RU:2 KMUTR - 9
RAIN 'S POV
Kinabukasan, para akong zombie hanggang sa maka pasok ako sa school, ni hindi ko man lang nagawang kumain kanina at kagabi, mabilis lang akong naligo dahil late na akong na gising kanina, dahil late na rin ako naka tulog, nihindi ko nga alam kung naka tulog pa ba ako kagabi o hindi
"Pasok ka na" saad ni Mrs. Alteza sa akin, kaya naman marahan akong pumasok sa loob ng classroom na wala sa sarili, nihindi ko nga napansin ang naka awag na paa ni Erica na dahilan ng pag kaka dapa ko sa samento
"Tanga" bulong pa ni Lloyd kaya naman payak na natawa silang tatlong mag kaka ibigan
agad naman na tumayo si Nicole at Jhiro para alalayan akong tumayo
"Okay ka lang babe?" tanong sa akin ni Jhiro na, ikitango ko na lang sa kaniya at saka ako nag pag pag ng aking tuhod
"Ba't ka kasi lutang gaga ka?" saad sa akin ni Nicole at saka ako inalalayan pa upo sa pwesto ko
hindi na lamang ako tumugon sa sinabi ni Nicole, sa halip nanahimik na lamang ako sa aking upuan, panay pa rin ang salita nito sa akin na hindi ko naman pinansin, nag maka halata ata niya na wala ako sa mood ay nahimik na lamang siya
malalim na buntong hininga ang pinakalwan ko, bago ko itinoon ang aking paningin sa unahan kung saan naka tayo si ma'am kasama ang dalawang estudyante na lalaki at babae
sino sila? bago ko lamang nakita ang mga mukha nila, kaklase ba namin yan?
tumingin lang ako kay Nicole para mag tanong kaso, busy ito kausap yung katabi niya na si James
kaya hindi ko na lang ako nag tanong at umobub na lamang ako, dahil nakakardam ako nag antok
hindi pa kasi talaga ako nakakatulog mula kagabi, sa dami kung iniisip
ilang minuto lamang ang lumipas ng maramdaman ko na lamang ang kadiliman, hudyat na nakatulog na ako
hindi ko alam kung ilang minuto ba ako naka tulog o ilang oras akong naka tulog, basta nagising na lamang ako dahil sa ingay ng katabi ko
dahan dahan akong nag angat ng aking ulo mula sa pag kaobub, nagulat pa ako ng nasa classroom pa rin pala ako
"Hilig mo talaga 'yan noe? yang matulog sa oras ng klase" biglang saad ng katabi ko, nagulat pa ako ng makilala ko kung kaninong boses iyun, agad akong lumingon sa pinagalingan ng boses na yun, tama nga ako, boses nga niya iyun
boses ni Richard
agad na namula ang mukha ko dahil sa galit, sa tuwing na aalala ko na kung hindi dahil sa kaniya, sigurado akong makaka uwi ako ng bahay noong isang araw, sana ay hindi nakuha ni tatay si Daniel, nawalan pa ako ng kapatid ng dahil sa kaniya
"tinatanong lang kita kinikilig ka na" saad pa niya ng siguro ay mapansin niya ang pamumula ng mukha ko
napasinggap na lamang ako, ang kapal din talaga ng apog ng lalaking ito
"Namiss mo ako?" tanong pa niya sa akin pero hindi ko na lamang siya pinansin, baka mamaya masapak ko ito, lagut ako kasi ang laki ng katawan niya, paano na lang ako pag gumanti ito?
"Ako kasi na miss kita" saad pa niya na lalong ikinapula ng mag kapilang pisngi ko at ikinatigil ko
gago ba siya?
Tumigin na lamang ako sa kabilang gilid ko at doon ko nakita yung lalaki sa unahan, ba't nasa tabi ko ito?
agad kung nilibot ang paningin ko para hanapin kung saan naka upo sila Nicole, napa buntong hininga na lamang ako ng makita ko itong nasa unahan kasama si Jhiro
![](https://img.wattpad.com/cover/283648624-288-k6590.jpg)
YOU ARE READING
KISS ME UNDER THE RAIN × On-Hold
RomanceBata pa lamang si Richard at Rain nang silang dalawa'y nag kakilala sa gitna ng ulan, bata pa lamang sila ngunit natuto na agad silang mag mahal. Pinangako ni Richard sa kanyang sarili na kung pag tatagpuin sila muli ng tadhana ni Rain ay hindi na n...