25

163 20 15
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 25

RAIN 'S POV

Dalawang araw ang lumipas, simula ng araw na mapanaginipan ko ang masamang panaginip na iyun

Siguro ay tama nga si Richard, masyado akong nag iisip ng kung ano ano

Lagi ko kasing natatanong sa aking sarili na What if na biglang mag bago ang nararamdaman ni Richard para sa akin, paano na ako?

"Oyy!" tawag sa akin ng kalapit ko umakbay pa siya sa akin

"Lalim ng iniisip mo ah" saad pa niya sa akin, saglit akong tumingin sa kanya pag ka kuwan ay muli akong tumingin sa tubig, kasalukuyan kasi kami ngayong nasa tabig ilog, nag kaayaan kasi kaya naman nandito kami halos lahat

"Ahm! Kuya.. anong masasabi mo kay Richard? Ahm i mean okay ba siya sayo para sa akin?" bigla kung na itanong kay kuya Jhiro

tumingin siya sa akin. "Siya ba ang iniisip mo?" tanong niya sa akin dahilan para mapatango ako, saglit siyang tumingin sa gawi ni Richard na kasalukuyang nakikipag siyahan kila Daddy

"Para sa akin, hindi kayo bagay" saad niya sa akin, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit naman?" naka pout kung tanong sa kanya.

"Kasi ang panget mo para sa kanya" saad niya sa akin, at saka siya malakas na tumawa dahilan para mapatingin sa amin sila tita at mama.

"Seryoso kasi" saad ko sa kanya, pag katapos ko siyang paluin sa kanyang braso

tinigil niya ang kanyang pag tawa ng mapansin na seryoso ako at hindi nakikipag biruan.

"Okay naman siya" saad niya sa akin

tumingin ako sa kanya, " 'yun lang?" tanong ko, parang wala na kasi siyang gustong idagdag sa kanyang sasabihin.

"Alam ko at ramdam ko naman na seryoso siya sayo, 'yan 'yung nakikita ko, alam kung nag aalanganin ka sa nararamdaman mo, pero gusto kung sabihin sayo na ako ang bahala kay Richard kapag sinaktan ka niya" saad niya sa akin at saka niya ako niyakap

"May balak ka na bang sagutin siya?" tanong niya sa sakin, napa isip ako, kailangan ko pa bang sagutin si Richard, hindi ba't siya na rin ang nag sabi na kami na naman daw, naguguluhan ako

"Hindi ko alam." naisagot ko na lamang sa kanya.

"May nararamdaman ka naman ba para kay Richard?" tanong niya sa akin ng mag kalas kami sa aming pag kaka yakap.

natigilan ako muli akong napa tingin kay Richard sakto naman na napa tingin din siya sa akin, pinakiramdaman ko ang aking sarili, biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Meron" sagot ko kay kuya Jhiro habang naka tingin kay Richard

"yun naman pala e" huli kung narinig kay kuya Jhiro bago siya tumayo at iwan ako dito sa may batong naka upo.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pag lapit sa akin ni Richard, umupo siya sa tabi ko

"Hindi ka ba mag lalangoy?" tanong niya sa akin.

"ah eh, mamaya" kinakabahan kung saad sa kanya, hindi ko alam kung bakit ako bigla kinabahan.

Hindi ko narinig ang sagot ni Richard naramdaman ko na lamang na binuhat niya ako mula sa aking pag kaka upo at saka niya ako nilusong sa tubig, kasunod nun ang sigawan ng mga magulang namin

"Richard" mahinang tawag ko sa kanyang pangalan dahil sa hiya

"Bakit?" tanong niya sa akin, pakiramdam ko ay nag taasan ang mga balahibo ko dahil sa paraan niya ng kanyang pag sasalita.

"Ahm-Ahhhh" likyaw ko ng sabay kaming lumoblob ni Richard sa tubig, ilang saglit lamang ay mabilis na kumilos si Richard dahilan para mag lapit ang aming mga labi.

Halos marinig ko ang kalabog ng aking dibdib, mag kadikit pa rin ang aming mga labi nang lumitaw kami sa tubig dahilan para mas lalong lumakas ang likyawan ng mga magulang namin, para lamang silang mga dalaga at binata

"Rain" tawag niya sa pangalan ko ng matanggal ang mga labi namin

"Richard" balik na tawag ko sa kanyang pangalan

"Will you be my Gayfriend?" tanong niya sa akin, sigurado ako na hindi lamang ako ang naka rinig nun, hindi lamang kaming dalawa ang naka rinig nun kundi rin ang mga taong naka palibot sa amin, may kalakasan din kasi ang boses niya

napa isip ako sa tanong niya, handa na nga ba ang sa gantong relasyon? napa pikit ako bago wala sa sariling lumabas sa aking bibig ang salitang naging dahilan para tumigil ang likyawan ng mga magulang namin.

"Yes!" sagot ko kay Richard, saglit na katahimikan hanggang biglang lumakas ang likyaw ng mga magulang namin nanguna ang boses ni Tita at ang mommy ni Richard.

pansin ko rin na natigilan si Richard kaya naman agad kung nilapit ang aking labi sa labi niya, ilang saglit lang naman ay naramdaman ko ang kamay niya sa may bandang batok ko, at naramdaman ko ang pag ganti niya sa halik ko, mahal na mahal ko ang lalaking ito, mahal ko siya hindi dahil siya si Rj mahal ko siya sapagkat 'yun ang nararamdaman ko.

"I love you, Rain" saad niya sa akin bago kami muling lumoblob sa tubig

___

"Kakain na" narinig kung saad ni mama agad naman akong lumapit sa may lamesa, kasalukuyan kami lang ngayong dalawa ni mama dito sa amin, umuwi na kasi Richard ganun din sila Daddy at Tita

"Kumusta naman ang buhay may karelasyon?" biglang tanong ni mama nag akmang kukuha na ako ng kanin, agad namang namula ang pisnge ko dahil sa tanong sa akin ni mama

"Ma" sagot ko na lang kay mama na nahihiya, inaasar pa ako ni mama pero noong nag simula na kaming kumain ay tinigilan na naman ako ni mama

Ako na ang nag kusang nag hugas ng plato, dahil si mama rin naman ang nag luto, kahit na bumabawi sa akin si mama ay hindi naman pwedeng siya lamang ang gagawa nang gawaing bahay dito, mama ko siya at hindi katulong.

Nang matapos akong mag hugas nag tungo ako sa aking kwarto narinig ko kasi ang pag tunog ng aking cell phone kaya naman dalian akong pumasok at saka kinuha ang cell phone

"Hi" bati ko sa kabilang linya habang tinitingnan kung sino ang Caller, si Richard pala.

"Baby" narinig kung pag tawag niya sa kabing linya, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako

"Have you eaten yet?" tanong niya sa akin

"Oum, kakatapos lang! Ikaw ba?" balik na tanong ko sa kanya at saka ako huminga sa aking kama habang naka lagay pa rin ang aking cell phone malapit sa aking tainga

"Kakain pa lang baby" narinig kung saad niya sa kabilang linya, napatingin ako sa aking cell phone para tingnan ang oras 10:24 pm na, bakit ngayon lamang kakain ang lalaking ito.

"Bakit ngayon ka lang kakain baby" tanong ko sa kabilang linya napa kagat pa nga ako sa aking labi nang tawagin ko siyang baby, ilang segundo ring hindi sumagot si Richard sa kabilang linya, pero narinig ko na parang may binubulong siya hindi ko lang alam kung ano ito.

"Naka tulong ako baby e" narinig ko namang sagot niya sa kabilang linya

"Sige, kumain ka muna baby" saad ko sa kanya para taposin ang tawag, hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang baby,  parang ang jeje kasi pero ayaw ko naman na mag tampo siya.

"Sige" narinig kung sagot niya bago niya patayin ang tawag, napangiti  na lang ako pag katapos nun.

Nang mawala na siya sa kabilang linya agad kung kinuha ang unan ko at nilagay sa aking mukha, kinikilig ako

A/N: puro kajeje-an 'tong si Richard at Rain ah sarap sapukin.

Bahala kayong dalawa hindi ko talaga kayo bibigyan ng happy ending.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now