22. Court

133 20 10
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 22

RAIN 'S POV

"Richard?" wala sa sariling naisatinig ko, bakit nandito si Richard, nag kataon lang ba?

"Good morning" nakangiting bati niya sa akin, pinag isod pa niya ako ng upuan na pag uupuan ko, na kalapit ng upuan niya

"Rain" saad sa akin ng isang babae, napapikit ako, pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko, ngayon ko na lang ulit na rinig ang tinig na 'yun, tinig ni mama, i miss her.

"Ma" maluha luha kung saad sa kanya, dalian naman siyang lumapit sa akin at saka niya ako niyakap.

"Sorry anak, patawarin mo si mama kung iniwan ko kayo nun, patawad kung sarili ko lang inisip ko noong mga panahon na 'yun. Patawarin mo si mama, pagod na pagod na ako nun 'nak at sawang sawa na ako dahil sa paulit ulit na ginagawa ng tatay mo. Pero maniwala ka 'nak, walang araw na hindi ko kayo naiisip ng kapatid mo, gusto ko kayong kunin ng kapatid mo kaso takot ako. Natakot ako na baka galit kayo sa akin, na hindi kayo sumama sa'kin, at saka pinagbantaan ako ng tatay Waldo mo" umiiyak niyang paliwanag sa akin, dahil para lalong umagos ang luha ko.

"Hindi naman po ako galit sa inyo ma eh, nag tatampo lang ako dahil iniwan nyo kami ng kapatid ko, sabi ko nga nun. Sana kahit 'yung kapatid ko na lang yung sinama nyo kasi sobrang bata pa niya that time." sagot ko sa kanya, naramdam ko naman ang pag tanggal niya ng yakap sa akin at saka niya pinunasan ang luha ko.

"Patawarin mo si mama" saad niya sa akin, napatango ako sa kanya

Nag papasalamat ako at kukunti ang mga tao dito sa loob ng restaurant, kukunti ang naka kita ng ka dramahan namin ni mama.

Pag katapos nang tagpong 'yun, umorder na si Daddy ng pag kain naming lahat, nag kwentuhan kaming lahat habang kumakain, nasabi ko rin kay mama ang pag kawala ng kapatid ko, muli siyang napaiyak at humingi ng tawad, napag usapan din namin na isang buwan ako may mama at isang buwan ako kay Daddy, since may sarili na rin namang pamilya si Daddy Lander, walang iba kundi sila kuya Jhiro

Alam ko na para akong bagay o laruan na pag papasahan ng magulang ko at hihiramin, pero bukas ang isip ko sa ganitong bagay, tanggap ko na kung anong pamilya ang meron ako, magulong pamilya para sa iba pero masaya pa rin ako, dahil sila ang pamilya ko hindi man buo.

.

"Bakit nga pala mag kasama kayo" tanong ko kay Richard ng maiwan kaming dalawa sa table, hindi ko alam kung sinadya nilang iwan kami para makapag usap, basta na lang kasi sila umalis, kahit naiilang ako dahil naaalala ko 'yung pag halik niya sa akin, hindi ko pa rin matiis na hindi mag tanong.

tumingin siya sa akin at saka niya binaba ang basong hawak niya

Bumuntong hininga siya.

"Si Nanay ba?" tanong niya sa akin, nag tatakang tiningnan ko siya pero sa huli ay tumango na lang ako.

"Si Nanay Linda ang nag alaga sa akin, mula pag kabata" paliwanag niya sa akin, meron sa akin ang inggit na na alagaan ni mama 'yung iba pero ako, kami ni Daniel hindi.

Ngumiti ako sa kanya, "Ganun ba?" saad ko na lang sa kanya

"Oo" sagot niya sa akin at saka  siya lumapit sa may pwesto ko at saka niya ako hinawakan sa aking kamay

"Alam mo, mahal na mahal ka ni Nanay Linda, noong bago pa lang siya naninilbihan sa pamilya namin, kitang kita ko ang pagod at lungkot niya, nag inaalagaan niya ako doon ko nalaman na may roon siyang mga anak na napilitan siyang iwan, nag papasalamat ako sayo sa pag bibigay mo ng pag kakataon na maging ina sayo" sagot niya sa akin at saka niya ako yinakap, nagulat man ako sa pag yakap niya sa akin, tinugonan ko pa rin ang yakap niya

kumalas lamang siya sa pag kakayakap sa akin ng muling dumating si Daddy at si Kuya Jhiro na kasama si Mama

muli silang umupo sa mga upuan nila, ilang minutong kahimikan ang namayani sa pagitan naming apat ng basagin ito ni Richard

"Sir" saad ni Richard, napatingin kaming tatlo sa kanya, at doon namin nakita na naka tingin siya kay Daddy

"Alam ko po na Wrong timing ako, at ngayon pa ako mag sasabi, pero ayaw ko na pong palagpasin ang sandaling nandito po kayo" saad niya sabay tingin kay mama at saka siya muling tumingin kay Daddy

"Pwede ko pong ligawan ang anak niyo?" deritsong tanong nito kay Daddy at saka siya tumingin sa akin, dahilan para mamula ang pisnge ko.

"Bakla ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Daddy kay Richard, saglit namang natigilan si Richard sa tanong ni Daddy

"Ako alam ko at tanggap ko kung ano ang anak ko, kaya gusto kitang tanongin, bakla ka ba?" ulit na tanong ni Daddy kay Richard

"Hindi po sir" sagot ni Richard sa tanong ni Daddy

"Ganun naman pala e, bakit mo liligawan ang anak ko, parehas kayong lalaki" sagot sa kanya ni Daddy

"Hindi po ako bakla sir, pero kung bakla po ang iniisip nyo o ng iba dahil liligawan ko po ang anak nyo, tatangapin ko kung bakla nga pong matatawag ang paliligaw sa anak niyo" sagot ni Richard kay Daddy, ramdam ko ang pag kaseryoso niya, ramdam ko rin ang respeto niya sa pakikipag usap kay Daddy

"At saka po sir, wala naman po sa kasarian ang pag mamahal, nasa nararamdam po ito ng isang tao, gusto ko rin pong sabihin sa inyo na seryoso po ako sa anak niyo" dagdag pa ni Richard kay Daddy, saglit na katahimikan muli ang namayani sa pagitan namin dahil sa sinabi ni Richard ng muli siyang mag salita

"Pwede po ba sir?" tanong niya sa kay Daddy

narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Dad bago siya muling nag salita

"Sa akin, walang problema, hindi naman ako kontra sa ganyang relasyon" sagot sa kanya ni daddy

"Okay lang sa akin, ramdam ko naman na seryoso ka talaga sa anak ko, pero syempre anak ko pa rin ang mag didesisyon kung payag ba siyang ligawan mo" dadag ni Daddy sabay tingin sa akin

"Payag ka ba 'nak?" tanong niya sa akin, natigilan ako kasabay ng pag pula at pag init ng pisnge ko

"sa akin ayos lang din na ligawan mo ang anak ko, kilala na kita at alam ko rin na totoo yan nararamdam mo sa anak ako" saad ni mama ng hindi ako sumagot sa tanong ni Richard

"Pwede ba Rain, pwede ba kitang ligawan?" nakangiting tanong sa akin ni Richard, napa pikit ako pinakiramdaman ko ang aking sarili, meron sa akin ang kilig at hindi ko rin maitatangi na may gusto ako kay Richard pero paano si Rj? bahala na

"Sige" sagot ko sa tanong ni Richard ng imulat ko ang aking mata, ilang saglit lang naramdam ko ang pag yakap sa akin ni Richard

"Thank you" saad niya sa akin, sabay halik sa noo ko.

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon