11. Ligaw.

193 26 4
                                    

KMUTR.

RAIN

Kinabukasan maaga akong nagising katulad pa rin ng mga nakaraang araw para pa rin akong zombie. Mas sumobra pa nga ang kapal ng eyesbag ko

Inayos ko muna iyung higaan ko bago ako tuluyang bumangon, ngayong araw napag isip isip ko na aayosin ko na iyung sarili ko. Napag isip isip ko na hindi ako pwede laging ganito na iiyak, kailangan kung mag ayos para pag biglang bumalik sa Daniel, maayos ang itsura ko at saka ngayon naisip ko na mag hanap ng trabaho, kailangan kung kumita ng pera kailangan kung maka ipon ng saganun may magastos ako sa pag hahanap sa kapatid ko.

Nakangiti akong lumabas ng kuwarto ko, kahit pilit na ngiti lamang iyun at least nakangiti noe?

Nakangiti ako pero sa totoo lang. Babagsak na naman ang luha ko, hindi ko nga alam kung bakit hindi maubos ubos yung mga luha ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ako na lang talagang mag isa dito sa bahay, hindi ako sanay na nag iisa hindi ako sanay na wala dito yung kapatid ko.

Bago pa tuluyang bumagsak yung mga luha ko kumilos na ako papuntang kusina.

Para mag kakulo ng tubig, sa pag aasikaso ko sa pinapakulo ko nahagip ng paningin ko yung supot kagabi na pinag lagyan ng pagkain, na ibinigay ng kung sino, sabi na e walang lason. Saad ko sa sarili, tama ako walang lason ang pag kain na yun kasi hanggang ngayon buhay pa rin ako

Napatawa na lamang ako ng mahina, nababaliw na ata ako, nag iisip ako ng mga bagay para ilibang yung sarili ko sa lungkot kaya naman ang maliit na bagay na hindi naman talaga nakakatawa ay tinatawanan ko, tawa na hindi mo alam kung masaya ba talaga

Nawala ako sa aking pagtawa ng tumunog ang takore ko, kumukulo na pala, kaya naman mabilis akong kumilos at sinalin ito sa termus.

Kinuha ko na agad yung baso ko para mag timpla, napangiti ako ng chocolate pala yung natimpa ko. Ito yung laging iniinom ni Daniel tuwing umaga.

Nawala bigla yung ngiti ko ng maalala ko si Richard dahil sa Chocolate. Ang lalaking yun, galit ako sa kanya, nakaka asar kasi.

Pag katapos kung inomin yung chocolate agad akong naligo, inayos ko talaga yung sarili ko, mas pinili ko na ngayon ay lumiban o hindi pumasok sa klase para mag hanap ng trabaho.

Pag labas ko ng bahay, agad na sumalubong sa akin si moma Rodel.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya sa akin

Tumikhim muna ako bago ako sumagot. "Meron po moma, kaso lumiban po ako isang araw lang naman po, at saka balak ko ho kasing mag hanap ng trabaho kaya hindi ako pumasok ngayon" sagot ko sa kanya

"Naku baka pag nasanay ka ng kumita ng pera, iwan mo na yung pag aaral mo?" Tanong niya sa akin

Umiling ako, "hindi po moma, pangarap ko pong makapag tapos ng pag aaral kaya po hindi ako basta basta titigil" sagot ko sa kanya

"Sige, mag bihis ka na ng uniform mo, at pumasok ka ngayon sa school" sagot niya sa akin

"Moma ---" hindi ko na natapos yung pag rireklamo ko ng muli siyang mag salita

"Bilisan mo, pumasok ka na sa school, ako na ang bahala sa trabaho mo" sagot niya sa akin

Napanganga ako, hindi ako makapaniwala, ang bait talaga ni moma

"Talaga po?" Gulat na turan ko sa kanya, na ikinatango niya naman

"Basta pag kumikita ka ng pera, wag mong iwan yung pag aaral mo ah? sige na gumalak ka na baka malate ka pa" saad niya sa akin at saka siya tumuro na nag papahiwatig na bumalik na ako sa bahay at magpalit ng uniform

"Sige po moma, magpapalit na po ako ng uniform, salamat po" sagot ko sa kanya at saka ako tumalikod sa kanya para bumalik sa bahay ng bigla niya ulit akong tawagin

"Ah nga pala Rain, nakapag paXerox na ako ng maraming larawan, kalakip nun ang contact number mo, namimigay na yung mga kaibigan ko sa palingke, bigyan na lang kita ng copy pag uwi mo mamaya galing sa school" saad niya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi talaga ako makapaniwala sa tulong na ibinigay ni moma Rodel sa akin

"Salamat po talaga Moma Rodela" sagot ko sa kanya, naiiyak na ako sa tulong at kabutihan na ibinibigay ni moma Rodel

"Naku ano ba, wala yun alam mo naman na matalik akong kaibigan ng mama mo, noong araw na walang wala ako siya ang unang tao ang tumulong sa akin. Kaya wala wala pa ito sa tulong na ibinigay ng mama mo" sagot niya sa akin

"Naku moma Rodel kung ano man ang tulong na ibinigay sa inyo ni mama, nag papasalamat talaga ako sa inyo" sagot ko sa kanya

"Ah sige bago ka pa umiyak ulit, lumakad ka na pabalik sa bahay nyo at mag bihis ng makapasok ka na, ako ng bahala sa trabaho mo" sagot niya sa akin, muli akong nag pasalamat sa kanya bago akong muling tumalikod para mag bihis ng uniform ko

Mabilis rin naman akong nakapag ayos ng sarili ko since na nakaligo na ako. ng muli akong makalabas ay hindi ko na nakita si moma Rodela siguro ay nasa mga kaibigan na niya ito.

Agad naman akong nag tawag ng tricycle, para mabilis akong makapunta sa Raino University.

Nag makarating ako sa University, napahinga ako ng maluwag ng makita kung marami pang nga studyanteng pagala gala sa may gate. Buti na lamang at hindi pa ako late. Bago pa ako tuluyang malate agad na akong nag lakad pa tungo sa classroom ko

Ng makarating ako doon rinig ko agad ang ingay ng mga kaklase ko, wala pa kasing dumarating na teacher para sa unang Asignatura, agad akong umupo sa upuan ko na pinaggigitnaan ng dalawang transfer.

Nag nakamakaupo ako agad akong tumingin sa unahan kung saan naka upo si Jhiro at Nicole

Napayuko ako ng makita kung masaya si Jhiro habang nakikipag kwentuhan kay Nicole at James.

Bat ganun? Kung kailan kailangan ko silang dalawa 'saka pa sila lumalayo sa akin?

Gusto ko silang lapitan at kausapin, pero alam kung hindi naman ako nila papansinin

Nag text ako kagabi kay Nicole at Jhiro ngunit hindi sila nag rereply

Hindi ko alam kung anong problema naming tatlo, hindi ko alam kung may problema ba o wala, kung may problema man hindi ko alam kung kaano ito kalaki at umabot kami sa point na hindi na magpansinang tatlo, ang dami na naming pagsubok na nalampasan, ilan taon na naming magkakaibigan pero bat ganun parang masisira na lang ang pagkakaibigan maming tatlo na hindi ko alam ang dahilan

Nawala ako sa pagiisip ng may biglang tumapik sa likod ko, agad akong humarap dito, at doon ko nakita ang nakangiting mukha ni Richard

"Sad Morning?" tanong niya sa akin hindi ko naman siya sinagot at tinalikuran ko na lamang siya, wala akong time para makipag asaran sa kanya

"Meron ka ba ngayon?" tanong niya sa akin, medj naiinis na ako pero pinipigilan ko lamang, ayaw kung gumawa ng gulo

"Bakit ba ayaw mo akong sagutin?" muli niyang tanong sa akin, at dahil nakukulitan na ako sa kanya hirapan ko na siya

"Bakit nanliligaw ka ba para sagutin ko?" tanong ko sa kanya, bigla naman akong nagulat sa salitang binibitawan ko

"Edi liligawan kita para sagutin mo ako" sagot niya sa akin na ikinanganga ko

"Mr. Julberson and Mr. Rothmoor" ika ng teacher namin sa Mapeh si ma'am Alteza kaya naman agad akong napaharap sa unahan at doon ko lamanh napag tanto na halos lahat ng kaklase namin nakatingin sa aming dalawa ni Richard, kainis ka talaga Richard

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now