4. Kiss.

234 27 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 4 Kiss

RAIN'S POV

"akin na nga yang cattleya mo, tsk mag susulat lang di pa magawa, asaan na 'yung ballpen" asar niyang saad sa akin at saka padabog na umupo sa upuan niya ulit, kaya naman napangiti na lang ako

"ipag susulat mo lang din pala ako ang dami mo pag arte" saad ko pa sa kaniya at saka inabot ang cattleya ko na wala pang kasulat sulat na kahit ano, medyo matatagalan pa siya sa pag susulat niya, kaya naman muli akong napangiti

ilang minuto ang nag daan namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, busy siya sa pag susulat, habang ako naman busy sa kaka cellphone, inaantay na malowbat ito dahil 5% na lang din naman

"Ehem" biglang saad ko para agawin ang atensyon niya

"Ano na naman?" asar niyang tanong sa akin ng hindi man lang ako nililingon, seryoso siya sa kaniyang pag susulat

"May tanong ako sayo" saad ko sa kaniya at saka tinago 'yung cell phone ko lowbat na rin naman

"pake ko" sagot niya sa akin ng hindi man lang ako nililingon, ba't ba napaka taray ng baklang 'to

"umayos ka nga" pikon kung sa kaniya, seryoso kasi 'yung tanong ko tas sasagotin lang niya ako ng pabaros

"umayos ka nga" pag gagaya niya sa sinabi ko, kaya naman masama ko siyang tiningnan kahit na hindi ko alam na kita niya ako, kasalukuyan kasi niya akong nasa kaliwa, naka upo

"maayos naman ako ah" sagot niya ng siguro ay mapansin niya ang masamang pag titig ko sa kaniya

"isa mo pang bara hahalikan na kita" pananakot ko sa kaniya, na maging ako ay nagulat din sa sinabi ko

"as if naman kaya mo" sagot niya sa akin at saka ako inirapan, kaya naman napalunok na lang ako

"kaya ko" sagot ko sa kaniya sa mataas na boses, naasar na talaga ako, mahahalikan ko 'to

"weee?" nakangusong tanong niya habang nag susulat pa rin, aba't nag aakit ata ang baklang 'to ah

"gusto mo lang mag pa halik e" pag aasar ko sa kaniya, dahilan para kumunot ang kaniyang noo

"hindi kaya" saad niya sa akin at saka bahagyang umiling

"gusto mo talaga e, ba't namumula ka?" pag aasar ko pang tanong, napansin ko kasi ang pamumula ng pisngi niya

"Namumula ako kasi nilalamig ako, hindi ka rin epal noe?" sagot niya sa akin, oo nga naman, malamig dahil sa lakas ng ulan sa labas

"May tanong nga ako" pag iiba ko sa usapan, ewan ko ba kung ba't ko ito kinakausap, siguro naboboringan lang din ako

"ano nga" tanong niya sa akin ng may kalakasan ang boses niya, pikon na nga siya

"jowa mo ba yung Jhiro na 'yun?" tanong ko sa kaniya na daig mo pang boyfriend kung maka tanong, alam ko medyo personal ang tanong ko, gusto ko lang kasi talagang malaman, kung anong namamagitan sa kanilang dalawa

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon