12. Nakita

155 24 0
                                    

KMUTR - 12

RAIN

Pagkatapos ng tagpung iyun, pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap sa mga kaklase ko, nakaka hiya kainis talagang Richard na 'yun

Lalo niya lamang dinadagdagan ang galit ko sa kanya

Are you okay?” tanong sa akin ni Tristan, nilingon ko siya at saka ako tumango para ipahiwatig na okay lamang ako

Nagugutom ka na ba?” dagdag na tanong pa nito, kasalukuyan kasing break time namin ngayon, kaya halos kukunti na lamang ang nandito, maging si Richard at mga kaibigan nito ay wala na dito sa classroom pati na rin sila Jhiro at Nicole,  umiling ako sa tanong niya, sa katunayan ay busog pa ako, kumain kasi ako kanina bago ako umalis sa bahay

Okaysagot na lamang niya sa akin ng mahalata niya ata na wala ako sa mood makipag usap

Pag katapos ng tagpung iyun inubob ko  na lamang ang sarili ko sa lamesa ko, hindi ko talaga maiwasang hindi mag isip, sana naman ayos lamang ang kapatid ko, sana maisip ng tatay -tatayan ko na anak niya pa rin iyun

Napa angat ang aking ulo ng may biglang humawak sa balikat ko, kasabay nun ang pag lapag ng kung anong bagay sa may lamesa ko, bahagya kung tiningnan kung ano ‘yun at doon ko nakita na pagkain pala ang bagay na iyun.

agad kong binalingan ang taong naka kapit sa balikat ko, nagulat ako ng makilala ko kung sino ang taong iyun, si Richard. boung akala ko ay si Tristan ito sapagkat siya lang naman ang katabi ko, bigla naman akong napatingin sa dako kung saan naka upo si Tristan doon ko lamang nakita na wala na pala ito sa upo niya.

umupo si Richard sa upuang malapit sa akin

“na pansin ko kasi kanina na hindi ka nag recess kaya binilhan kita” saad niya sa akin.

hindi ako sumagot sa sinabi niya, pansin ko na may gusto pa siyang sabihin pero hindi na lang niya sinabi sa halip tumayo na lamang siya at iniwan ako

napabuntong hininga na lamang ako at saka ako napatingin sa inilapag niyang pag kain sa may lamesa. ilalagay ko na sana ito sa may upuan niya ng biglang kumalam ang sikmura ko, kaya sa huli ay binaba ko na lamang ang pride ko at kinalimutan muna ang atraso sa akin ni Richard, alam kung walang alam si Richard sa pag kuha ng ama amahan ko sa kapatid ko pero hindi ko maiwasan na sisihin siya.

kinain ko ang pag kain na ibinigay niya, kumalam kasi ang sikmura ko at saka naisip ko na kung ibabalik ko ito sa kanya, baka naman itapon niya lamang ito sa basurahan, sayang naman kung ganun

nag medyo malapit na akong matapos kumain, isang subo na lang. sakto naman ang muling pag pasok ni Richard, napatingin siya sa akin pag katapos nun dumako ang tingin niya sa kinakain ko, kasabay ng pag silay ng ngiti sa labi niya.

hindi ko na lamang siya pinansin sa halip sinubo ko na lamang ang huling subo ko.

pag katapos nun tumayo na ‘ko at tinapon sa basurahan ang mga basura ko.

aminin ko man o hindi nabusog ako at nasarapan sa kinain ko, hindi ko tuloy hindi maiwasang hindi mapangiti

lumipas ang oras, tapos na ang mag hapong klase ko. kasalukuyan akong nag lalakad ngayon pauwi ng may biglang humintong sasakyan sa may gilid ko

kasabay ng pagtingin ko sa kotse ang siyang pag baba ng salamin nito

“Sakay na” aya niya sa akin, hindi ako sumagot sa tanong niya sa halip nag lakad ako ng mas lalo pa akong lumapit sa kotse niya, pagkatapos nun binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at saka  ako sumakay, nagulat naman siya sa ginawa ko, alam kung hindi niya inaasahan ang pag sakay ko sa kanyang kotse, maging ako rin naman sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ako sumakay sa kotse ni Richard.

pag katapos niyang maka bawi mula sa pag kaka gulat. Agad niyang muling pina andar ang kotse niya

dahil siguro ay nabibingi na siya sa katahimikan, kaya naman pinatunog niya ang radio sa kotse niya

dahilan para mawala ang katahimikan, tumingin ako sa labas para pag masdan ang magandang tanawin

“Hi?” panimulang bati niya sa akin, siguro ay natutuyo na ang laway niya sa bibig dahil wala siyang kausap

“Are you okay?” iyan na naman siya sa tanong na iyan, ilang beses ko na iyang narinig kanina sa kanilang dalawa ni Kristan

“Nararamdaman ko kasi na, hindi ka okay, alam ko hindi naging maganda ang una nating pag kikita pero pwede kang mag share sa akin” dagdag na saad niya, hindi ako sumagot nanatili pa rin akong tahimik habang nakatingin lang sa labas.

pero sa bandang huli hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti, siguro ay nakikita ko lamang sa kanyang si Jhiro, bigla na naman tuloy nawala ang ngiti ko dahil sa pag sagi sa aking isipan ng pangalan ni Jhiro. I miss him, miss na miss ko na silang dalawa ni Nicole, gusto ko silang kausapin pero hindi ko magawa sapagkat sa tuwing lumalapit ako sa kanila, silang dalawa naman ang lalayo sa akin, kaya naman sa huli napag pasyahan ko na lamang na hayaan na lang muna sila, hahayaan ko na lamang sila na sila ang lumapit sa akin, na sila ang kusang kumausap sa akin.

“pero okay lang naman kung hindi ka mag share, na iintindihan ko naman—”

“Paki-liko” natatarandang saad ko sa kanya saka ko ituro kung saan dapat lumiko

natataranda naman niyang sinunod ang sinabi ko

"Bakit ba?” agad na tanong niya sa akin ng makabawi sa pag sigaw ko

hindi ako sumagot sa tanong niya sa halip binuksan ko ‘yung bintana ng kotse niya at saka ko nilabas ‘yung ulo ko, hindi ako maaring mag kamali sa nakita ko

“hoy teka! Rain, wag mong ilabas yung ulo mo” saway niya sa akin, bahagya pa niya akong hinila gamit ang kanyang kanang kamay.

agad naman akong napabalik sa pag kaka upo ko, ilang segundo lang bigla na lamang bumagsak ang mga luha ko.

“okay ka lang? ano? sino ba ‘yun?” naguguluhang tanong niya sa akin at saka niya bahagyang tinigil ang sasakyan niya sa isang tabi

wala naman siyang nakuhang sagot mula sa akin tanging pag hagulgul ko lamang ang aking nagawa

bigla akong napatigil ng bigla niya akong  niyakap, at saka niya ginulo ang buhok ko

ng medyo tumahan na ako, saka niya muling pinaandar yung kotse niya, ako naman ay tumanaw na lang ulit sa labas ng kotse

hindi ako pwedeng mag kamali, ang tatay tatayan ko yung nakita ko sa kotse na yun, pero paano siya nag kakotse at saan niya iyun nakuha?

kasama ba niya doon sa loob ng kotse ‘yung kapatid ko?

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now