7. Lost.

187 23 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 7

RAIN'S POV

"hey! wake up" saad ng kung sino, at saka mahinang sinampal sampal ang pisngi ko

"Hmm" ungol ko at saka ko minulat ang mga mata ko, na agad ko rin naman na pinikit, dahil bumungad sa akin ang mukha ni Richard, subrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, kunting galaw ko lang mag lalapat na ang mga labi namin, huminga mun ako ng malalim bago ko siya itulak sa dibdib niya, napalunok na lang tuloy ako dahil sa tigas niyon

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya pero sa halip na sumagot siya ay tumawa lamang siya, mag sasalita na sana muli ako ng malala ko na nalock nga pala kami dito sa classroom

"Ano ba 'yun?" tanong ko sa kaniya at saka ko nilagay ang kamay ko sa mukha ko para amoyin kung may amoy ba ang hininga ko, buti na lang wala

"Umaga na" sagot niya sa akin at saka siya tumayo para lumipat sa upuan

"Bukas na ba 'yung pintuan?" tanong ko sa kaniya at saka rin ako tumayo para mag tungo sa may pintuan

"Sarado pa rin" saad niya ng tangkang bubuksan ko na sana ang pintuan

kahit na sinabi na sa akin ni Richard na sarado pero sinubukan ko pa rin na buksan ang pintuan, napa upo na lamang ako dahil hanggang ngayon pala ay sarado pa ang pintuan, napatingin ako sa may bintana, umuulan pa rin, may pasok kaya? paano kung walang pasok, edi mag hapon pa kami dito ni Richard, hindi ko na ata kaya na mag stay pa sa classroom na ito

"Are you okay?" biglang tanong sa akin ni Richard, at saka siya umupo sa tabi ko

umiling ako, "Hindi!" pag amin ko, hindi ako magiging okay hanggang sa hindi na bubuksan yung pintuan ng classroom namin

"Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin, na ikinailing ko lamang dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom, dahil kinain ko 'yung biscuit na binigay niya sa akin kagabi

"Ikaw ba? nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kaniya, naikinangisi niya pero ilang saglit lang seryoso na 'yung mukha niya, sira ulo talaga

"Oo! gutom na gutom na ako, pwede bang?" saad niya at saka siya humawak sa tiyan niya, hindi na rin maipinta ang mukha niya

"Pwede bang?" nakangiwi kung tanong sa kaniya

"Pwede ba kitang..." pag bibitin nito sa sasabihin niya at saka niya kinagat ang ibabang labi niya, napalunok na lamang tuloy ako ng hindi oras

"Pwede ba kitang kainin?" inosente niyang na literal na ikinanganga ko, mag sasalita na sana ako ng bigla siyang tumawa ng malakasa, siraulo talaga

"joke lang hahaha, dyan ka lang ah, tingnan ko lang kung may baterya na ba 'yung cell phone ko, para makalabas na tayo dito, para maka uwi ka na rin" saad niya sa akin at saka siya tumayo para pumunta sa naka saksak niyang cell phone, may kuryinte na pala, buti naman, na pangiti na lang tuloy ako dahil sa wakas makaka labas na rin kami

"Walang signal" mayamaya ay sabi niya sa akin ng makalapit siya muli sa puwesto ko, na ikinalumo ko, paano na 'yan, paano pa kami makaka labas

"Ba't walang signal?" i asked him

"Baka walang malakas na ulan" sarkastikong saad niya sa akin, at saka iniwan ako, galit agad? nag tatanong lang eh

"So? kailan tayo makaka labas dito?" tanong ko sa kaniya, at saka ako sumunod sa kaniya

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now