17. Kapatid

142 22 1
                                    

KISS ME UNDER THE RAIN
[Julbertson Series]

Chapter 17


A/n: pakibasa ang MBFH chapter 33, para mas lalo niyong maiintindihan ang chapter na ito

RAIN'S POV

Nalaman ni moma Rodel ang pag sali ko sa isang school pagent kaya naman, agad itong gumawa nang hakbang, nagalit pa nga siya nang sinabi ko sa kanya na isang beses lang kaming sinanay sa pag lalakad, dapat daw ay hindi ganun lalo na't binigla kami sa pagent na ito ba't daw kailangan na kami pa ang mag adjust, pero sabi sa akin ni moma ay wag daw akong mag alala kasi tutulungan daw niya, nila ako, sila ng mga kaibigan niya

Ganun nga ang nag yare, isang linggo kaming mga walang pasok, kaming mga kasali sa pagent para daw makapag handa, friday daw ang pre-pagent kung saan mula sa 16 candidates ay magiging walo

buong linggo ginugol namin ang pag sasanay sa pag lalakad at pagpapakilala, tinulungan din nila ako sa pag aayos ng aking mukha, nahihiya na nga ako sapagkat si moma na naman ang gumastos.

Hindi ko na nga halos nabigyan ng pansin ang pag hahanap kay Daniel, pero sabi sa akin ni Moma ay wag daw akong mag alala at marami naman daa silang naipamigay na mga papel

Lumipas pa ang mga araw, heto ako ngayon naka tayo sa back stage, lihim na nanalangin na sana ay matalo ako, sana para hindi ako maka sali bukas, mas marami kasi ang tao bukas, kung saan gaganapin ang pagent, pero naisip ko rin na sayang din ang ginastos ni moma Rodel para sa akin, para lang sa pagent na ito.

Pinarampa lamang kami, habang naka suot nang maskara, pare parehas ang aming sout

Nakakapag taka kung bakit kami naka maskara at bakit puro model lamang ang pinagawa sa amin, wala rin tanong kahit ang pag papakilala ay wala, ganito ba talaga ito? Ganito na ba ako walang kaalam sa mga pagent? O baka naman style lang nila ito.

Hindi man lang kami binigyan nang pagkakataon na makapag salita tanging emcee lamang ang nag iingay

Isang oras din ang lumipas, heto ako ngayon kasama sila moma Rodel pa uwi sa may amin, subrang sakit na nga nang tainga ko dahil sa kaka likyaw nila, paano ba naman kasi naka sama ako sa top 8 ibig sabihin makaka sama ako bukas sa pagent

Halos kasing lakas na nga nang likyaw nila 'yung tunog ng heartbeat ko e

bago ako dumiretso sa bahay ay pinadaan pa ako ni Moma Rodel sa bahay nila para daw mag celebrate na tinutulay ko naman, sapagkat bukas din mismo ang pagent

Buti naman ay napapayag ko sila na umuwi na ako sa may amin, sabi nila daw ay maaga daw ako matulog nang saganun ay maganda ako bukas, tulad kanina sila daw muli ang bahala sa akin bukas

Nang maka pasok ako sa loob nang bahay agad akong nag tungo sa aking kwarto para mag palit nang damit, nangangati na rin kasi ako

Ng matapos ako ay agad akong nag tungo sa kusina para mag luto nang aking pang hapuan, tulad nang dati madadaling lutuin lamang ang niluto ko

Nag sasandok ako noon ng kain nang biglang tumunog ang cell phone ko

Kaya naman agad ko itong kinuha sa cell phone ko

nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang tumatawag

Si Jhiro, kaya naman agad ko itong sinagot

"Hello-" hindi ko na natapos ang balak ko sanang sabihin nang bigla itong nag salita

"Sa Sea side, 7:30 pm!" sagot nito sabay patay ng tawag

Nag tataka ko muling tiningnan 'yung cell phone ko, sea side? 7:30 pm? Napatingin ako sa oras 6:58 pm na

Ilang minuto ko rin inisip kung anong ibig sabihin nang sinabi ni Jhiro

Agad naman akong napatakbo sa aking kwarto nang maproseso ko kung anong ibig sabihin niya, gusto niyang makipag kita sa akin sa sea side nang 7:30 pm

agad akong nag hanap nang maari kung isuot, nag okay na ay agad akong nag tungo sa comfort room para maligo

ilang minuto lang din naman ang tinagal ko sa banyo

Ng makapag bihis ako ay muli akong napatingin sa aking cell phone para tingnan kung anong oras na, agad na nanlaki ang aking mata nang makita 7:23 pm na

Nang tatakbo akong nag tungo palabas ng bahay, hindi ko na nga masyadong nasaradohan 'yung pintuan nag bahay

Medyo malapit lang din naman 'yung sea side dito sa may amin kung lalakarin mo ay baka wala pang anim na minuto, pero dahil tinakbo ko ang papunta dito ay halos tatlong minuto lamang, nag mapatingin kasi ako muli sa aking cell phone ay 7:26 pm na

Agad kung nilibot ang aking paningin kung saan kami unang nag kakilala ni Jhiro, agad ko naman itong nakitang naka upo sa upuan na inupuan niya noon kung saan una ko siyang nakita

Agad akong lumapit dito

"Jhiro" pag tawag ko sa pangalan niya, agad naman siyang dumingin sa akin, pansin ko ang pamumula nang mata niya

"Rain" ika niya at saka siya tipid na ngumiti

Umupo ako sa upuan na malapit sa inuupuan niya

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko sa kanya, at saka ako tumingin sa dagat na tahimik na umaalon

"About sa ilang araw na nag daan" panimula niya, agad din naman akong napalunok ito na siguro yung araw na mabibigyan nag kasagutan ang palagi kung tinatanong sa aking sarili kung bakit ako iniiwasan ni Jhiro, sila ni Nicole

"Alam kung nahalata mo ang hindi naming pag pansin sayo ni Nicole" saad niya pansin kung muli siyang napatingin sa akin pero hindi ko siya tiningnan, nanatiling naka tingin ako sa dagat

"Gusto kung humingi nang sorry sayo, kasi sumabay pa kami sa problema na ikinakaharap mo, nawawala na nga yung kapatid mo sumabay pa kami, kaibigan mo kami pero hindi ka man lang namin tinulungan" saad niya hindi ako umimik nanatiling nakikinig lang ako sa kanya

"Kinabukasan kasi noong dumating ang problema mo sa pag kawala ng kapatid mo, yun din yung araw na dumating yung problema ko" saglit siyang tumigil sa kanyang pag sasalita

"Umaga noon ng magising ako, naabutan ko ang isang lalaking nag pakilala na tatay ko daw" saad niya agad naman akong napatingin sa kanya nang mabanggit niya ang salitang tatay, alam kung lumaki siyang walang ama, alam kung bata pa lang siya hinagad na niyang mag karoon nang isang ama

"Sobrang saya ko noon, kasi sa wakas nakilala ko na rin 'yung tatay ko sa tagal nang panahon, pero agad din nawala yung sayang yun ng malaman ko na yung tatay ko ay ang siyang tatay mo rin" nanlaki ang mata kung napatingin ako sa kanya

tama ba ang aking pag kakarinig, muli akong tumingin sa kanya, hindi naman siya lasing hindi rin naman siya amoy alak

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya, baka naman mali lang ang pag kakarinig ko

Hinawakan niya ako sa balikat, at saka siya muling nag salita

"mag kapatid tayo" sa halip iyun na lang ang sinabi niya, mas malinaw kesa sa kanina

A/N: Baka ilipat ko ito sa Finovel/Novelah/StoryOn

KISS ME UNDER THE RAIN × On-HoldWhere stories live. Discover now