27

147 16 3
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 27

RAIN' S POV

Nagising ako kinabukasan na masakit ang aking katawan lalo na ang aking pang upo, napa tingin ako sa aking katabi sa kama ng yakapin niya ako

"Good morning" bati niya sa akin, bakas ang tuwa sa kanyang mga ngiti ganun din sa kanyang mata, nilapit niya ang kanyang mukha para dampian ako ng halik sa aking labi, nahiya naman ako dahil baka may amoy ang bibig ko

"Good morning" balik na bati ko sa kanya ng tangalin niya ang kanyang labi sa aking labi, pag katapos nun ay ginala ko ang aking paningin at doon ko napag tanto na nasa loob ako ng kwarto ni Richard

"Bakit dito mo ako inuwi?" tanong ko kay Richard na kasalukuyan ng bumabangon sa kanyang pag kakahiga, lumingon siya sa akin kalaunan ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mag kabilang pisnge

"Nag paalam naman ako kay Nanay" sagot niya sa akin, napa irap ako dahil hindi niya nasagot ng maayos ang tanong ko

Biglang namula ang aking mag kabilang pisnge ng lumapit siya sa akin, ngayon ko lamang kasi napansin na naka boxer lamang pa siya, kaya naman bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki, lalo na't bagong gising ito

"Hey" nakangising pag tapik  sa akin ni Richard sa aking braso, hindi ko alam na nakatulala na pala akong naka tingin sa may umbok sa pagitan ng dalawa niyang hita,  paano ba naman kasi naalala ko 'yung nag yare kagabi, kaya pala masakit ang aking katawan at pag upo dahil dyan sa naka umbok sa boxer ni Richard

"Breakfast na tayo" saad niya sa akin, akma niya akong bubuhatin ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng pag tapik sa kanyang kamay

"A-Ako na" nauutal kung saad sa kanya narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Richard na ikina irap ng dalawa kung mata

"Ahh" daig ko ng subukan kung iupo ang aking sarili sa kanyang kama, agad naman siyang lumapit sa akin na bakas ang  pag aalala base sa nakikita ko sa kanyang mukha

"Okay ka lang? Sabi ko naman kasi sayo bubuhatin na lang kita" sunod sunod na saad niya sa akin habang inaalalayan niya akong umupo, ilang saglit lang ay binuhat niya ako at nilagyan ng unan ang uupuan ko, napa ngiti naman ako dahil hindi na ako masyadong naka ramdam ng sakit dahil sa unan na nilagay niya

"Dito ka muna, kukuha ko lang ang break fast natin at saka.... 'yung pain killer mo" naka ngiting saad niya sa akin, halata sa mukha niya na inaasar niya ako, napa simangot na lamang ako pero hindi ko na pinakita sa kanya pag kakuwan ay tumango na lamang ako sa kanya

napa buntong hininga na lamang ako ng tuluyan na siyang lumabas sa kanyang kwarto para kuhain ang aming break fast

Ilang saglit lang naman ay agad din siyang naka balik dala ang break fast namin at saka 'yung pain killer ko

Tahimik lamang naming pinag salohan ang aming umagahan paminsan minsan ay nag tatanong siya sa akin kung masakit pa ba daw ang aking pang upo kaya naman tapat ko siyang sinagot na oo, na merong sa akin ang nahihiya pero naisip ko ay wala na naman siguro akong dapat pang ikahiya kay Richard nakita at nahawakan na niya ang sa akin at saka napasok.

Nag matapos ay pinainom niya ako nang gamot ng sa ganun daw ay mawala ang sakit.

Halos mag habol din kami ni Richard sa loob ng kanyang kwarto, nanonood lamang kami ng mga movie at saka nga padeliver ng pizza, mag hapon kaming mag kasama kaya naman mag hapon din niya akong kinukulit, gusto niya kasing doon na lamang daw kaming dalawa sa condo niya mag stay.

___

"Uuwi na ako" paaalam ko sa kanya ng lumabas ako sa loob ng kanyang cr, kasalukuyan siyang naka upo sa kanyang kama habang nag lalaro sa kanyang cell phone, agad naman siyang napatingin sa akin pag kakuwan ay mabilis niyang sinilid sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone

"Hatid na kita" biglang sagot niya sa akin ng maka lapit siya sa may puwesto ko at saka niya ako inakbayan palabas ng kanyang silid, sakto naman na pag labas namin ay naka salubong namin ang mama ni Richard

"Ohh hijo uuwi ka na?" tanong niya sa akin ng makita niya kami ni Richard tumigil naman kami ni Richard sa aming pag lalakad sa may harap niya

Ngumiti ako kay tita bago ako nag salita,

"Yes po tita" medyo na hihiya kung sagot sa mama ni Richard

"Ahh ganun ba, Hindi ka ba man lang mag hahaponan?" tanong niya sa akin pag ka kuwan ay tumingin siya may bandang leeg ko pag kakuwan ay binaling niya ang kanyang tingin sa kanyang relo

"Sa bahay na lamang po tita" sagot ko sa kanya na medyo nahihiya pa rin.

"Sige, mag ingat kayo" pag suko niya at saka siya tumingin kay Richard "mag ingat ka sa pag mamaneho ah" baling niya kay Richard

"Yes mom" sagot sa kanya ni Richard at saka ito humalik sa pisnge ng mama niya

"Una na po kami Tita" saad ko ng matapos akong makipag beso sa kanya, tumango lamang ito sa amin

Pag labas namin sa bahay nila Richard ay agad kaming dumiretso sa sasakyan niya

"Bakit mo biglang naisipang umuwi?" biglang tanong sa akin ni Richard, tumingin pa siya sa akin bago niya paandarin ang kotse niya

"Tumawag kasi sa akin si Daddy, pinaalala niya sa akin na sa kanila muna ako tutuloy nakaka isang buwan na pala ako kay nanay" sagot ko sa kanya, pansin ko naman ang pag igting ng panga niya.

"Naiintindihan mo naman ang sitwasyon ko diba?" dagdag na tanong ko sa kanya, marahan siyang tumango sa akin habang naka tingin pa rin siya sa kalsada

"Kaya kailangan kung umuwi ng mas maaga ng maayos ko ang mga gamit kong dadalhin, nakalimutan ko kasi na ngayon na pala ako lilipat sa kanila" dagdag ko pang saad sa kanya

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya bago siya mag salita

"Basta dumistansya ka ng kunti kay Jhiro" sagot niya sa akin na ikinakunot ng aking noo

"Wag mong sabihin na kahit sa kapatid ko ay nag seselos ka" medyo natatawa kong saad sa kanya natigilan lamang ako ng mapansin kung seryoso siya

"You can't blame me Rain, alam kung minsan nang nahulog ang loob ni Jhiro sayo" saad niya sa akin bakas ang pag kaseryoso sa kanyang boses

"Yah, pero alam kong naiintindihan na ni kuya Jhiro ang sitwasyon naming dalawa, at saka pakiramdam ko naman ay wala ng nararamdaman sa akin si kuya Jhiro, past is past okay?" saad ko sa kanya at saka ko hinawakan ang kanyang baba, tutok pa rin ang mata niya sa pag mamaneho, ilang saglit pa ay ninakawan ko ng halik sa pisnge si Richard at saka ko inayos ang upo ko

Pansin ko naman na natigilan siya pero agad din naman siyang naka bawi pag ka kuwan ay gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

A/n: naka dalawa akong gawa ng Chapter 27 dahil ang una kung gawa ay biglang nawala dito sa aking drafs mahigit 2.3k words na 'yun kaya naman nakakapang hinayang 😭 kaya natagalan ay bigla akong tinamad ng nawala any una kung gawa 😭 ni try kung tingnan sa Revision History pero wala talaga 'yung sinulat ko, hindi ko alam siguro dahil dito sa version na gamit ko? Naka premium kasi ako .

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now