23

129 20 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 23

RAIN 'S POV

Lumipas ang mga araw, tulad nga ng sinabi ni Richard niligawan niya ako, araw araw niyang pinaparamdam sa akin na mahal niya ako at importante ako sa kanya, natatakot nga ako pag minsan baka kasi masanay ako

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa bahay, bahay na dati kung tinitirahan, ilang araw na rin kami dito ni mama, dito kasi ni mama na pag desisyonan na dito na kami tumuloy, gusto nga ni Richard na sa bahay na lang daw nila kami ni mama since doon na rin naman halos nakatira si mama, kaso hindi ako pumayag, ganun din si kuya Jhiro at Daddy

Kasalukyan kami ngayon ni mama na nag lilinis ng bahay, nag palit ng ilang mga kurtina, at nag labas ng mga bagay na hindi na ginagamit.

Patuloy pa rin naman ang pag hahanap sa kapatid kung si Daniel, patuloy namin siyang hinahanap at patuloy na pinag dadasal na sana ay matagpuan na namin.

"Rain" tawag ni mama mula sa loob ng kwarto ko, nandito kasi ako sa sala nag dadakot ng mga basurang kakatapos ko lang ding walisan

Dalian naman akong tumugon sa pag tawag ni mama sa akin "bakit po?" tugon ko kay mama, at saka ko iniwan ang ginagawa ko para mag punta sa gawi ni mama

pag pasok ko sa loob ng aking kuwarto nabutan ko si mama na hawak ang isang kahon na medyo may kalumaan na, akin ang kahon na iyun, matagal na rin noong huli ko itong nahawakan

"Ginagamit mo pa ba ito?" tanong niya sa akin sabay turo sa kahon na hawak niya, dahan dahan niyang nilabas ang laman ng kahon, mga notebook ang laman nun medjo may kalumaan na, sira na rin dahil sa mga langgam. notebook ko iyun noong grades school, sa halip kasi na itapon ko ang mga notebook ko ay iniipon ko ito, naniniwala kasi ako na balang araw ay magagamit ko rin ang mga ito.

"Hindi na po magagamit ang iba" saad ko dahil 'yung iba ay punit punit na.

"Ano 'to?" muli akong napa tingin sa gawi ni mama dahil sa sinabi niya doon ko nakita na may hawak siyang kahon ng cell phone, napa pikit ako pilit na inalala kung ano ba ang nilagay ko doon.

kinalog pa ni mama ang kahon na iyun, parang naging interesado siya ng malaman niyang may laman ito

Agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang isang papel na pabilog.

hinawakan niya ang papel at saka ito muling binaba ng sa tingin niya ay basura din ito. Ngunit ng maibaba niya ito ay lumabas ang isang silver na kuwintas.

Napatingin siya doon, at saka ito kinuha nagulat ako na ang kwintas na ito ay 'yung kwintas ni Rj na ibinigay niya sa akin. Halata mo na tunay ito sapagkat hindi man lang ito nangitim o na ngalawang

Saglit na natahimik si mama ng makita ang kuwintas at saka tumingin sa akin, saglit lamang iyun dahil muli niyang binalingan ng tingin ang papel at saka ito binuklat at binasa, kaya naman dalian akong tumayo at nakibasa kung anong naka sulat sa papel, bigla akong nag sisi kung bakit binasa ko pa ito, napa kagat ako sa aking labi at napa sabi sa isip na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa.

Paano ba naman nakaka hiya ang naka sulat doon

Dear baby Rj ko.

Hindi pa rin ako maka move on sayo paulit ulit pa rin kitang na aalala, alam kung bata pa lamang tayo noon ng sabihin mo na boyfriend na kita. Hinalikan mo pa nga ako sa aking labi at tinawag akong baby, kaya baby na rin ang tawag ko sayo :) sana mag kita muli tayo at sana maipag patuloy natin ang ating kwento

Ang baby lanlan mo :>

Napapikit ako at saka ko inalala kung kailan ko ba sinulat ang bagay na ito at doon ko na alala na sinulat ko ito noong grade 6 bago ako mag moving up

napatingin ako kay mama na namumula ang mukha meron sa akin ang nahihiya dahil sa sulat na iyun

inabot niya sa akin ang kwentas

"Na sayo lang pala ang kwentas na 'yan" saad niya sa akin at saka ginulo ang aking buhok

"Po?" tanong ko kay mama

"Wala, ang sabi ko kako mag hahain na ako ng maka kain na tayo, mamaya na lang natin ipag patuloy ang ating pag llilinis" sagot niya sa akin na ikinatango ko na lang

nang umalis na si mana sa puwesto niya at nag tungo siya sa kusina para mag handa ng tanghalian namin ay agad kung kinuha ang  papel na may lamang sulat at mabilisang sinilid sa aking bulsa ganun na rin yung kwintas, pag katapos nun ay lumabas na rin ako sa aking kuwarto para sundan si mama sa kusina para tulungan ito

___


Kasalukuyan kami ngayong nag hahain ni mama ng may biglang kumatok sa pintuan, agad naman akong inutusan ni mama na pag buksan ko daw kung sino man ang kumakatok

agad ko naman itong sinunod, agad akong umalis sa pwesto ko at saka nag tungo sa pintuan para pag buksan ang tao mang iyun

narinig ko pa ang muli niyang pag katok ilang saglit lang ay nasa tapat na ako ng pintuan mabilis ko naman itong binuksan at doon tumambad sa aking paningin ang lalaking malawak ang ngiti sa akin

"Good morning" bati sa akin ni Richard sabay abot sa akin ng bulaklak na hawak niya

"Good morning, pasok ka" bati ko rin sa kanya, at saka ko mas nilakihan ang bukas ng pintuan

Agad naman siyang pumasok at saka ko siya inanyayaan na dumeretso sa kusina at sabayan kami ni mama na mag almusal hindi naman niya tinanggihan ang paanyaya ko dahil sabi ni ay na miss din daw niya ang luto ni mama

Nagulat pa nga si mama ng pumasok si Richard sa kusina, hindi niya siguro inaasahan ang pag bisita ni Richard

"Good morning po Nay" bati ni Richard sabay halik sa pisnge ni mama

"Good morning din 'nak, saktong sakto sumabay ka na sa amin" saad ni mama kay Richard na ikinatango ni Richard.

Pinag hila pa ako ng upuan ni Richard na malapit sa kanya para doon ako maupo, nilagyan pa nga niya ang pinggan ko ng pag kain, tatanggi pa sana ako kaso hindi na ako nakipag talo pa sa kanya, kita ko naman na masaya siya sa kanyang ginagawa sana ay hindi lang sa simula ganto si Richard sana ay hanggang sa huli.

Matapos kaming kumain, sinabi ko kay mama na ako na ang mag huhugas ng aming mga pinag kainan, pumayag naman siya dahil may tatapusin pa raw siyang gawain.

Nandito kami ngayon ni Richard sa may lababo sabi niya ay tutulongan daw niya ako ayaw ko nga sanang pumayag kaso pinanganak na talagang matigas ang ulo ang lalaking ito.

heto siya ngayon nag lalandi ng mga bula, pinapalobo pa niya ang mga ito, may pag kaisip bata rin pala ang lalaking ito.

Minsan ay pinapahiran pa niya ako ng bola, na minsan ay ikina kaasar ko. Kaya tutol ako sa pag tulong niya sa akin e.

Nag babanlaw na ako ng mga mga pinggan ng bigla kung naramdaman ang pag yakap niya sa akin mula sa likuran ko, pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko

Saglit akong natigil ilang saglit lang ay muli kung pinag patuloy ang aking pag babanlaw, muntikan ko na ngang mabasag yung isang baso dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko

Mas dumoble pa 'yun ng may binulong siya sa akin, pakiramdam ko tumayo ang  balahibo ko sa aking leeg

"I love you" bulong niya sa akin sabay nakaw ng halik sa pisnge ko

na estapwa ako. "Mag aantay ako, baby ko" saad pa niya saka niya ako hirap sa kanya, baby?

ng mahiharap niya ako ay hinalikan niya ako sa aking noo

"I love you so much" mahina pa niyang dagdag.

A/N: kung ganto ba naman tuwing mag huhugas ako. Tiyak na sisipagin ako, kukunin ko mga hugasin sa inyo basta bigyan nyo ko ng yayakap sa akin habang nag huhugas.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon