni Richard kay mama ngumiti lang naman ako kay mama at saka nag b-bye

"Ingat kayo sa Date nyo" nakangising saad ni mama, nakakaluko ang kanyang ngisi wari mo'y inaasar kami.

"Sige po ma" saad ko sa kanya bago kami tuluyang lumabas ng bahay ni Richard

"Saan tayo?" tanong ko sa kanya ng makalabas kami kasalukuyan niya na akong pinag bubuksan ng pintuan ng kanyang kotse

"Basta ako ng bahala" sagot niya sa akin bago niya saraduhan ang pintuan at saka siya umikot para umupo sa Driver set.

Habang nasa biyahe kami ay nag kwekwentohan naman kami ni Richard mga random na kwento at tanong

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa isang mamahaling restaurant.

Muli niya akong pinag buksan ng pintuan ng kanyang kotse at inalalayan pa niya akong bumaba, may mga ilan ngang mga tao ang naka tingin sa amin, kaya naman bigla akong nahiya habang ito namang lalaking ito parang walang pake sa mga tao.

Inaya niya akong pumasok sa loob, pilit na ngiti na lamang ang binigay ko sa kanya

"What do you want?" tanong niya sa akin habang naka tingin siya sa menu

Kinuha ko naman ang isang menu para masagot ko ang tanong niya, napakagat ako sa aking labi dahil hindi talaga biro ang preso ng mga pag kain dito, ang isang simpleng pag kain o ulam ay nag kakahalaga na agad na dalawang libo. Napa iling na lamang ako napakamahal na talaga ng mga bilihin, ang gasolina nga ay nag mahal na rin, ikaw kaya kailan mamahalin

"Hey" nawala ako sa aking pag iisip ng muli kung marinig ang boses ni Richard

"Ahm, ito na lang" saad ko sa kanya sabay sabi nang gusto ko, tumango naman ito sabay baling sa waiter

Ilang saglit lang ay dumating na rin ang order namin, nahiya nga ako dahil naka tingin sa akin ang waiter na nag serve sa amin nag pag kain buti na lamang at agad itong pina alis ni Richard.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now