15. Faculty

135 23 5
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 15

RAIN'S POV

Isang linggo pa ang lumipas, ngunit wala pa rin akong nakukuhang balita sa kapatid ko, mag dadalawang linggo na rin pala simula ng kinuha ito ng tatay ko, ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na makikita ko ito.

"Uuuna na ako Rain ah" saad sa akin ni Laila, agad naman akong napabaling sa kanya, nakalimutan kung may kasama pala ako ngayon, kasalukuyan kasi kami ngayong dalawa ni Laila na namimigay ng mga papel kalakip ng picture at info ni Daniel na pinagawa pa ni moma Rodela, nalaman kasi ni Laila na nawawala ang kapatid ko kaya naman naisipan niyang tulungan ako sa pag hahanap, kahit papa ano naman kasi naging kaibigan ko na rin si Laila at Tristian, para lang ding sila Jhiro at Nicole

"Sige, ingat ka!" tugon ko sa kanya, namimigay kasi kami kanina ng mga papel ng tumawag ang kapatid niyang si Tristian, sabi ni Laila ay pina pauwi na daw siya ng kapatid niya, kaya naman agad akong pumayag, nakakahiya na rin kasi, lalo na 't kanina pa kaming umaga dito tas ngayon halos tanghali na

ng tuluyan ng maka-alis si Laila, pinag patuloy ko naman ang pamimigay ng mga papel, ng medyo maubos na ang hawak ko napa upo ako sa isang upuan na malapit sa akin, naka ramdam kasi ako ng pangangalay lalo na at kanina pa akong nakatayo at paminsan minsan ay palakad lakad

Napabuntong hininga ako saka ako tumayo, napag pasiyahan ko na lamang na umuwi

Dahil sa pagod napayuko na lamang ako, papaliko na sana ako sa isang coffe shop ng hindi sinasadyang may nabangga ako

"Sorry! Sorry!" ika ng nabunggo ko, kaya naman agad akong napatingin sa kanya

Hindi agad ako nakapag salita at napatingin na lamang ako sa kanya, at sinuri siya mula ulo at paa.

"Ahm, sorry talaga" muli niyang pag hinge ng paumanhin sa akin dahilan para mapabalik ako sa aking pag iisip

huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya

"Ahh w-wala okay lang yun kasalanan ko rin naman, dahil marami akong iniisip ngayon kaya hindi kita na pansin" sagot ko sa kanya, totoo lang din naman ang sinabi ko sa kanya maybe kasalanan ko din kaya kami nag kabanggaan ng lalaking kaharap ko ngayon, dahil sa pagod at dami kung iniisip

"Ahh! basta sorry pa din" sagot niya sa akin kasabay ng pang ngiti niya, lumabas tuloy ang ka kyutan ng lalaking ito, hindi ko tuloy maiwasan na humanga sa kanya, kahit kasi na may pag ka nerd type siya ang kyut niya pa rin, napaisip tuloy ako siguro may boyfriend na itong lalaking ito.

"Okay lang, ano pala ang pangalam mo?" tanong ko sa kanya, gusto ko lang malaman ang pangalan niya sapagkat sabi ko nga kanina humanga ako sa kanya, gusto ko siyang maging kaibigan.

pansin ko naman ang pag kagulat niya dahil sa tanong ko, napa galitan ko tuloy ang sarili ko sa aking isipan, bakit ko ba ina alam ang privacy niya, baka isipan niya ay stalker ako, natigilan ako ng ngumiti siya

"Kint!, Kint peter Isaac Arnaiz" sagot niya sa akin, nagulat ako sa naging sagot niya hindi ko lubos maisip na ibibigay niya sa akin ang buong pangalan niya

"Ahh ang haba naman ng pangalan mo!" puna ko sa kanyang pangalan ng maka bawi ako, sinabi ko lang din iyun upang humaba pa ang aming usapan

Napakamut naman siya sa kanyang ulo dahil sa pag puna ko sa kanyang pangalan

"Ikaw?" tanong niya sa akin, napa isip naman ako kung anong ang tinutukoy niya, agad naman akong napangiti ng malaman kung pangalan ko ang tinatanong niya

"Rain, Rain Dwayne Montecero Rothmoor!" sagot ko sa kanya sinabi ko talaga ang buong pangalan ko sa kanya kahit ito yung pinaka ayaw ko sa lahat, ang pangitin ang buong pangalan ko

narinig ko naman ang mahina niyang pag tawa.

"Kung makapag reklamo ka mas mahaba pa, pala ang pangalan mo sa akin" natatawang ika niya sa akin, kaya naman hindi ko maiwasan na mapatawa rin, para hindi siya mapahiya, char.

Napatigil naman ako sa aking pag tawa ng may mapansin ako

"Teka, sa R.U ka rin nag aaral?" tanong ko sa kanya, habang naka tingin sa pants niya na may logo ng Raino University.

tumango naman siya, "Ah, Oo dun ka rin ba?" tanong niya sa akin na ikinatango ko

"Ah, pero hindi kita nakikita grade ano ka na ba?" biglang tanong niya sa akin

"Grade 10" maikling sagot ko sa kanya

"Ah, same Grade 10, A1 ako" sagot niya sa akin, hindi lang pala siya basta kyut matalino rin

"B2, A1 ka pala kaya hindi tayo nag kikita" sagot ko sa kanya na ikinatango niya

nag maubusan na kami ng sasabihin sa isa't isa nag pa alam na ito

"Sige una na ako" paalam niya sa akin, kumaway pa siya sa akin na ikinangiti ko na lang

Ng nakatalikod na siya ay bigla ko siyang muling tinawag

"Wait, nahulog yung isa mong aklat" ika ko ng mapansin ko ang isang aklat sa sahig agad ko naman itong pinulot at inabut sa kanya

Kinuha naman niya ito at saka saglit na tiningnan

"Iyo na lang 'yan, nabasa ko na kasi yan" sagot naman niya sa akin, nahihiya man ay tinanggap ko na lang din, kahit papa ano naman kasi ay may hilig din ako sa mga libro, lalo na ng mga librong love story

muli siyang nag pa alam sa akin, ngunit muli ko siyang tinawag ng mapansin ko ang papel na hawak ko

"Ahm, sorry gusto ko lang ibigay to" sagot ko sa kanya, sabay abot ng papel, malay mo naman kasi mapansin niya ang kapatid ko

"Paki Contact na lang ako pag nakita mo salamat!" dagdag ko ng mapansin ang pag ka curious niya

"Kapatid ko yan, sige una na rin ako" dagdag ko pa, bago ako tumalikod sa kanya naka ramdam kasi ako ng pag kagutom

Ng makarating ako sa bahay agad akong nag tungo sa kusina para makapag luto ng aking makakain, araw ngayon ng sabado kaya naman wala akong pasok at naka pamigay ako ng mga papel, wala rin naman akong pasok sa pinag tratrabahuhan kung milktea shop

Nag bandang pahapon, nagulat ako sa biglang pag bisita ni Richard sa bahay

Ng tinanong ko ito kung bakit ito nagawi sa bahay, ang sagot lamang niya sa akin ay wala daw siyang magawa sa bahay nila, kaya siya nag punta dito, gusto nya daw akong ayaing lumabas, at dahil wala rin naman akong magawa, inaya ko na lamang siyang tulungan ako sa pag bibigay ng mga papel, na agad din naman niyang pina unlakan, dalangin ko sa nasa itaas na, sana isa man lang sa mga nabigyang namin ng papel ay may makapag turo kung nasaan na yung kapatid ko.

Katunayan hindi dapat ako mag alala, sapagkat tatay naman ng kapatid ko ang kumuha sa kanya, pero hindi ko talaga maiwasan na mag alala, sapagkat kilala ko ang tinuring kung ama, kilala ko si Lando ang ama ni Daniel, alam ko kahit na anak niya 'yun, alam ko na halang ang bituka nun, sana lang talaga wala siyang masamang gawin sa kapatid ko, sanaaaaaaa.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now