nine

146 16 6
                                    

" ano ba ang trip mo ? bakit di ka namamansin ? " tanong ni riki nang dismissal na . kanina pa siya kating kati na sabihin to kay luna kasi ang weird niya . oo , hindi sila close pero sobra naman yata to na parang hindi sila magkakilala .

" wala . ayaw lang kitang pansinin " maldita niyang sagot .. the audacity !

" ay really  ?? sumbong kaya kita kay tito .. tingnan lang natin kung saan aabutin yang pagsisinuplada mo " banta niya kay luna pero inirapan lang siya nito . napaka attitude talaga nito .

" bahala ka sa buhay mo . gusto mo , samahan pa kitang magsumbong ?"

napaka imposible talaga ni luna para kay riki . pero kahit ganoon ay gusto parin niya ito .

" sige ba , sabi mo yan ah ? tara na sa bahay niyo " pilosopong tugon ni riki .di alam ni luna kung matatawa ba siya o magagalit sa kababata .

hinawakan naman ni riki ang pulsuhan ng dalaga bago ito higitin papuntang sakayan ng jeep kahit na di niya alam if susunduin ba si luna o hindi . magco-comute nalang sila para mas matagal niyang makasama si luna .

" bitawan mo nga ako " sabi niya kahit na siya naman mismo ang kumalas sa pagkakahawak ni riki .

" bakit mo pa sinabi kung gagawin mo naman pala ?naka drugs ka yata , tigilan mo na yan . masama yan sa katawan mo " sabi ni riki kaya lalong nainis si luna . ito yung ayaw niya kay riki eh , yung pagiging pilosopo nito at palabiro . minsan kasi sumasagad na siya at di na niya alam na nakaka offend na pala siya . but for riki , ginagawa niya to para pansinin siya ng dalaga .

" oo sige nalang riki , kung saan ka masaya , suportado kita "

napatingin naman si riki sa kaniya .. really ? kung sabihin kaya niyang magiging masaya siya kapag maging mag jowa sila , papayag ba siya ? but riki knows that luna likes ethan so it's impossible .

" don't act like a stranger to me luna , masaya na ako " sabi niya kaya na guilty naman si luna . sa totoo lang , hindi naman dapat ganun ang approach niya kay riki sa school eh pero dahil sa nangyari sa camp , bigla siyang na awkward . lalo pa nung tinukso na silang dalawa . kasi kahit na naiinis siya ay medyo kinilig siya . at ayaw niya sa pakiramdam na yun . gusto niya , sa kay ethan lang siya dapat kiligin .

" oo na , ang seryoso mo naman . hindi bagay sayo "

" gusto mo bang ikaw nalang seryosohin ko ?" biglang banat ni riki . and there it goes again .. those butterflies that she hated swarms once again on her stomach . tama ba na kiligin din siya sa kababata niya , kahit na gusto niya yung kuya nito ? naguguluhan na ngayon si luna .

" tumahimik ka . kung hindi , babawiin ko nalang yung sinabi ko " sabi niya nalang para tumigil na yung mg paru-paro sa tiyan niya , pati na rin si riki kasi kapag bumanat pa ulit siya ,mahahalata na ni riki ang pamumula ng mga pisngi niya . hindi pwede yon .

" oo na , titigil na nga sabi ko . napaka attitude mo talaga kahit kelan . " sabi nito atsaka may mga binubulong pa na hindi na marinig ni luna nang dumating na ang jeep na sasakyan nila . tiningnan niya lang si riki at hindi naman niya maikakailang napaka attractive nito kahit saang anggulo niya man tingnan .. kaso nga lang , gusto niya si ethan noon pa . at pinangako sa sariling , siya lang .




-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon