KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]Chapter 21
Richard 's PovHindi ko alam kung ano 'yung nararamdaman ko ngayon, nag halo halo ang emosyon ko. Nag hahalo ang lungkot 't saya.
Lungkot dahil pauwi na si mom, pakiramdam ko makukulong na naman ako, magiging sunod sunoran, saya, saya na kay Rain ko lang naramdaman.
Napa buntong hininga ako, ramdam na ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang malambot na labi ni Rain, pamilyar sa akin ang labing ganun, napa pikit ako at saka ko muling inalala ang tagpu namin ni Rain kung saan, hinalikan ko siya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla, pero tanggap ko naman ang mga katulad nila. Tinanggap ko ang mga kagaya nila simula pa noong bata ako, dahil sa batang 'yun.
"Ano pre, lasing ka na?" tanong sa akin ni Xander dahilan para mapabalik ako sa westo, dinilit ko ang aking mata at saka ako tumingin sa kanya at umiling
"Tara shot pa, ienjoy mo na ang sandaling ito" dagdag pa niya bago niya ako iwan para makilahok sa alon ng mga taong nag sasayawan
Muli akong kumuha ng bote ng alak, at nag salin sa aking baso, minsan lamang kaming pumunta sa ganitong bar ng mga kaibigan ko, kadalasan na nag iinum kami ay sa mga bahay lang namin.
Pero dahil nalaman nila na uuwi na si mom, inaya nila akong mag enjoy.
Napatingin ako sa aking harapan ng may biglang may lumapit sa aking babae, kulang na lamang ay mag hubad siya
"Lonely?" tanong niya sa akin, umiling ako at saka ako muling uminom ng alak
"Maica" saad niya sa 'kin sabay abot ng kanyang kamay
Hindi ko naman ito pinansin, wala akong time para makipag kilala sa mga babae, wala akong time para sa mga babaeng katulad niya
ng mapansin niyang hindi ako interesado sa kanya ay siya na ang kusang umalis, narinig ko pa ang pag singhap niya
"Pre, ano akala ko ba mag eenjoy tayo? Tara" biglang lumapit sa akin si Josh at saka ako hinila papunta sa stage kung saan maraming taong nag sasayawan
dahil sa tama ng alak ay nag patangay na lamang ako at nakisayaw sa alon ng mga tao
___
nagising ako dahil sa malakas na katok na nag mumula sa pintuan ng aking kwarto, halata mo na galit ang taong 'yun.
Hindi ko na sana 'yun papansinin kaso nasundan pa ng tatlo pang sunod sunod na malakas na katok, kaya pikit mata akong bumangon sa kama ko at saka pinag buksan ang sinumang taong kumakatok
Parang nawala ang antok ko ng pag bukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang isang malakas na sampal, ganun ba ang taong 'yun bumati ng good morning
Agad akong napatingin kung sino ang taong sumampal sa akin
Si mom
"Mom" saad ko sa kanya, at saka ako humalik sa pisnge niya
"Kailan pa ho kayo?" tanong ko sa kanya
"Kagabi" saad niya sa akin kaya naman natigilan ako
pansin ko ang masamang tingin sa akin ni mom, kasabay ng pag silay ng ngiti sa kanyang labi
"Anong kalukuhan na naman ang ginawa mo ng wala ako dito?" tanong niya sa akin at saka niya ginala ang paningin sa loob ng kuwarto ko
napayuko naman ako, subrang kalat kasi ng kuwarto ko, hindi ko na kasi ito pina palinis sa mga katulong sabi ko ay ako na lamang ang mag lilinis na hindi ko rin naman nagagawa
"Kailan daw po ang uwi ni Dad?" pag iiba ko ng usapan sa kanya
"Next week ay susunod na rin siya dito, kaya ayusin mo ang sarili mo" sagot niya sa tanong ko at saka niya ako tinalikuran
Napa buntong hininga ako, medyo sanay na ako sa ganyang ugali ng magulang ko.
Pag katalikod ni mom agad kung sinaraduhan ang aking kwarto at saka ako nag tungo sa aking banyo para ayusin ang aking sarili, mabilisan ko lamang yun ginawa, ng sa tingin ko ay maayos na ko saka ko na pag pasiyahan na bumaba
dumiretso ako sa Dining Area kung saan na abutan ko si Mom na naka upo at inaantay ako. ng maka upo ako ay kumuha lamang ako ng kunti
Tahimik lamang kami ni mom na kumakain tanging tunog lamang ng kutsara at ingay na nag mumula sa celing pan ang maririnig
"Next school year susunod ka sa amin ng daddy mo sa Canada" natigilan ako sa aking pag kain at saka ako tumingin kay mom.
"But --?" tatangi pa sana ako ng muli itong mag salita
"No buts chard, final na ang desisyon namin ng daddy mo, para naman matutukan ka namin, at saka hindi mo na siya makikita, wag ka ng umasa, binigyan ka na namin ng time ng dad mo na hanapin siya pero hanggang ngayon wala pa rin?" saad niya sa akin at saka niya muling pinag patuloy ang kanyang pag kain, natigilan ako, nahanap ko na siya mom
"Kaya ko naman ho ang sarili ko, na kaya ko nga ho noon, ngayon pa ho kaya?" saad ko dahilan para matigilan siya sa kanyang pag kain, umiling ito at at saka siya tumayo
"At saka nahanap ko na ho siya" dagdag ko pa dahilan para matigilan si mom sa kanyang pag lalakad
"Kausapin mo ang Daddy mo" huling sinabi niya bago niya ako muling talikuran. Napangiti ako
mahigpit man sila sa akin, pero alam kung pinapakinggan pa rin nila kung ano ang gusto ko
RAIN' s Pov
Isang linggo ang lumipas mula ng mag yari ang tagpung iyun sa amin ni Richard halos gabi gabi akong hindi makatulong pag muli kung naalala iyun, meron sa akin na kinikilig parang may mga paroparo sa aking tiyan, parang paro paro G lang?
"Rain" tawag sa akin ni kuya Jhiro, kuya ang tawag ko sa kanya dahil yun ang kagustohan ni Dad Lander, daddy na rin ang tawag ko dito
Lumingon ako kay Jhiro na ngayon ay bihis na bihis na
"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin, napa buntong hininga ako
"Hindi ko alam" tugon ko sa kanya
Lumapit naman siya sa akin at saka niya ako inakbayan
"Kaya mo yan" pagpapalakas niya sa aking loob
Ngayon ang araw na pupuntahan namin si Nanay
Nag patulong ako kay Daddy Lander na mahanap si Nanay at si Daniel
"Yah" naisa tinig ko na lamang, bago ako sumunod sa kanya palabas ng bahay, kasalukuyan pa rin akong sa bahay pa rin naka tira
"Good morning" bati sa akin ni Daddy
"Good morning po" sagot ko sa kanya at saka ako sumunod sa kanya palabas ng bahay
Ng makalabas kami nag tungo naman kami sa may kotse ni dad na kung saan andun na si kuya Jhiro na nag aantay sa amin
tahimik lamang kaming tatlo sa boung biyahe hanggang sa marating namin ang isang kilalang restaurant, sa loob nun nag aantay si Nanay
Napangiti ako, taon din ng huli kung makita si Nanay, na miss ko siya, kaya na merong kunting tampo sa akin puso
Hinawakan ni Jhiro ang kamay ko habang nag lalakad kami papasok sa restaurant
Nasa bandang unahan namin si Dad, pinag buksan pa niya kami ng pinto
bigla akong kinabahan, napangiti ako ng makita ko ang isang babae kung hindi ako nag kakamali si Nanay 'yun, may kasama siyang isang lalaki, natigilan ako dahil sa taong kasama niya, kasama niya si
Richard? Bakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/283648624-288-k6590.jpg)
YOU ARE READING
KISS ME UNDER THE RAIN × On-Hold
RomanceBata pa lamang si Richard at Rain nang silang dalawa'y nag kakilala sa gitna ng ulan, bata pa lamang sila ngunit natuto na agad silang mag mahal. Pinangako ni Richard sa kanyang sarili na kung pag tatagpuin sila muli ng tadhana ni Rain ay hindi na n...