16. Represintative

147 21 0
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 16

RAIN'S POV

Araw ng lunes, maaga akong nagising, kaya naman nagawa ko ang mga bagay na nakasanayan kung gawin dati.

isasara ko na sana ang pintuan ng bahay, para maka punta na ako sa school ng may biglang tumawag sa pangalan ko

"Rain" biglang tawag ng kung sino kaya naman agad ko itong nilingon, nagulat pa ako ng makilala ko kung sino ito, si Richard. nakasilip ang ulo niya sa may kotse niya

"Papasok ka na?" panimulang tanong niya, tumango na lamang ako sa tanong niya saka ko muling binalingan ang ginagawa kung pag sasarado sa pintuan, pag kakuwan ay pinag patuloy ko ang pag sasarado dito

"Sabay ka na" aya niya sa akin, kaya naman tumango ako sa kanya, saka ako nag lakad palapit sa kotse niya, nagulat pa ako ng bumaba pa ito ng kanyang kotse para lamang pag buksan ako

"Salamat" ika ko sa kanya ng maka upo na ako sa kotse niya, hindi naman siya sumagot sa pag papasalamat ko sa halip, hinawakan niya lamang ang manibela ng kotse niya at saka inikot ang kotse niya, para maka punta kami sa school

Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng kotse niya, paminsan minsan ay nag tatanong siya para hindi mapanis ang laway niya na akin din namang sinasagot

"Salamat" pag papasalamat ko ng makababa ako sa kotse niya kasalukuyan kami ngayong nasa parking lot ng Raino University.

"Welcome" sagot niya sa akin, baba na rin sana siya ng kotse niya nang biglang tumunog ang cell phone niya hudyat na may tumatawag sa kanya

nangunot naman ang kanyang noo, at saka siya tumingin sa akin

"Sige, mauna kana" pag kakuwan ay ika niya sa akin bago niya sinagot ang sino mang tumawag sa kanya.

tumango na lamang ako sa kanya bago ko siya talikuran, nagulat pa ako ng pag talikod ko, ang nabungaran ko ay ang naka tingin na si Jhiro

nang mapansin niyang naka tingin din siya sa akin ay agad siyang tumalikod, huminga ako ng malalim, hindi ko na kaya 'to, ako na mag f-first move para lamang maka usap siya

patakbo akong sumunod sa direksyon kung saan siya papunta, nag medyo malapit na ako sa kanya at ng masigurado kung maririnig na niya ang boses ko, huminto ako sa aking pag takbo at saka ko tinawag ang pangalan niya

"Jhiro" tawag ko sa pangalan niya, hindi man siya lumingon sa gawi ko, pero huminto ito sa kanyang pag lalakad, ilang sigundo lang ang lumipas muli itong nag lakad, handa na sana ulit akong tumakbo, ng may biglang tumawag sa pangalan ko

"Mr. Rothmoor" ika ng isang babae sa likuran ko, kaya naman agad akong napatingin sa likuran ko, na gulat pa ako ng makita kung si Ma'am Alteza pala ito ang Mapeh Teacher namin at ang Adviser ko.

"Po?" sagot ko sa kanya, ngumiti naman ito sa akin bago siya muling sumunod

"Sumunod ka sa akin sa Faculty" nagulat ako sa sinabi ni ma'am, biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib, may nagawa ba akong masama? bubuka pa lamang sana ang aking bibig para mag tanong kung bakit, pero ng mapansin kung naka talikod na ito sa akin wala na akong nagawa at sumunod na lamang ako sa kanya papunta sa Faculty, sana lamang ay hindi kami umabot sa Guidance, sana ay may iutos lamang sa akin si ma'am, sana nga

pag bukas ko ng pintuan ng faculty, malamig na pakiramdam agad ang naramdaman ko dahil sa Aircon, nagulat ako ng makita ko kung sino ang mga nandito, mga katulad ko na nasa ikatlong kasarian, ang iba sa kanila ay mas mapula pa ang labi kesa sa mga guro

pina upo naman kami ng isa sa mga gurong nandito, alanganin man ay naki upo na rin ako

Sinabi din nito sa amin na mag antay lang daw kami ng ilang sandali at may ilan pa daw na inaantay para ipaliwanag kung bakit kami nandito, para daw isang paliwanagan na

Napayuko na lamang ako, ang ibang studyante na nandito ay nag iingay kaya naman paminsan minsan ay nasisita sila

Napatingala ako ng may biglang bumatok sa akin, bagamat mahina lang iyun ay nasaktan pa rin ako

natigilan ako ng makilala ko kung sino itong kaharap ko, si Lloyd yung bakla kung kaklase na tumalapid sa akin sa canteen

may gusto sana siyang sabihin sa akin ng biglang may ilan pang mga katulad namin ang pumasok

Inutusan kami ng isang guro na pumunta na lamang daw kami sa table ng aming mga guro, sapagkat hindi halos mag ka intindihan dahil maingay 'yung iba, medyo marami din kami, 16 kami lahat

Sinunod nga namin ang utos sa amin, nag tungo kami sa table ng adviser namin, katabi ko si Lloyd since mag kaklase nga kami kaharap namin si ma'am

"Bakit po ba kami andito?" may pag kaarte ika ni Lloyd, kahit ba ganun pinasalamatan ko naman siya sa aking isip, sapagkat siya na ang nag tanong, ayaw ko rin kasing mag salita lalo na't iniisip ko pa rin si Jhiro

"Mag kakaroon kasi nang isang pagent sa school natin, at ang bawat section kailangan na merong dalawang Represintative, at kayong dalawa ang Represintative ng Section natin which is section B2" paliwanag sa amin ni ma'am Alteza, tila naman nag liwanag ang mukha ng kalapit ko na si Lloyd, halata sa mukha niya ang pag kagusto sa nabangit ni ma'am na pagent

Na kabaligtaran naman ng sa akin, ayaw ko ng mga pagent hindi ako katulad ng iba na gustong gusto ang mga pagent

"Ma'am hindi po-" hindi ko na natapos ang balak kung sanang sabihin nag biglang nag salita si ma'am Alteza

"Bawal nag tumanggi Mr. Rothmoor" saad niya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya, wala pa akong sinasabi eh alam na niya.

pansin ko naman ang pag irap ng katabi ko.

Pag katapos kaming maka usap pinapunta kami lahat sa stage para mag sanay sa pag lalakad, hindi na nga sana ako sasama kung hindi lang sinabi nang isang teacher na isang beses lang daw 'yung praktis, at sa susunod na mga araw daw ay kami na lang ang mag pra- praktis ng amin sa bahay, nakaka inis nga e

Ilan beses akong napagalitan dahil minsan mali ang aking lakad, kaya naman napapatayuko na lang ako, iba rin kasi kapag hindi bukal sa loob mo

Matapos ang tagpung iyun agad akong dumiretso sa Room, at doon ko na abutan ang mga kaklase ko na nag eexam

Kukuha na sana ako nang test paper, nag biglang pumasok si Ma'am Alteza, at sinabi sa akin na exempted na daw ako sa Exam

Napaisip naman ako kung bakit, agad akong napatango ng malala na siguro ay gawa ito sa Binibining Ikatlong Lahi , 'yung sinasabi ni ma'am na pagent na kung saan kami ni Lloyd ang represintative.

Nag lakad na lamang ako papunta sa upuan ko, pansin ko naman na bakante ang upuan kung saan naka upo si Richard tanging mga kaibigan lamang nito ang nandito na sila Xander at Josh , nasaan ang taong iyun? Nag cutting class ba siya, hindi ba't sabay lamang kaming pumasok

Gusto ko sanang tanongin ang mga kaibigan niya pero hindi ko na sila inabala pa sapagkat busy pa rin silang dalawa sa pag sasagot sa kanilang exam

Na isip ko rin na baka tapos na itong kumuha ng exam

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now