19: Lander

124 18 0
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 19

RAIN' S POV

Araw ng lunes. Isang mainit na umaga ang bumungad sa akin

Kasalukuyan akong nag titimpla ng gatas ng biglang may kumatok sa pintuan

Mabilis naman akong nag tungo doon at pinag buksan ng pintuan ang sino mang kumakatok

Isang matamis na ngiti ang bumungad sa akin ng mabuksan ko ang pintuan, isang panauhin na hindi ko inaasahan

"Good morning" saad niya dahilan para mapabalik ako sa aking katinuan

ilang araw ko ding hindi nakita ang lalaking ito, last eh noong gabing may inamin siya sa akin, natatandaan ko wala siya noong araw ng pagent

"Morning" sagot ko sa kanya at saka nilakihan ang bukas ng pintuan, pa hiwatig na pinapa pasok ko siya sa buhay ko, char

"Bakit ka na padaan? Ang aga naman ata?" tanong ko ng makapasok na siya sa bahay at dumiretso sa upuan at saka doon umupo

"Bakit, masama bang dalawin ko ang kapatid ko?" tanong niya sa akin, natigilan ako, hindi pa rin ako sanay

napansin niya ata ang pag kabigla ko kaya muli siyang nag salita

"Gusto lang kitang ayain na mag almusal sa bahay, at saka gusto kitang i congrats sa pagiging first runner up mo" saad niya sa akin

"Thank you" tugon ko sa pangalawang sinabi niya, hindi ko alam na alam pala niya ang pag ka first runner up ko.

"Ano pwede ka ba" tanong niya sa akin ang tinutukoy ay kung pwede akong mag almusal sa kanila

"Gusto rin kasi ni Mom" dagdag pa niya, saglit akong natigilan at nag isip matagal na rin nang nag almusal ako kila Jhiro, matagal na rin ang huling bisita ko sa kanila

"S-Sige" sagot ko sa kanya, pansin ko naman na lalong lumawak ang ngiti ni Jhiro. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya, naaalala ko kasi noong mag kabigan pa kami, noong kiniss niya ako noon sa harap ni Richard.

Agad niyang hinila ang kamay ko papunta sa bahay nila na hindi rin naman kalayuan sa may amin

Bigla akong natigilan ng makita ko ang nakaparadang kotse, ibig sabihin nandito ang daddy ni Jhiro

Napatingin ako kay Jhiro na kasalukuyang ding naka tingin sa akin, tumango lamang siya sa akin at saka niya ako muling hinila papasok sa kanilang bahay, hindi ko tuloy hindi maiwasang hindi maka ramdam ng kaba

Ng tuluyan kaming naka pasok agad kaming nag tungo sa Dining Area kung saan nakita ko si Tita Jean at ang lalaking naka talikod, mahahalata mong mayaman ito dahil sa porma niya

Ng maramdaman niya ang prisensya namin ay agad siyang tumingin sa amin at saka siya ngumiti, doon ko napansin na pareho kami ng mata, totoo nga kayang mag ama kami? Na mag kapatid kami sa ama ni Jhiro? Tanging si mama lamang ang makakasagot ng mga tanong ko pero paano ko siya matatanong e hindi ko naman alam kung nasaan siya, iniwan niya kami noon ni Daniel

"Sit down" utos ni tita Jean sa amin agad naman akong inalalayan ni Jhiro na maupo sa katabing upoan niya

hindi ko alam kung ilang beses akong napa lunok ng dahil sa kaba

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now