3. Jowa.

263 29 0
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 3 Jowa

RAIN'S POV

Tapos na ang klase namin, pero nanatili kami nandito sa loob ng classroom dahil umuulan pa rin sa labas, inaantay muna namin na tumila ang ulan, at saka may sinusulat pa ako na nasa white board

"Tara na babe, sukob ka sa akin may payong akong dala" aya ni Jhiro sa akin, pero tumangi ako sa halip si Nicole na lang ang pina sabay ko sa kanya dahil wala pa lang dalang payong si Nicole, at saka nag susulat pa kaya ako

"Sigurado ka ba babe?" tanong pa ulit ni Jhiro bago sila lumabas ng Classroom

"Oo nga, ang kulit" sagot ko sa kanya na tumatango tango pa na ikinatawa niya, sira ulo talaga

naka hinga ako ng maluwag ng maka labas na sila Nicole at Jhiro ng classroom, pero isang minuto lang ang lumipas bumalik ulit si Jhiro

"Sigurado ka talaga? nasaan 'yung payong mo? patingin nga daw baka mamaya, wala ka talagang dalang payong, baka mamaya mabasa ka na naman ng ulan at mag kasakit ka na nyan" sunod sunod na saad ni Jhiro sa akin, kaya wala akong nagawa at kinuha na lang ang bag ko at binuksan ang zipper nun para kuhain yung payong ko

"Ito oh" saad ko sa kanya at saka tinaas ang payong na itim

"'yan naman pala 'e, bat hindi ka pa kaya sumabay sa amin?" tanong pa ulit niya pero umiling lang ako, dahil pupunta pa ako sa kabilang campus para daanan 'yung kapatid ko, at saka hindi ba niya nakikita may sinusulat pa ako

"Pupunta pa ako sa kabilang campus" sagot ko sa kanya? bubuka pa lang sana ang bibig niya ng muli akong mag salita "At wag mo ng balakin na samahan ako, baka ikaw naman ang mabasa ng ulan" dagdag ko pa

"Sige na nga, pero text mo agad ako pag naka uwi ka na" pag suko niyang sagot

"Haha alam mo naman na lagi akong walang load" sagot ko sa kanya, dahil hindi naman talaga ako nag loload, maliban na lang pag may importanteng tatawagan o itetext

"Loadan na lang kita" sagot pa niya pero mabilis akong tumangi

"Wag na, masasayang lang ang pera mo" sagot ko kay Jhiro

"Sige na" pag pupumilit pa niya

"Sige loloadan mo ako, pero hindi na kita papansinin" pananakot ko sa kanya

"Andaya mo naman babe 'e" nakapout na sabi niya sa akin, kaya naman napailing na lamang ako sa kakulitan niya

"Ano ba kayong dalawa hindi ba kayo titigil sa kakaharutan niyo? tingnan mo oh pinag titinginan na kayo ng tatlo" saad ni Nicole sa amin sabay nguso sa tatlo, sa mga kaibigan ni Richard, sila na lang din palang tatlo ang natitira, so pag umalis na sila Jhiro at Nicole, maiiwan kaming apat dito

"At saka ano ba Jhiro, bilisan mo na, nakaka ngalay na kaya ditong tumayo, kung ayaw ni Rain ng load, ako na lang ang loadan mo" dagdag pa ni Nicole at saka tunawa tawa

"Hayaan mo yang gaga na 'yan" natatawang saad pa ni Nicole at saka lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi

"Bye, gaga una na kami ng jowa mo, akin mo na siya" saad niya sa akin kaya agad na nanlaki ang mga mata ko

"gaga ka talaga, ingat kayong dalawa" saad ko pa, nagulat pa ako ng lumapit si Jhiro sa akin at niyakap ako

"Ang lamig babe, parang kailangan ko ata ang init mo" bulong sa akin ni Jhiro habang nakayakap pa rin sa akin, kaya naman agad na nanlaki ang mga mata ko at bahagya siyang tinulak

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon