14. Friends

140 23 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 14

RAIN'S POV

“Sorry” saad ko sa kanya ng makabitaw ako sa pag kaka yakap ko sa kanya

“Okay lang” nakangiting sagot niya sa akin

nginitian ko siya ng pabalik.

pag katapos ng tagpong iyun, inaya niya ako muli sa may tabing dagat, dala dala namin iyung mga bato na sinulatan ko

umupo kami sa isang malaking bato, kung saan kasiya kaming dalawa

napatingin ako sa kanya ng tumayo siya at saka niya kinuha ‘yung bato na may sulat

binasa niya iyun, napakunot naman ang noo ko ng tumawa siya

“So, naiinis ka pala sa akin?” saad niya sabay tingin sa akin na agad din naman siyang muling tumingin sa bato na hawak niya

napakagat ako sa aking labi, natatandaan ko nga na naisulat ko doon sa mga batong iyun ang galit at inis ko sa lalaking ito

“Pwede ko bang malaman kung bakit ka naiinis sa akin?” tanong niya sa akin at saka siya muling kumuha ng bato at saka niya ito itinapon sa dagat

muli siyang tumabi sa akin

“Maari ba?” muling tanong niya, bumuntong hininga ako kasabay ng pag tango ko sa kanya

“Naalala mo noong na lock tayong dalawa sa classroom?” panimula ko sa kanya, napansin ko naman ang pag tango niya, kaya naman muli akong nag patuloy sa aking pag sasalita

Noong araw ding iyun, iyong araw ng pag kawa ng kapatid ko, hindi ko lang maiwasan na hindi ka sisihin, kasi kung hindi dahil sa iyo, siguro kasama ko pa iyung kapatid ko, kung hindi mo ako pinag sulat ng note mo edi sana maaga akong naka uwi nun at hindi ako na lock kasama ka, siguro napigilan ko pa iyung tatay ko sa pag kuha sa kapatid ko. pero naisip ko rin na kasalanan ko rin kasi natulog ako noong araw na iyun, sorry kung hindi ko maiwasang sisihin ka” mahabang saad ko sa kanya kasabay ng muling pag hagulgul ko, dahil sa muli ko na namang na ala-ala ang kapatid ko, muli ko rin namang naramdam ang mga bisig niyang naka yakap sa akin

“Sorry, Rain, hindi ko alam, patawarin mo ako hindi ko alam na ganun pala ang mag yayari” saad niya sa akin, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya.

tumango naman ako sa kanya, pinapatawad ko na siya kahit na wala naman talaga siyang kasalanan

“Hayaan mo hahanapin ko kung sino iyung nag lock sa atin doon” saad niya, nagulat naman ako boung akala ko siya ang may pakana nun at mga kaibigan niya ang nag lock

“Salamat” saad ko na lang sa kanya

“Okay lang, alam mo? Let's be friends” saad niya sa akin

napatingin naman ako sa kanya

“Okay lang naman kung ayaw mo, pero mas okay kung payag ka, so ano? Let’s be Friends?” tanong niya sa akin, habang nag tataas baba ang kilay niya, tumango naman ako

“Okay” sagot ko sa kanya

“anong okay?” tanong naman niya sa akin sabay ng kanyang pag ngisi

napabuntong hininga naman ako bago ako sumagot

“Okay, mag kaibigan na tayo” sagot ko naman sa kanya sabay tayo

“Tayo na, medyo madilim na” saad ko sa kanya

“sige” sagot niya sa akin at saka siya tumayo pag katapos nun saka niya ako inakbayan hanggang sa maka rating kami sa kotse niya

“Here!” abot niya ng pag kain, napa isip naman ako, nag take out pala siya ng pag kain kanina, noong tumawag si moma Rodel

agad ko naman iyung kinuha at kinain

“Alam mo, hindi pa rin ako maka paniwala na mag kaibigan na tayo” saad niya at saka niya muling pina andar ang kotse niya

“Ako rin” ngisi ko sa kanya sabay tawa

“Salamat” sabi ko sa kanya ng maka baba na ako sa kotse niya, pag katapos niya akong pag buksan, kasalukuyan kaming nasa tapat ng bahay ko

“Welcome” sagot niya sa akin

“Ah eh tuloy ka muna?”  aya ko sa kanya papasok sa loob ng bahay

“Sige” tugon niya sa akin at saka siya bumaba sa kotse niya

napakagat ako sa aking labi, hindi ko inakala na tatanggapin niya ang pa anyaya ko sa kanya, shit hindi pa naman ako nakapag linis ng loob ng bahay, ilang araw na rin naman kasi akong naka tulala, dahil sa pag ka wala ng kapatid ko

malalim na buntong hininga ang pinakalwan ko ng mabuksan ko ang pintuan ng bahay

hindi naman ganung kakalat iyung bahay, buti naman.

agad ko siyang pina upo sa isang upuan na gawa sa kawayan

agad naman akong nag tungo sa may kusina para pag timplahan siya ng kape,

nag pakulo muna ako ng tubig, bago ako lumabas sa kusina, at saka ako nag tungo sa kwarto ko para mag palit ng damit

nag matapos ako agad akong nag tungo kung saan na ka upo si Richard.

Na abutan ko siyang nag se—selpon.

Nginitian ko lang siya at saka ako muling nag tungo sa kusina, sakto namang pag pasok ko ay siyang pag kulo ng tubig na pina pakulo ko

kaya na naman mabilis ko itong sinalin sa termus at saka ko siya tinimplahan ng Chocolate na paborito ng kapatid ko

“Oh” abot ko sa kanya nang kape na hawak ko, napangiti naman ako ng kinuha niya iyun

napatingi siya sa tasa na binigay ko kasabay ng pag ngisi niya

“May na alaala na naman ako” naka ngiti niyang saad sa akin sabay baling sa chocalate

“Parang ngayon ko gustong gawin sayo  iyung sinabi ko sayo sa canteen” nakangisi niyang saad sa akin, kaya naman agad akong kinabahan

ng makita niya ang takot sa mukha ko malakas siyang tumawa

“Just Kidding hahah,  napaka seryoso mo naman” tawa niya sa akin, hindi ko siya sinagot sa halip sinimangutan ko na lamang siya, umasa pa naman ako akala ko kakainin na ako ni Richard, charr.

“Kamusta na pala ang pag hahanap mo sa kapatid mo?” biglang siyang nag seryoso sa tanong niya

malungkot ko naman siya binalingan, “Wala pa rin akong balita” sagot ko sa kanya

“Hayaan mo tutulungan kita sa pag hahanap” aniya sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko

“Talaga, salamat” pasasalamat ko sa kanya

Marami pa kaming napag kwentuhan ni Richard aminin ko man o hindi masaya siyang kausap, siya iyung tipon ng tao na minsan ay seryoso pero minsan ay mabiro

nag medyo lumalalim na ang gabi napag pasyahan na ni Richard umuwi, hinatid ko naman siya hanggang sa may kotse niya

“Salamat ulit” pasasalamat ko sa kanya

“walang anuman” sagot niya bago siya tuluyang umalis at mawala sa paningin ko.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now