6. Hug.

200 21 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 6

RAIN'S POV

Ilang minuto na rin kaming mag kayakap ni Richard sa ganung position, hindi siya nag sasalita, kaya hindi rin ako nag sasalita, mas sinubsub ko pa ang mukha ko sa jacket niya, mukhang okay lang naman din sa kaniya, pag katapos kung mas isubsub ang mukha ko sa katawan niya at saka ko siya inamoy amoy, gagi ang bango niya, napatigil na lang ako sa pag singhot sa amoy niya ng mag salita siya kaya naman napalunok na lamang ako

"Sabi ko na nga ba gusto mo rin na kayakap ako, sana sinabi mo na lang sa akin, edi sana napag bigyan kita" basag niya sa katahimikan, at dahil sa hiya agad akong kumalas sa pag kakayakap sa kaniya, kahit na nag eenjoy pa ako sa pag amoy sa kaniya, ang bango kasi ng lalaking ito daig mo pang babae

"Kapal mo, dyan ka na nga" saad ko sa kaniya, at saka bahagya ko pa siyang pinalo ng mahina at saka ako tumayo, para lumipat ng pwesto, pwesto na malayo sa kaniya, nag aalinlangan pa ako dahil subrang dilim talaga ng silid, tanging kidlat lang ang nag bibigay liwanag sa amin, hindi pa ako nakakalayo ng nag salita na naman siya

"Sure ka, lalayo ka? ikaw din, baka mamaya may bigla na lang na humila sa 'yo" pananakot niya sa akin kaya naman natigilan talaga ako, agad akong humarap sa kaniya, mula sa liwanag na ng gagaling sa kidlat kita ko ang pag ngisi niya na ikinaasar ko lamang

"Richard" tawag ko sa pangalan niya, ba't ba ang hilig niyang manakot, akala ba niya nakakatuwa siya?

"Hahaha, natatakot ka na ba? sabi sayo dito ka na lang sa tabi ko" saad niya sa akin at saka siya tumawa na ikinadagdag lang ng kagwapohan niya, napailing na lamang ako dahil sa sarili kung iniisip

"ayaw nga kitang kalapit" inis na sigaw ko sa kaniya, at saka ako nag patuloy sa aking pag lalakad

"Bakit natatakot ka ba na mahulog sa akin, wag kang mag alala sasaluhin naman kita" sagot niya sa akin na ikanatigil ko na naman sa aking pag lalakad, bumuntong hininga muna ako, dahil baka pumiyok ako sa pag sasalita ko

"Sira ulo" sigaw ko sa kaniya, at saka ako umupo sa isang gilid

"ayaw mo talaga?" sigaw pa niya, hindi ko na siya nakikita dahil sa dilim

"ayaw nga" nakangusong sagot ko sa kaniya

"Ikaw din subrang daming babaeng gustong makatabi at mayakap ako, suwerte ka na nga, nayakap mo ako" pag mamayabang niya sa akin, kapal talaga ng apog ng lalaking ito

"Pwes! iba ako sa kanila, tulog mo na lang 'yan" medyo natawa ako sa pag kakasabi ng mga salitang iyun

hindi na naman tumugon si Richard kaya naman natahimik na lamang ako at saka ako bahagyang humiga sa sahig kahit na subrang lamig ng sahig, pipikit na sana ako ng biglang kumulo ang tiyan ko, nagugutom na ako, itutulog ko na lang sana ang gutom ko pero hindi ko matiis, kaya naman nag alinlangan pa akong tawagin si Richard.

"Richard" tawag ko sa pangalan niya, pero walang tumugon, nanatiling tahimik ang boung silid maliban sa ingay ng patak ng ulan at ang ingat ng kulog

"hoy, Richard" tawag ko pa natatakot na naman ako, paano kung iniwan na pala niya ako sa silid na ito

"Richard" tawag ko muli at sa puntong ito, tumayo na ako, nag unahan na rin bumagsak ang mga luha ko

"Ba't miss mo na agad ako?" biglang sabi ng kung sino, sa walang dahilan ay napangiti na lamang ako

"Siraulo" sigaw ko, pero may ngiti sa labi ko

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant